PIGGY BANK BLUES

nakakatawang isipin kung paano nakaka apekto ang mga events na nangyari sa iyong nakaraan with your present predicaments. life is like a pebble thrown in a pond. you can feel the ripple effects of the little things you’ve done grow bigger the further you move forward in time. nung bata ako, mayroong alkansyang kawayan ang mommy ko. dito niya nilalagay ang mga baryang naipon niya galing sa sukli na kanyang nakukuha sa pamamalengke. minsan, pag wala akong pambili ng double bubble gum ay sinusungkit ko ang alkansya. akala ko ay dahil pakonti-konti lang ang kuha ko ay hindi niya ito mapapansin. kaya lang ang hindi ko alam, yung kuya ko rin pala ay sinusungkit ito pag wala siyang pambili ng sigarillo. mas mabilis tuloy naubos ang pera sa alkansya.

Continue reading

Moon appears to shine

hello mylab,

happy birthday. hindi na ako mag papaligoy ligoy pa, heto ang isang regalo para sa iyo:: awit galing sa puso. sana magustuhan mo itong cover ng isang classic ni frampton. naghahanap ako ng angkop na kanta na magsasabi kung gaano kita kamahal – naisip ko nga para talagang senti, bakit hindi na lang isang 70’s song na mayroong lyrics na bagay nga sa gusto kong sabihin sa iyo: “baby, i love your way. i wanna be with you night and day“. sige na magkabaduyan na tayo sa special na araw na ito, ok lang sa akin. paraan ko lang naman para masabi na – maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. maraming salamat sa mga tawa at ngiti. maraming salamat for being by my side kahit nakakalbo na ako’t malaki ang tiyan. happy birthday mylab.

lab U.

jay

PS oo nga pala, gumawa ako ng “haikung hindi” para sa iyo. sana magustuhan mo rin. heto…

ako’y iyong minahal,
kahit minsan ako’y kupal.
you are a wonderful.

And ev’ry stranger’s face I see

dear mommy,

merry christmas po sa inyo. by this time siguro papunta ka kayong lahat sa tagaytay para sa annual christmas party ng pamilya. first time namin na mami miss ito ni jet in 5 years. medyo nakakalungkot nga pero ano bang magagawa natin – kailangan kumayod para may pambili ng hopia.

sana next christmas ay magkakasama ulit tayong lahat.

kagabi, nanaginip ako na kumukuha raw ako ng dalawang hershey bar sa vending machine sa opisina namin. weird nga eh – hindi ko po alam kung mayroon itong connection sa pasko pero gusto ko lang ikuwento. actually, ok naman po ang christmas weekend namin. parang nasa pilipinas rin kami kasi mga kabayan din ang kasama namin. ang sarap panoorin kung paano mag celebrate ang mga pinoy ng holidays sa ibang bansa. pakiramdam ko, we miss home so much na pilit naming mga overseas pinoy na ipagdiwang ang pasko na parang nasa pilipinas din kami. it’s heroic in a way and i love it.

tuloy po muna kami mommy. punta kami ng san diego ni jet at doon makikipag pasko sa iba nating mga kamag-anak. ingat po kayo diyan at kamusta na lang sa lahat.

nagmamahal,
jay


pakinggan ang PODCAST ng Dear Mommy Letter

I bet living in a nudist colony takes all the fun out of Halloween

dear mommy,

Ang Mahiwagang Daigdig ni Darnita, ang Batang Darna. CLICK to Zoom kamusta na kayo diyan sa pilipinas? sana ay nasa mabuti kayong kalagayan – di ko alam kung ano ang pakiramdam ng isang 81 year old but looking at you, it seems that you are having a great time. halloween na nga pala dito sa amin bukas. ito ang magiging una namin ni jet dito sa amerika at handa na kaming makikisali dito sa sikat na american tradition na ito. nakakatuwa nga ang mga kano, libo libo ang ginagastos para lang makapaglagay ng dekorsasyon sa mga bahay nila. kung titingnan mo, para silang mga sira ulo – bibili ng mga sapot ng gagamba, mga pusang nanlilisik ang mga mata, higanteng daga, mga paniki, at kung ano anong mga nakakatakot na mga maligno. tapos ididisplay ito sa labas ng bahay. tama ba naman yon? pero tama man o mali eh sali kami sa kabaliwan nilang ito! hehehe. napabili na nga kami ni jet ng mga candy para ipamigay sa mga bata, sakaling may maligaw na mag “trick or treat” sa apartment namin bukas.

Continue reading

First you forget names, then you forget faces

dear mommy,

gusto ko lang pong ikuwento sa inyo ang kahiya hiyang nangyari sa akin ngayon. pumasok po ako sa opisina kanina na bukas ang zipper. nalaman ko lang na bukas ito nang umihi ako ng mid day break. ibig sabihin pala, simula pag alis ko ng bahay hanggang sa dating sa opis eh bukas ito. buti na lang casual friday ngayon kaya naka tuck out ako ng polo – medyo hindi halata. kaya pala pag labas ko ng bahay kanina eh parang nakaramdam ako ng ginaw. kung may makakita sana sa akin at pinuna ang bukas kong zipper, ang isasagot ko para hindi ako mapahiya eh – “das wat we do wen it’s hot in singapore, my pren”.

nung isang gabi, nakita ko si jet na naglagay ng mga maruming plato sa oven namin. tapos naglagay siya ng sabon at nag power on. nagtaka nga ako kung anong klaseng pagluluto ang gagawin niya. nalaman ko lang pagkatapos na dishwasher pala ito. kaya pala nagbubula. iniisip ko nga, wala namang oven na ginagamitan ng sabon. ang galing pala dito sa amerika. puro mga hi tech ang mga gamit sa bahay. yung ref nga namin, may pagawaan ng yelo sa freezer. namamanhid na nga ang ngala-ngala ko dahil sa sobrang lamig. sa sobrang excitement ko kasi eh ginagawa kong candy yung mga ice cubes.

yon na lang muna ang kwento ko sa inyo. sana ay ok kayong lahat diyan sa pilipinas. parati naming kayong naiisip. sana makarating na kayo rito para bumisita. ingat na lang sa inyo.

ang nagmamahal ninyong bunso,
jay

Courtship consists in a number of quiet attentions

PAMANGKIN: “tito batjay, bofriend ko po”

BOYFRIEND: “good afternoon po sir”

BATJAY: “anong ginagawa mo rito?”

BOYFRIEND: “dumadalaw lang po”

BATJAY: “tuli ka na ba?”

BOYFRIEND: “ano po yon?”

BATJAY: “ang sabi ko, tuli ka na ba?”

PAMANGKIN: “tito naman eh, huwag mong takutin”

THE SHORT WEEKEND BEGINS WITH LONGING

4 EYES hi daddy. happy birthday. kung buhay ka pa, sana 83 ka na ngayon. kamusta ka na? marami ka pa rin bang chicks na nilalandi? dinadaan mo pa rin ba sa ganda ng boses para malaglag ang mga panty ng mga anghel diyan? hehehe. sana. otherwise magiging boring ang buhay mo pag wala man lang kahit kaunting kerengkeng. tinitingnan ko ang mga album kanina at nakita ko ang picture na ito. naalala ko pa nung kailan ito kinuha. siguro mga eight years old pa lang ako. nasa bahay tayo ni tito bert sa santa mesa at biglang lumapit ang kapatid niyang si quintin na may dalang camera. hinila mo akong bigla and the picture was taken. it’s funny how much detail from childhood you can remember. and i do remeber all the little acts of kindness that you’ve shown and all the things we did together. lahat yon nakalista. it’s the only way i keep your memory alive. alam mo, paminsan minsan napapanaginipan pa rin kita. sa panaginip ko, nag uusap lang tayo tungkol sa buhay buhay habang nag iihaw sa garden ng bahay namin ni jet sa antipolo. na mi miss din kasi kita kahit papaano. sa mga ganitong pagkakataon, gusto kong maniwala na mayroong afterlife. sana nga mayroon para magkita tayo someday. if that day comes, gigimmick tayo kahit saan mo gusto. sagot kita. o siya, happy birthday na lang ulit.

If evolution really works, how come mothers only have two hands?

Grow old along with me, The best is yet to be dear mommy,

happy 81st birthday. sorry kung hindi ka namin makakasama ngayon. kung pwede lang sanang mag jeep papunta diyan sa novaliches from singapore, eh di mamaya sanang pagkatapos ng trabaho, diretso kami ni jet diyan sa bahay ninyo. kaya lang, mayrong south china sea na naghihiwalay sa atin. sayang. di bale, uuwi naman kami ngayong june at pag dating namin, punta na lang tayo sa tagaytay para makapag enjoy naman kayo kahit papaano. o baka gusto mo namang magpa liposuction sa clinic ni vicky bello? sagot kita! you deserve to have a break. kayo kasi, masyadong mapagmahal sa mga anak ninyo at apo. ayan tingnan ninyo tuloy, hanggang ngayon nag-aalaga ka pa rin sa kanila. dapat nagpupunta ka na lang araw araw sa parlor ni bien sa talipapa para magpakulot o kaya magpamanicure o facial. pero hindi, ikaw pa rin nagluluto ng pagkain nila. ikaw pa rin ang peacemaker. ikaw pa rin ang umaalalay. kung sabagay, alam ko naman na isa ito sa mga nagpapalakas sa iyo. pinaka exercise mo na siguro ang pagsilbi sa mga mahal mo sa buhay. i know everybody loves you for all the big and little things that you do. eh sa akin lang, ang laking bagay ang ginawa mong pag alaga sa akin. especially nung umalis na ang daddy sa bahay. ikaw umasikaso sa pagpapa aral sa akin. ni hindi ko alam kung kanino ka nanghingi ng pera para lang matapos ako. looking back, it must have been hard for you during those days. i know i was having fun and living a normal life when you were probably so busy thinking about how we’d move from one day to the next. ngayon ko lang ito na appreciate ng husto. alam ko hindi ko ito magagantihan but i just try my best by being a good son.

so how does it feel to be 81? alam ko gusto mo pang mabuhay ng matagal. sana nga you live as long as you want to na punong puno ng katatawanan at kaligayahan. actually, hindi ka naman mukhang 81. sabi nga ng mga kaibigan ko, parang 55 ka lang. hehehe… naalala ko tuloy, inis na inis ka pag tinatawag kang lola o kaya inang. kaya yan tuloy – mommy ang tawag sa iyo ng lahat ng tao. happy birthday ulit mommy. maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sa amin.

with so much love, ang iyong bunsoy na kwarenta anyos na ngayon taon.
jay