AKO’Y UMUWI SA PILIPINAS PARA MAGTRABAHO AT MAG SWIMMING

bumisita kanina sa antipolo ang mga mommy ko. kasama niya ang kapatid kong si gigi, si tj, si az at si glenda. dumating rin sina denden at meng, mga classmates ko at sina kuya bong, darlene at lucas. ah, oo nga pala, humabol din sina ate lannie, dennis at axl.

PI-AUG-03-006

ito ang mommy ko, sister ko si gigi, si tj (ganda ng ngiti), si glenda at ang anak niyang si az. kuha ito sa harap ng bahay namin ni jet sa antipolo. naglambing kasi ang mommy ko na gusto nilang mag swimming sa amin kaya ginawa ko eh ni-rent ko yung clubhouse ng buong araw para naman makapagsaya sila. sinundo ko sila sa novaliches ng umaga at sa amin na sila nag lunch.

PI-AUG-03-038

nag swimming party kami. despedida ko at celebration na rin sa birthday ng pamangkin kong si denden. si denden ay anak ng ate kong si gigi. sabay si gigi at ang mommy ko na nabuntis kaya halos sabay rin kaming lumabas ni denden sa mundo. actually birthday niya ng august 17, kung kaya mas matanda siya sa akin ng apat na buwan. sabay kaming lumaki, magkaklase rin kami at magkabarkada. eto si az at ako, sa gazebo, sa tabi ng pool ng clubhouse ng subdivision namin.

PI-AUG-03-029

solo namin ang pool kanina. sarap nga eh. ngayon lang ulit ako nakapag swimming in a long while. karga ko si tj sa gitna ng pool.

PI-AUG-03-015

eto si tj nangungulit habang nagbababad sa pool. eto ang batang ayaw umahon. kanina, hehehe, para lang umahon siya eh inuto ng lola niya… sinabi eh papalitan na daw ang tubig ng pool at kailangan na ni tj umalis.

PI-AUG-03-058

inimbita ko rin ang mga classmates ko at dumating ang iba. from left to right: kuya bong, jun alferez, rey opena (ate kiwi, binata ito!), ako, si denden (ang pamangkin kong kabarkada), si raymund at si lucas (na extra pa!). masaya na naman ay kwentuhan namin at siyempre, pinagusapan namin ang mga classmate naming di nagpunta. hehehe. lahat ng mga nasa litrato ay mga kaklase ko since kinder and friends for over 33 years.

PI-AUG-03-090

si az. gustong gusto ko ang kuhang ito dahil bukod sa guwapo si az, kitang kita sa background yung storm clouds na parating. actually umulan 30 minutes after kinuha ito kanina. kung gusto ninyong malaman kung anong hitsura ko nung baby ako… tingnan nyo na lang ang mukha ni az.

PI-AUG-03-050

pinalaro namin sa pool sina lucas at tj. enjoy na enjoy nga ang dalawa. lalo na si lucas, nakakapunta na nga sa malalim dala ang kanyang salbabida. kaya eto, tuwang tuwa rin ang tatay niyang si kuya bong. kung si paquito diaz kaya ang gumamit ng salbabida, tatawagin ba itong salbakontrabida? ngye-hehe.

PI-AUG-03-085

mylab, balik na ako sa singapore bukas. miss na miss na nga kita eh. kaya eto ako, umiinom na lang ng san mig light para mapabilis ang oras. sarap talaga ng malamig ng beer pag nasa pilipinas ka!

SCENES FROM HOME, PART IV

PI-JUNE-03-205

tj, az, mommy, jay and dante. now dante is a legend in philippine radio. he started punk rock in the philippines and was the long time host of “pinoy rock and rhythm” during the glory days of the rock of manila. his name is howlin’ dave and he’s my brother.

Continue reading

SCENES FROM HOME, PART III

PI-JUNE-03-206

si az, pinaglalaruan yung nunal ko sa mukha. hehehe… siguro nakikita niya ang magiging hitsura niya pag siya’y tumanda: yung matang singkit at sutil na ngiti. give me five, tito jay! aray!

yung pagka-sutil, singkit na mata at malalim na boses, minana naming lahat sa daddy ko. naalala ko na naman siya. birthday niya nung june 4 at kung buhay pa siya ngayon ay 81 na siya. marami akong kwento sa daddy ko. maraming mga ala-ala na minsan nagpapasaya sa akin, minsan nama’y magpapa-senti.

Continue reading

SCENES FROM HOME, PART II

PI-JUNE-03-207

from left to right, counter clockwise: si tj, malayo pa lang ako eh nakangiti na. ang bagong dating na si az, sama agad sa akin. sila ang dalawang apo ko. actually mag-pinsan sila. si tj ay anak ni donna. si az ay anak ni david. si david at si donna ay magkapatid. kuya nila si dennis. silang tatlo ay anak ni gigi na kapatid ko. si dennis (kahit pamangkin ko) ay mas matanda sa akin ng 4 na buwan pero sabay kaming lumaki (oo, sabay nabuntis ang mommy at ate ko) at pareho ang aming circle of friends (“i also friend him”, hehehe).

Continue reading

SCENES FROM HOME, PART I

PI-JUNE-03-201

ang mga apo namin ni jet… si tj, 3 years old, all around singer dancer, kabisado nang dancing queen. si az, 8 months old, galawgaw, di mapakali. nahulog na sa kama sa sobrang likot, kamukha ko raw nung baby ako.

BIRTHDAY NG MOMMY KO

birthday ng mommy ko kahapon. 79 years old na siya. sa araw ng aming pagdating, nag salo-salo sila sa bahay ng kapatid ko sa tagaytay. di kami nakaabot at nagpasya na lang ako na dalawin siya ngayon. hindi ko rin sinabi sa kanila na uuwi kami kaya’t isang malaking surpresa ito para sa kanya. nagkita nga kami kanina at siyempre, tuwang tuwa niyang sinalubong ang kanyang paboritong, si bunso.

nagkita rin kami ng mga kapatid ko, mga pamangkin at apo. malaki na si tj at makulit pa rin, naron din ang bagong dating sa si az, ang 8 months old na apo sa tuhod ng mommy ko. inihahambing si az parati sa akin pag nagkukwento ang mommy ko sa telepono tuwing tinatawagan ko siya from singapore. kamukhang kamukha ko raw siya nung baby ako. “eh di pogi pala”, ang sabi ko naman. kanina ko lang siya nakita at hmmm… medyo kahawig ko nga. guwapo ring tulad ko. hehehe. masuwerte ang batang ito. hehehe. pareho kami ng matang medyo singkit. mga matang pamana sa amin ng daddy ko. kung buhay lang sana siya ngayon, sigurado akong ipagyayabang na naman niya na “pinapatay ang mga pangit sa mga lahi ni david”.

happy birthday mommy. sana patuloy ka pa ring maging malakas para next year, gagawin nating engrande ang 80th birthday mo. kung tutuusin, ako ang binigyan mo ng regalo dahil nakita na naman kita.

5Oth WEDDING ANNIVERSARY

ika-limampung anibersaryo ng kasal ng mga magulang ni jet ngayon. isang malaking okasyon ng kanilang pamilya at may munting salo-salo sa kanilang tahanan sa novaliches. alas otso pa lang ng umaga ay bumaba na kami nina kuya bong, darlene at lucas, kasama sina anna banana (ang aming alalay dito sa bahay) at ang kanyang anak na si donita. hindi alam ng kanyang mga magulang na uuwi kami at isang malaking surpresa para kanila ang makita si jet ngayong araw. munting nang mahimatay ang mommy ni jet nung makita siya, wala ako roon nung nangyari ito dahil nagbababa ako ng gamit, pero naririnig ko ang katakot-takot na sigaw ng kanyang ina. actually, walang nakakaalam na uuwi kami kahit na sino sa mga naroon sa bahay nila kaya laking gulat na lang ng lahat nang bumaba ako sa sasakyan at binigyan ng isang matamis na ngiti na may kasamang kindat si kuya el, ang panganay nina jet. masaya ang araw na ito para sa pamilya. maraming iyakan, tawanan at katakot takot na kwentuhan ang nangyari kanina. hayaan ko na lang na si jet ang magkwento para kumpleto ang detalye.

kung gagawing dahilan ang araw na ito para gumastos kami sa pamasahe ni jet, sa mga pasalubong at sa mga iba pang normal na bayarin ng isang typical na umuuwing balikbayan, masasabi ko na sulit lahat ito. walang katapat na perang maibabayad sa tuwa ng mga magulang ni jet nang makita siya.

mother’s day at parenthood dito sa singapore, part 2

balansihin naman natin: yung isang office mate ko, 12 years bago nagkaroon ng anak. kung saan saan sila nagpunta para lang mabuntis ang misis niya at malaki ang ginastos sa mga fertility clinic. di naman sila nabigo at kinalaunan, nabuntis din si misis. as soon as nalaman nila ito, pinag-resign na niya ang kanyang asawa sa pagiging isang guro at naging full time housewife.

ang anak nila ay 6 years old na ngayon at kindergarten na. sa gabi, dinadala nila ang kanilang anak para i-tutor ng 2 oras sa iba’t-ibang mga klase sa kung saan-saang evening classes. monday, math. tuesday, english. wednesday, chinese. thursday, drawing. saturday, swimming. ang pag enroll ng mga anak sa mga extra courses para mag excel sa school ay typical din sa mga singaporeans parents.

mother’s day at parenthood dito sa singapore

isa ang singapore sa pinakamababang birth rates sa asia. probably, it has the lowest in the entire south east asian region. in fact, it is now a major problem because the current population is not enough to fuel their future growth. ito rin ang dahilan kung bakit ako narito sa singapore. hindi, madumi yang iniisip mo…hindi nila ako gagamitin as a baby maker (o kaya pambulog). kulang kasi ang mga automation engineer rito at walang local skill silang makita kaya ako narito.

anyway, ang typical family rito ay husband, wife and one kid. normally, both husband and wife work para masustentuhan nila ang kanilang 4C’s (car, condo, credit card, country club membership). problema ngayon si anak. kung si mother at father ay working, sino ang mag-aalaga kay baby? solution: day care.

Continue reading