ngayon ang ika labing apat na anibersaryo ng kasal naming mag-asawa. labing apat. packingsheet – seven year itch taymis two. bwahahaha. ang tagal na namin ni jet ano? pero hanggang ngayon masarap pa rin ang sex life namin. buti na lang. pero teka, taympers… bago tayo magpatuloy, imagine nyo na lang muna na tumutugtog ang “ode to joy” ni beethoven para mas madrama. ok, tuloy ang kwento: alam nyo, ngayong taon eh pakiramdam ko, maraming magbabago sa buhay namin ni jet. parang natatakot nga ako dahil hindi ko alam what the future will bring. i just take comfort in the fact na sa 14 years naming pagsasama, wala kaming hinarap na hindi namin nalamapasan with flying colors. in fact, di ba, nagsimula nga kaming magsama eh wala kaming ka pera pera at hindi na nga kami nakapag pakasal sa simbahan. doon lang kami sa munisipyo ng kalookan sama ang dalawang kaibigang naging ninong at witness.
tapos ang reception pa namin ay sa jollibee sa sangandaan ginawa. kaming dalawa lang ni jet – chicken joy at french fries with large coke and extra rice lang ang handa. pagtapos ng kasal, nakitira lang kami sa mga mommy ko at nakituloy sa isang maliit na kwarto na may single bed. simple lang. siguro kaya rin kami naging close na mag asawa: kasi pag nag-away kami, hindi pwedeng hindi kami mag bate bago matulog dahil pang isahang tao lang ang kama. wala kang tatakbuhan kaya mapipilitan kang makipag areglo. hehe. nakakatawa nga – ngayon, king size na ang kama namin pero magkadikit pa rin kaming matulog. and just as well. you don’t know what hapiness is hanggang hindi mo nararamdaman kung papaano gumising sa umaga na katabi ang mahal mo na nakaakap ng mahigpit sa iyo. yun yung sinsasabi kong mga maliliit na bagay na pag pinag dugtong dugtong mo ay nagiging isang makabuluhang pagsasama. may request nga pala ako, punta naman kayo sa website ni jet at mag iwan kayo ng comment. sabihin ninyo, inutusan ko kayong magpunta roon para batiin siya ng isang happy 14th year wedding anniversary. sa pagsasama kasi namin, napakalaki ng naitulong niya para marating namin ang narating namin. hindi man kami mayaman sa salapi, eh busog naman kami sa pagmamahal. at malaking bagay dito ay dahil sa aking mylabopmayn.






