bilang celebration sa muling pagbabalik ng itlog sa singapore, nagluto ako ngayon ng isa sa mga paborito naming almusal ni jet: tantananan! (torotot epeks to announce something important) – “pepper steak and eggs with mushroom gravy“. bihira ko lang itong lutuin dahil medyo mabigat sa tiyan but when i do, i really enjoy it. nakabili na kami ng itlog last friday, sa wakas (akala ko kasi “sa wakas ng panahon“). rationed pa rin to two trays per customer pero at least mayron na. ang mga itlog ay galing pa sa new zealand. yup, you can say that they are “kiwi na, chicken eggs pa”. at oo virginia, pag kinamot mo – magiging itlog na maalat siya. CLICK on d’piktyur para gutumin kayo, or, you can also CLICK HERE para marinig ninyo ang aking pagbabalita tungkol sa pagbabalik ng itlog sa singapore. i swear (i got more hair), matatawa kayo.
Category Archives: FOOD
BWAKANGINANGYAN, BEEF STEW!
tagumpay! hindi lason. hindi kaning baboy. ito ay beef stew (i think). sa unang pagkakataon sa tanang buhay ko, nakaluto na ako ng mas mahigit sa prito. sinundan ko ang recipe ni radical chef para sa beef stew. hayan, tingnan nyo ang ibidinsya (“sabi ng iba, bisaya raw ako. wala naman silang ibidinsya”. hehehe). according to jet masarap daw at lasang tinolang manok kaya lang maanghang. nilagyan ko kasi ng sangkatutak na paminta. pwede na talaga akong magbukas ng karinderya rito sa singapore. ano ba magandang pangalan? “the circumcised chef” siguro. BWAHAHAHA!
Will you find a reason to see what I have today
ok ang sunday namin ni jet. maaga akong nagising at diretso akong nag bike sa beach. maganda ang panahon kanina. mahangin at di masyading mainit. pagdating sa bahay, nagluto ako ng brunch namin. siyempre, kumakanta ako habang nagluluto. yan nga pala ang dahilan kung bakit maamo sa akin ang mga kumakain ng luto ko. tumatalsik kasi ang laway ko sa pagkain eh. hehehe. simple lang muna ngayong lunch – salmon with olive oil at ginisang toge. mamayang dinner ang medyo challenging: magluluto kasi ako ng beef stew. upgraded na ang skill set ko at graduate na ako sa stir fry. di na nga ako makapaghintay. sa sobrang excitement ko nga, parang gusto ko na namang mautot.
ang maganda pang nangyari ay sa sobrang ganda ng araw na ito (so far), biglang na inspire na mag blog ulit ang aking mylabopmayn kaya na break tuloy ang kayang hayatus. puntahan ninyo sa “My Life… A Cup of Deja Brew”
Dulce et decorum est Pro patria mori
ang paborito kong meal of the week… saturday brunch. ako kasi ang nagluluto pag sabado ng umaga at nakakapag experimento ako sa mga cooking ng ina ko. siyempre kung cooking ng ina ko eh, cooking ng ina nyo rin. ngayong umaga, gumawa ako ng “tortang patatas”. specialty ito ng mommy ko at regular fare namin sa bahay simula pagkabata hanggang tubuan ako ng pubic hair. nilagyan ko lang ng kaunting singapore twist by adding “black sweet and thick soya sauce“. tapos kasama netong torta ay fried bacon, with my ispesyal “tomato with extra virgin (tulad ko nung araw) olive oil“. pakingsheet ang sarap.
BEFORE: COOKING NG INA MO…
weekend ngayon, ako ang nagluto ng brunch. hinanda ko ang paborito ni jet na ulam lately… pritong baboy (extra crispy), pritong itlog na sunny side, ginisang toge and my special suka, toyo, bawang, sibuyas at sili na sawsawan. niluluto ko nga kanina, nag hunger pangs na ako dahil ang bango bango. pwede na akong magtayo ng karinderyang karaoke. yehey, ayos ba ate sassy? pwede na rin akong gumawa ng cooking blog – “the prodigal chef“.
AFTER: COOKING NG INA MO RIN…
kita nyo naman – hehehe. kalahati ang simot sa baboy. ubos ang toge at itlog at busog na busog kami. dahil dalawa lang kami sa bahay, malamang ay ulam namin ito hanggang bukas ng umaga. ngyahaha. ang sarap ng luto ko. simple lang pero rock. marunong na akong magluto besides the fact na magaling akong umutot at mangulangot. pwede na siguro akong maging renaissance boy.
KUMAIN NA NAMAN AKO NG LOR-MI
friday at wala ang boss kaya nagplano na namang kumain ang mga kaupisina ko sa turo-turo ng old airport road. mayrong isang stall dito na well known sa buong singapore dahil sa lor-mi (lomi sa mga pinoy). ok lang na maghintay ng 30 minutes dahil sa haba ng pila. sulit naman kasi… steaming hot lomi na may sahog na bawang, crispy daing na isda, big slices ng sweet pork, chicharong balat ng baboy, itlog, shredded meat at may toppings na haugang otah fish cake. sabayan mo ng panulak na sugar cane juice na may lemon at tapusin with a big bowl of CHNG TNG, ang dessert na walang vowel.
pakingsheet, ang sarap.
SEEDLESS THIS, SEEDLESS THAT
seedless grapes
seedless watermelon
seedless bayabas
seedless orange
puro seedless na lang halos lahat ng mga nakakain kong prutas dito sa singapore. kailan kaya sila maglalabas ng seedless na kasoy?
nabawasan nga pala ako ng 2 lbs. yehey! kaunti na lang, pwede na akong mag sideline na sexy macho dancer. hehe. maganda rin sanang sideline yung tulad ng trabaho ni ronnie lazaro sa “boatman” pero baka malamang sigurado oombagin ako ng misis ko.
TOKWA’T BABOY ONE LAST TIME…
narito ako ngayon sa bahay, nagesesnti. medyo malungkot dahil bilang nang araw namin dito sa pilipinas. sa lunes, lipad na kami pabalik ng singapore. para bigyang dahilan ang pananatili namin doon, iniisip ko na lang na “weathering the storm” lang ito. balang araw dito na talaga kami sa pilipinas for good. sayang, kung patas lang sana ang labanan, di ako aalis. kagabi, kasama ko ang mga barkada ko. pinag-usapan namin ang aming mga collective futures. marami sa kanila ang nag-iisip na ring umalis. the best and the brightest people i know are seriously thinking of moving out. pakingsheet. i’ve moved out earlier than them. a fact that fills me with guilt sometimes. di ko alam. minsan iniisip ko kasi, swerte ako dahil kumikita ako ng maganda samantalang…. fill in the blanks: a. marami akong kaibigang naghihirap dahil walang opportunities, b. di pa rin nawawala ang poverty sa bayan ko, c. di ko maasikaso ang mga kamag-anak kong maiiwan.
KATAKAWAN DOES NOT PAY
christmas day, 2003 will forever be remembered as a day of infamy. naimpatso ako dahil sa sobrang katakawan. bwakanginangyan. napagtripan ko kasing kainin ang crispy pata at barbeque sa bahay ng parents ni jet. masakit pala ang hindi matunawan. all afternoon hanggang sa pagtulog ko eh mahapdi ang aking sikmura. nag maneho nga ako from novaliches to antipolo tilted side view na parang jeepney driver sa pilipinas.
ngayon lang nangyari ito sa akin as far as i can recall. kinuwento ko nga sa mommy ko kaninang umaga dahil nag-alala rin siya. sabi niya, nung bata ako eh parati raw akong naiimpatso at nilalabatiba nga raw nila ako para ako matae (excuse me, hehe). perhaps, it’s my body’s way of telling me to slow down. i just turned 38. kailangan mag ingat na ako if i want to enjoy my retirement later on.
anyway, ok na ako ngayon pero sabi ni nurse jet eh wala raw akong solid food for the whole day. dang. question: yung kare-kare ba eh considered na solid food?