FISH EYES AND DRUNKEN PRAWNS

post conference lunch namin kanina. nagpakain ang opisina in celebration for the success of the conference yesterday. pumunta kami sa isang halal indonesian-thai restaurant at isa sa mga inorder namin ay curry fish head. pag lapag sa mesa, yung kasama naming tatlong babae eh nag-uunahan doon sa mata ng isda. hehehe… kakatawa tayong mga asians, walang kiyeme sa pagkain ng mga exotic animal parts.

pero teka, kagabi, si tom at si ceci (na mga amerikano) eh kumain din ng “drunken prawns”…ito yung buhay na hipong nilasing sa whiskey at kakainin mong gumagalaw-galaw pa.

POST CONFERENCE DINNER

tapos na yung user conference namin dito sa singapore at iniwan na namin kanina sina ceci at tom sa kanilang hotel. pero nag dinner kami at sinama ko si jet para naman makaharap niya ang mga bagong kaibigan ko. bukas lilipad na sila pabalik sa america.

nakakalungkot din. magkakasama kami ng 2 linggo at wala lang… ngayon lang ako talaga nag enjoy sa trabaho ko. it brings back memories of the days when i was working with a group of people whom i respected and whose company i loved. ceci, tom, gk and norman: they are that kind of people. they work their butts off when its time to work but they find humor in every situation. yeah, kinda like me. hehehe. i look forward to the day when we can work together again.

be safe guys, till next time.

PAANO BA MAGLUTO NG KANIN?

paano ba magluto ng kanin? hehehe… tinuruan ako ni jet bago ako umalis pero parang nakalimutan ko na eh. hirap talagang home alone. bili na lang kaya ako ng chicken rice takeout mamaya? pizza hut? burger king? magpaampon muna kaya ako sa kapitbahay namin

ang tanga tanga ko no? engineering graduate, di marunong mag-saeng. bahala na, kung maluto eh di may kanin. kung hindi, eh di may lugaw.

GAMOT SA CONSTIPATION ANG KOREAN FOOD

eto subok na subok na: kung di kayo makaebs, umordor lang kayo ng take out na korean food. sigurado after the meal, halos lumakad takbo kayo papunta sa comfort room. tulad kanina, pagtapos ng dinner namin at pagkarating na pagkarating dito sa hotel room ko, nakita ko pa lang ang inodoro sa CR, napa-upo na agad ako….

(pregnant pause)

actually, napaupo ako ng 2 beses. hehehehe… simula nang dumating ako dito sa seoul kahapon, nakaka 6 na dalaw na ako sa trono. di ata kaya ng tiyan ko ang long term barrage ng kimchi at korean barbeque. ang maganda lang eh masarap ang pagkain dito, kaya pinagpapasensyahan ko na ang hilab ng tiyan, malimit na pagutot at minsan pa nga eh UST. alam nyo bang ibig sabihin ng UST? hehehe…

KIMCHI SA KOREA

nag breakfast kami sa isang restaurant malapit dito sa office kaninang umaga… typical korean seafood noodles na maanghang na may kasamang vegetable seaweed rolls with rice… di ko alam ang tawag dito, kasi kain na lang ako ng kain. hehehe. as usual maanghang. as usual, may kimchi as side dish.

speaking of pagkain: ang lunch namin ngayon ay noodle soup na mainit, malalaking steamed dumplings on the side, at ang pinakamasarap na kimchi na natikman ko sa buong buhay ko. maliit lang siya na working class canteen, pero, masarap ang pagkain.

Continue reading

TAKEOUT LUNCH

ngayong lunch ay nag takeout ako: giniling na baboy, fried chicken, ginisang toge at kanin na may curry gravy sauce. typical malay-chinese topping meal. total price: S3.80 (around 114 pesos). mahal ito dahil nasa airconditioned na commercial area. kung sa regular turo-turo, around $2.50 (75 pesos) and price ng kinain ko. on the other hand, mura na rin, considering na ang mcdo value meal dito sa singapore ay around $6 (180 pesoses).

LUMPIA

ang ulam namin ngayong tanghali ng biyernes santo ay… LUMPIANG HUBO!!! rapsadoodels baby. samahan mo na ng sarsa at sangkatutak na bawang na dinikdik. wala akong pakialam kung layuan ako ng mga tao sa amoy ng hininga ko pagtapos kumain. ang importante ay makakain ng LUMPIANG HUBO…hubo…hubo…hubo… (ayan, may echo pa).

SUMUKO NA KAYO! kayo…kayo…kayo…. NAPAPALIGIRAN NA NAMIN ANG HIDEOUT NYO! nyo…nyo…nyo… HEHEHE.

sige, mamaya na lang ulit… KAKAIN NA KAMI! kami…kami…kami…

BEEF STEAK TAGALOG

ang ulam ko ngayong gabi ay… beef steak tagalog na left over kagabi, kanin, pakwan, celery soup en my current peborit drink – oolong tea. sarap nga eh. kumain kami ni jet habang nanoonod ng “the fugitive” sa HBO.

kaninang lunch naman ay pumunta kami sa bedok ng office mate ko na si henry at kumain kami ng “nasi bryani chicken”. sikat na restaurant ito sa singapore at dinadayo ng marami. ang may-ari ay bumbay at specialty nila ay chicken curry with bryani rice. tuwing lunch time ay siguradong puno ito ng tao at nakapila sa harapan ng restaurant. ang pwesto ni bumbay ay simple lang. para nga lang itong carinderiang bulok sa pilipinas. iyon ang isang maganda rito sa singapore, makakapunta ka sa mga maliliit ng turo-turo na murang mura ang pagkain pero super naman sa sarap.

ADOBO POWER, PART II

naalala nyo pa ba yung kwento ko tungkol sa adobo two days ago? kagabi kasi, sinerve ni jet yung natirang adobo sa mga bisita namin. hehehe… hit na hit ito sa mga instik. ang sarap daw – wala ngang natira doon sa tira namin. ahh… kahit ano pang mangyari sa pilipinas, di tayo papahuli sa pagkain. adobo at kanin lang eh pamatay na sa mga banyaga. hehehe…siyempre, depende iyan sa adobo kasi not all adobo’s are created equal. may nagpapanggap lang na adobo at mayrong tunay na adobo. yung kay jet eh tunay yon at talaga namang masarap.