spinach tokwa

walang sablay pag pinagsama mo ang tokwa at spinach. ito yung pagkaing sobrang sarap pero ang daling gawin. parang salamangka talaga ang pagluto – ihagis mo lang ang mga rekado sa palayok at isalilalim sa apoy sandali. presto! pagkaing masarap.

Spinach con Tokwa 001

 

Saba Di Ha!

hindi lahat ng saging ay pantay-pantay. kung saging na saba rin lamang ang pag-uusapan, pinkamasarap pa rin ang dito galing sa bayang magiliw. di ko alam kung bakit, pero lahat ng may phallic shape na pwedeng isubo sa bibig ay masarap dito sa pilpinas.

sabi ni pastor mang boy, ito raw ay patunay na ang diyos ay pag-ibig.

Super Duper Fish Head Curry at Kok Sen

lumipat na ako sa amerika pero muli kong binabalik-balikan ang aking pinakamamahal na fish head curry sa kok sen.

dumating kami ngayong gabi at punong-puno ang restaurant pero yung auntie na hindi ako nakita ng tatlong taon ay bukas kamay na sumalubong, nag bigay agad ng lamesa at alam na agad niya kung ano ang gusto kong kainin. hindi nagtagal at naluto na rin ang inorder, kakainin namin ito sa labas ng kalye, pinapawisan dahil sa anghang pero enjoy na enjoy.

Binagoongan

masarap ang binagoongan kung ang lasa ng bagoong ay pahiwatig lang ng matinding sarap ng pinaghalong ginisang kamatis, sibuyas at bawang, anghang ng sili, yin yang linamnam ng laman at taba ng liempo at earthiness ng talong.

ginisang monggo

“what’s that you’re eating?” ang tanong ng kaopisina ko, habang tinitingnan ang baon kong ginisang monggo.

“it’s called monggo”, ang sabi ko naman.

“like the pencil?” ang tanong niya.

“gago”, ang sagot ko.