HAPPY MOTHER’S DAY MOMMY

116-1626_IMG

di na tayo masyadong nagkikita simula nang pumunta kami rito sa singapore. matagal-tagal na rin kaming di nakaka-uwi. gusto ko lang malaman mo na di naman ako nakakalimot…na parati kitang iniisip. di ko nakakalimutan lahat ng ginawa mo sa buhay ko… ang lahat ng sakripisyo at pagpaparaya mo, para sa akin. nakalista itong lahat sa bato. kung mayron man konting tagumpay o kayamanan kaming naipon, di ito matatamasa nang di dahil sa iyo.

malapit nang birthday mo. actually, ito ang mas importante sa akin dahil 79 years old ka na. pero alam ko rin na senti ka at mahalaga rin sa iyo ang araw na ito. kung kaya’t binabati ka namin ni jet.

natanggap mo na bang regalo namin? sana naman ay masaya kayo diyan bukas… este, mamaya na pala. hayaan mo, next year, gagawin nating engrande ang 80th birthday mo. palakas ka pa, para pwede tayong magkantahan at sayawan. iimbita tayo ng banda para pwede tayong mag-rock-en-roll hanggang umaga.

punong puno ng pagmamahal at halik, ang iyong paboritong bunso.

jay

GUSTO KO PANG MABUHAY!

there’s this john denver song called “i want to live”. it’s not one of his best songs and i find some of the lyrics so melodramatic (e.g. “Have you watched the dolphins frolic in the foam”). but it’s a song i like to listen to nonetheless, because it reminds me of my dad. well, it’s one of the songs that remind me of my dad.

Continue reading

CHARACTERS

PI_SEPT02_173

ganda ni tj ano? si tj ay anak ni donna. si donna ay anak ni gigi. si gigi ay anak ni angela. si angela ay mommy ko. lahat sila ay magaganda. pinapatay kasi ang pangit sa amin eh. matalino si tj, mahilig siyang magbasa ng mga libro na bigay ng kanyang mabait na tito jay at tita jet. three years old na si tj. diretso na siyang magsalita at may accent ang english niya na slang na amerikano (di ko alam kung saan niya napulot ito). minsan naman ay sumasayaw din siya. mahilig siyang magpatugtog ng cd (alam na niyang i-operate ang cd player sa bahay) at mayron siyang sariling music collection. pag nag-swimming kami ay ayaw niyang umalis sa pool kahit nanginginig na sa ginaw. magaling siyang kumanta. manang mana sa mommy niya, sa lola niya, lola at lolo niya sa tuhod at sa kanyang mga tito at tita – lahat sila’y may magagandang boses. bukod sa lahat ng mga nursery rhyme songs ay kabisado niya ang “dancing queen” ng abba at lahat ng mga kanta ng sex bomb girls.

XMAS_02_138

luneta, chrismas vacation 2002: from left to right – si kuya bong, lucas, darlene, jet, dennis,axl at si ate lannie. si kuya bong ay classmate ko simula kinder. simula 1972 (30 years) ay kakilala ko na siya at isa sa pinakamalapit kong kaibigan. si darlene ay kapatid ni jet. anak nila si lucas. si lucas ay makulit. nagkakilala si kuya bong at darlene dahil napangasawa ko si jet. pinanganak si lucas dahil kaklase ko si kuya bong simula kinder. si axl ay si axl dahil rocker ang tatay niyang si dennis. si dennis ay bilas ko dahil napangasawa niya si ate lannie na kapatid ni jet. si ate lannie ay interior designer tulad ni darlene. di masabi ni axl ang pangalan niya kaya tawag niya sa sarili niya ay “atoy”. si atoy ay tahimik at parating umiiyak pag nilalapitan ko siya. si axl at lucas ay magpinsan, ibig sabihin nito ay bilas ko rin ang kaibigan kong si kuya bong. lahat sila ay magaganda at guwapo. pinapatay din kasi ang pangit sa pamilya nina jet.

linggo ngayon at family day. dahil family day, ipinapakilala ko sa inyo dahan dahan ang pamilya ko.

XMAS_02_118

ito si mang boy. kapitbahay ko siya sa antipolo. magaling siyang magluto ng bibinka, palitaw at ginataan. hindi ko siya kamag-anak kaya di ko masasabi na guwapo siya. malamang ay hindi pinapatay ang pangit sa kanila kasi buhay pa siya. pero sa kasuwertehan ay maganda naman ang kanyang anak. ganumpaman, katulad ng marami kong kapitbahay sa antipolo, likas siyang mabait, mapagbigay at marunong magpintura, magtanngal ng anay at gumawa ng mga sirang tubo.

disclaimer: (sabi ni jet ay gumawa daw ako ng disclaimer eh dahil baka raw may ma-offend ako, kaya eto…) sabi nila ay “beauty is in the eye of the beholder. sabi rin nila ay “beauty is relative”. kaya, para sa akin na beholder, lahat ng mga relatives ko ay magaganda at guwapo. kung sa tingin ninyo ay di kayo maganda o guwapo, sorry na lang. para kasi sa akin ang kagandahan at kagwapuhan ay hindi lang sa mukha. lahat ng nasa litrato sa taas (kasama na si mang boy) ay tunay na tao. mga magaganda’t guwapo sa aking paningin. in short, yung main lesson ng “the little prince” ang nangingibabaw sa aking definition ng beauty, i.e. what is essential is invisible to the eye. maliwanag ba? ok. bilang panghuli: doon naman sa mga naniniwala na “pinapatay ang mga pangit sa amin”, eto lang ang masasabi ko: mga uto-uto!

ayan, happy ka na my lab?

MAHILIG AKO SA COMICS

simula pagkabata, nahiligan ko nang magbasa ng mga comics. naalala ko pa nung araw, pupunta kaming “downtown” (avenida or sta. cruz para sa mga bagets) ng daddy ko, para lang bumili ng mga comics. batman at superman ang paborito ko. naalala ko pa ang daddy ko, nakasimangot siya pag nag-lambing akong bumaba sa sta. cruz dahil napaka-hirap sumakay ng jeep doon dahil maraming tao (yung kanta ni ryan cayabyab na limang dipang tao, tutuo yon!). pero dahil ako si bunso, pinagbibigyan niya ako parati. kaya every month ay may comics ako!natigil ito nang umalis siya dahil may nakilala siyang ibang chickababes. medyo naghirap ang buhay namin at nawalan ako ng pambili ng comics at siyempre naging abala ako sa mga ibang bagay (like growing up fast).

Continue reading

OK NA FOR NOW

text galing kina dennis at donna: “…tinanggal na ang dextrose. ok na ang mama. lilipat na din ng room from icu to a regular ward. may possibility rin na uuwi na tomorrow.”

galing ano. mukhang ok nang utol ko at ligtas na siya sa stroke niya. sana magtuloy tuloy na ang kanyang paggaling. maraming salamat sa lahat ng dasal…

HIMALA

himala… kanina nagulat na lang ang lahat
ng biglang nagsalita ang ate gigi ko.
mas nagulat sila nang nakakakilala na siya.
nasa icu pa rin siya sa heart center
pero malaking pagbabago. bumuti na siya.

sana naman at mag-tuloy tuloy na…
nandyan ka pa rin ba lord?
pakinggan mo ulit ako, pagalingin mo siya!

RELIEF

i talked to dennis over the phone this morning. he says gigi has improved a bit. sana naman tuloy tuloy nang pag galing ng kapatid ko… ang hirap ano? gusto mong protektahan ang mga mahal mo sa buhay sa lahat ng mga masamang pwedeng mangyari, pero di mo naman kaya.

isang dasal mula sa puso… sana naman, pag gising ko bukas, wala nang ulan.

BULLSHIT

medyo malungkot ako ngayon. kahapon, nabalitaan ko na na-stroke ang panganay kong kapatid na si gigi. ang sabi ng doctor ay “mild stroke” lang daw. pero alalang-alala ako dahil, di raw siya makapagsalita at mayron siyang loss of memory. sana ay bumuti siya. sana naman. sana naman.

isa pa kaya kami nag-aalala ay mayron siyang sakit sa puso. tapos ngayon na-stroke naman.

Continue reading

Welcome to the world AZ

ayan, nakatawag na ako sa bahay namin sa novaliches. sabi na eh, masaya doon pero wala pa sina david at donna. si david daw ay bukas ng umaga at si donna ay sa martes. ang nasa bahay lang ay si glenda, ang asawa ni david na kakadating nung friday galing pa sa dumaguete. kasama niya si AZ, ang new born baby nila.si glenda ay kasama ni david sa cruise ship kung saan sila nagtatrabaho. umuwi si glenda sa dumaguete from abroad para manganak.

may kalaro na si tj.