I DON’T BELIEVE IN GOD, BUT IF I DID, HE WOULD BE A BLACK LEFT-HANDED GUITARIST

tatlong pelikula ang pinagpilian namin na panoorin ni jet last weekend:

1. Super Size Me. “[A] gripping, often funny, unfailingly gut-wrenching burp of a documentary about America’s fast-food industry and one man’s (his) greasy descent into its cholesterol-clogged bowels.” – James Adams, GLOBE AND MAIL

2. The Other Side of the Bed. “A satire of contemporary sexual warfare that leaves you smiling but also stung.” – Stephen Holden, NEW YORK TIMES

3. The Dreamers. “ang daming sex. tirahan ng tirahan, umaga hanggang gabi. ang galing, nagsikip tuloy ang pantalon ko” – BatJay, Singapore, SAMAHAN NG MGA MATUTULIS

eventually, “the dreamers” won. maganda kasi ang review dito sa singapore at gawa pa ito ng idol kong bernardo bertolucci. “I don’t believe in God, but if I did, he would be a black left-handed guitarist” – packingsheet, with lines like that, you can’t help but fall in love with this film. panoorin nyo ang “the dreamers”. it’s disturbing, exciting and full of sex. my kind of film. hehe. mamamatay nga pala silang lahat sa ending. bwahahaha.

SUICIDE IS PAINLESS

two weeks ago, pinanood ko ang “M*A*S*H” (yung masterpiece ni robert altman, hindi yung tv series). ever since, di na nawala sa loob ng ulo ko yung paulit-ulit na pagkanta ng “suicide is painless“, the lyrics of which incidentally, was composed by altman’s son. kahit saan na lang kinakanta ko ito – sa banyo, sa opisina, sa train (much to the amazement of the other passengers). nung di ko na matiis, kinuha ko yung gitara kanina at nirecord ang aking take sa kantang ito. pakinggan nyo na lang.

Continue reading

MAGANDANG TITLE PARA SA MGA PELIKULANG PINOY

alam ko marami akong mga bastos na salitang ginagamit at kung ano-anong mga katarantaduhan ang mga kinukwento ko pero: kung sino man yung nagpunta sa google, nag search ng “mga kwento ng nagtataeng ballpen“, at nakarating sa site ko eh – “mabuhay ka, kaibigan!” – mas sira ulo ka pa sa akin. hehe.

ak-shu-li, ok itong title ng pelikulang pinoy: “Mga Kwento ng Nagtataeng Ballpen”

Continue reading

LOST IN TRANSLATION

pinabili ko sa opismeyt kong galing sa US. this is one of the best movies to come out this year. magaling ang direction ni sophia coppola, asawa ni (“adaptation” at “being john malkovich” director) spike jonze at anak ni francis ford. in this film, she comes out of their shadows. magaling din ang acting ni bill murray at scarlett johansson, subtle but with a big kick. nasa japan ako last year for a week (about the same amount of time that murray’s character was there) . naramdaman ko rin yung alienation but at the same time fascination with the japanese, their culture and way of life.

isang nakaka aliw na ugali ng mga hapon ay ang pag sunod nila sa de numerong schedule. kasama kong namasyal ang aking host na si ikegami-san. the night before binigyan niya ako ng schedule. kahit pleasure trip yung weekend ay talagang detalyado doon ang mga gagawin namin. poreksampol: 7:00 wake-up, 7:15 wait at lobby, 7:17 walk to train station, 7:22 ride train, 7:34 get out of train and ride bus, 7:47 walk to tokyo tower, etc. etc. tiningnan ko siya with an ‘are you kidding me’ look. apparently he was serious.

nung mga 11:30, nagutom na ako.
batjay-san: “ikegami san let’s have lunch”.
ikegami-san: “but jay-san, our schedule says we have lunch at 12:30.”
batjay-san: “drop the schedule. i’m hungry. let’s eat.”
ikegami-san: buntonghininga, simangot, punit sa schedule… “ok jay-san, we have lunch“.

MGA PELIKULANG NAKASALANG SA DVD PLAYER NAMIN

1. Belle Epoque. nanalo ng best foreign film, 1992 oscar awards. the ultimate male sex fantasy movie. set in 1931 spain, isang army deserter ang nagawi sa isang probinsya sa spain. doon niya nakilala si manolo at ang kanyang 4 na seksing anak na super ganda. ang suwerte nga ni manolo, nagkaroon siya ng carnal knowledge sa apat na ito. directed by fernando trueba. nakakatawa, maganda (at nakaka arouse?) ang pelikulang ito. dito ipinakilala ang then unknown – penelope cruz. dito nyo rin mapapanood si maribel verdú, ang kanais-nais na bidang babae sa “Y Tu Mama Tambien”.

2. Antonia’s Line. pagtapos ng worldwar II, umuwi si antonia sa probinsya nila sa holland, kasama ang anak niyang si danielle. dito nagsimula ang 40 year, mala epic na kwento ng pamilya nila. ito naman ang ultimate woman’s movie dahil sa magandang pagpapakita sa kakayahan ng mga kababaihan. marami pa ring sex but that’s ok. this is so different from the typical hollywood movie, which is why it’s so great. ang galing din ng dialog. at, sa pangalan pa lang ng mga characters (crooked finger, loony lips, the mad madonna), alam mong iba ang dating ng pelikulang ito. winner of the 1996 oscar award for best foreign movie.

IRREVERSIBLE

IRREVERSIBLE, Starring: Monica Bellucci, Vincent Cassel, Albert Dupontel

kung gusto ninyong manood ng isang pelikula that will completely disturb you and probably give you sleepless nights, watch Gaspar Noé’s irreversible. pinalabas ang pelikulang ito in reverse chronological order. kahawig in some way with “memento” in a sense dahil pabalik ang takbo ng istorya. actually, it starts with the end credits rolling in reverse. hehe.

dalawang beses ko na itong napanood. once, from beginning to end. and another time, from end to beginning. in both times, mahirap talagang i-take yung dalawang eksena doon sa pelikula. ang unang disturbing na eksena ay kung saan pinakita nilang hatawin ang isang lalaki sa ulo ng isang fire extinguisher ng paulit-ulit hanggang sa lumabas ang kanyang utak. pangalawa ay yung 10 minute na rape scene ni monica belucci. tinira siya sa pwet at yung pagpapakita ng eksena ay talagang very graphic at para talagang mararamdaman mo kung ano ang pakiramdam ng isang na-rape.

if you can stomach the violence and if you have the patience to try and understand a story told in reverse, then it is a good film to watch on a rainy sunday afternoon.

THE MATRIX PREMIERE SA SINGAPORE, MUNTIK NANG MAG REVOLUTION

mamamatay si keanu sa ending ng revolutions. biro lang. ngyehehe. di ko pa napapanood. pero mayron akong balita sa premiere dito sa singapre. this is a true story, i shit you not… muntik nang mag rebolusyon dito nang mag premiere ang “The Matrix: Revolutions”. ganito ang nangyari:

during the last 20 minutes of the movie, siyempre eto na yung pinaka exciting dahil climax na, biglang nagloko ang DTS sound system at nag skip ang dialogue pabalik sa previous part ng pelikula. eh di siyempre, di na pareho ang salita nina trinity at neo sa galaw ng kanilang mga bibig.

Continue reading

The Matrix Reloaded + IMAX

The Matrix Reloaded + IMAX = bwakanginangyan, ang galing! the only place still showing “the matrix reloaded” in singapore is the Golden Village IMAX Cinema inside the Great World City. buti na lang at naging busy ako at ngayon lang nagka oras manood. watching “The Matrix Reloaded: The IMAX Experience” was the best theater experience i have ever had. man, i was really entertained.ibang klase ang IMAX experience: big and soft cushion seats, malaking leg room, unobstructed view of the eight story high screen (kitang kita ko ang mga tagyawat ni keanu), 12000 watts of digital surround sound, malinis na sinehan, mabait na staff…sulit ang bayad.

ROAD TO PERDITION

Peter O’Sullivan: “Why are you always smiling?”
Conner Rooney: “Because I find life so fucking hysterical!”

isa siguro ang american beauty sa current top 10 list ko. una, dahil sa storya. from start to finish, magaling ang nakakatawa, nakakaiyak at very original na script ni alan ball. incidentally, siya rin ang writer/director/producer ng “six feet under”, yung isda best na series sa HBO.

pangalawa, yung cast – from kevin spacey to chris cooper to annette bening to thora birch, walang tulak-kabigin sa mga artistang gumanap dito. bukod sa “the usual suspects” ni x-men director brian singer, ang “american beauty” siguro ang pinaka magaling na pelikula ni spacey.

ikatlo, yung cinematography ni (the late great) conrad hall, in particular, yung laro ng light and shade sa set. ikaapat ay yung musica. magaling ang score at yung soundtrack ay espesyal sa akin. lalong lalo na ang eksena na pinatugtog ni mena suvari yung “don’t let it bring you down” ni neil young na cover ni annie lenox – it kills me everytime i watch it.

at panghuli, yung direction ni sam mendes – in particular, yung subtlety, yung pace at yung takbo ng buong pelikula… ang galing. di ko na ipapaliwanag, panoorin nyo na lang. hehehe.

Continue reading

KATE AND LEOPOLD NG MADALING ARAW

natulog kami ni jet ng late kagabi… kasi nanood ulit kami ng “kate and leopold” starring meg ryan and wolverine. tapos, nag low batt ang cell phone alarm clock ni jet at huminto naman ang alarm clock ko. kung kaya – 7:30 na kami bumangon.

nag taxi tuloy ako ngayong umaga, #$%@$*@!# yan! let’s do the math… $7 for a 10 minute trip taymis 30 equals 210 pesoses. tangnenek, ang dami nang mabibili ng 210 pesos sa maynila. pwedeng manood ng Xmen2 na may kasamang 2 piece Jollibee Chicken joy with extra rice, extra gravy and one large fries take home… oh and BTW, please give me breast and pak-pak, please. no, not your breast dear jolibee food crew na colegiala.

awa ni bathala, di pa rin nawawala ang pagka-pinoy ko. ngyahaha… kinokompyut ko pa rin ang conversion to peso.