I READ THE NEWS TODAY, OH BOY

narito na sa singapore ang mommy ko. she arrived yesterday with my sister emy, her husband rene and their daughter paola. my other nieces kim and sarah will plane in today from manila. i’ll try to post some pics before the weekend. in the meantime, kwento lang muna ako about my mom. here goes:

ang mommy ko ay 79 years old (turning 80 next month). nag-asawa sila ng daddy ko when she was 17. ak-shu-ly, nagtanan nga sila sakay sa trambia. eto yung LRT nung unang panahon. nabuntis siya with her firstborn gigi during the war. she doesn’t talk about it much these days pero alam ko, nahirapan sila during the japanese occupation. all in all, anim kaming magkapatid na inalaagaan niya. ako ang bunso. ang baby. ang peborit.


IN OTHER NEWS…for the first time this year, i’ve got my first non-travel related cellphone SMS spam. gardemet. the text message says “HOME FACIAL, BODY OR FOOT MASSAGE AT $20! STRICLY FOR WOMEN ONLY”. dang.

STILL OTHER NEWS…happy birthday to ate sienna, our good friend from west covina and the chief cook of the pansitan blogging community. ninang, sana maligaya na bati pa ang bertday mo!
Continue reading

WEEKEND PARENTING

ang maugong na balita ngayon sa dyaryo dito ay ang patuloy na problema sa mababang birth rate ng singapore. in spite of all the incentives na bininigay para sa mga mag-asawa na magparami ng anak, di pa rin nila ma-abot ang kanilang target na 2.1 babies per married couple to sustain their growth. last year was a historic low with only 31,171 babies being born or something like 1.2 babies per couple, which is exactly the average dito sa aming office. lima ang singaporean na may may asawa. doon sa lima, isa lang ang may dalawang anak. the rest are couples with one child.

ang naririnig kong reklamo ng mga ka-opisina ko ay ang malaking gastos sa pagpapalaki ng kanilang anak. singaporeans (like filipinos) have close family ties at normal for children na magpatuloy tumira sa bahay ng kanilang mga parents until they get married (15% of singaporeans between the ages of 40-44 are single. wow!). mahirap din ang child care for parents who both work and cannot afford a full time nanny.

dahil pareho silang nagtatrabaho ng kanilang mga asawa, yung dalawa sa officemates ko resorted to having their newborn babies being taken cared of by other people. ganito ang ginawa nila: nag avail yung sila ng nursery services malapit sa bahay nila, para may mag-alaga ng kanilang anak during the weekdays. nandoon yung bata, araw at gabi from monday to friday. kinukuha lang nila pag biyernes ng gabi. tapos, they return the child sa nursery ng sunday evening. in effect, mga weekend parents lang sila.

don’t ask me how they do it. i mean, hindi ko alam kung paano nila na te-take na wala sa tabi nila ang kanilang anak. ganoon lang siguro talaga – you train yourself to bear the absence of your children para makamit mo yung mga pinapangarap mo para sa iyong pamilya. ganon din naman ang karamihan nating mga sellout na OFW di ba? naiiwan ang asawa’t anak sa pilipinas para magkaroon ng magandang kinabukasan ang pamilya.

SI TJ, TAKOT SA LAS PINAS

eto si tj, anak ni donna na anak ni gigi na anak ng mommy ko. ang kyut kong apo ay maraming mga eccentricities na endearing. una takot siya sa kotseng dilaw at ikalawa ayaw niyang pumunta sa las pinas
eto si tj, anak ng anak ng anak ng mommy ko. pag nasa pilipinas kami at dadalaw, umaga pa lang, naka abang na siya sa gate para sa aming pagdating. naalala ko siya dahil napag-usapan ang mga unforgettable childhood traumatic memories. etong si tj ay may mga peculiar na mga eccentricities na altough endearing ay galing sa mga masamang nangyari sa kanya nung mas bata pa siya.

si tj ay may phobia sa mga yellow na kotse. kahit anong gawin mo, di mo siya mapapasakay sa mga dilaw na sasakyan, kasi nung 2 years old siya, na suka siya sa loob ng isang taxi. hindi mo rin siya mapapapunta sa las pinas. dito kasi papunta yung dilaw na taxi nung masuka siya. ngayon nga, pag gusto mo siyang maiwan sa bahay, sasabihin mo lang sa kanya: “i’m going to las pinas“. gaano ka traumatic yung experience na ito sa kanya? very. pag pinakwento mo sa kanya ang buong “yellow taxi” experience niya, bibigyan ka nya ng “blow by blow” account ng buong pangyayari, down to the smallest details. ngayon nga pag pupunta sila sa sm: “mama, you get me a white cab ok. no yellow taxis ever again.”

I AM COLOR BLIND

si Jet, Baby at Perskasin Imo, nagpapakyut sa San Francisco
color blind ako. well, partially color blind if you read what my medical certificate says. mayrong mga shades ng red at green ang di ko ma-distinguish, lalo na sa mga LED (light-emitting diode) na ginagamit sa mga cellphone at digital camera chargers. sa mata ko – amber silang pareho. pag nag cha-charge nga ako, tinatanong ko na lang kay jet kung nag green na yung red. o kaya inoorasan ko na lang. weird nga eh – yung mga ibang red (dugo, kaha ng marlboro, valentine paraphernalia, singkamas) at green (trees, grass, stop lights, yung langit) nakikita ko naman ng walang problema.

a “green trees and green grass” scene, taken somewhere in san francisco with jet, baby at perskasin simon. mahigit 18 years na atang kasal etong sina baby at imo. nagkakilala sila sa san diego nang US Navy (ng Japan) pa si perskasin ko. tulad namin ni jet, nakaka-aliw rin ang kanilang love story. masarap magluto si ate baby. pamatay ang kanyang barbeque at pansit malabon. hanggang ngayon nga, na-i-imagine ko pa rin ang lasa.

JET’S NEW HOME

si BATJAY, lance, Don Lorenzo, Troy at Prada Mama, nagpapakyut sa Modesto
bago na nga pala ang tirahan ng website ni jet. natutulog na ang mylab ko sa pansitan ng ninang kong si ate sienna. kasama niya doon si prada mama, asawa ng showbiz perskasin kong si don lorenzo. kasama rin nila roon (name dropping) si jim paredes ng apo hiking society. ang tsismis eh pupunta rin sa pansitan si keanu reeves. abangan na lang natin kung matutuloy.

kuha nga pala ito sa tahanan nina don lorenzo at prada mama last week. may xmas tree pa kasi, ayaw ipababa ng mga bata. sabi nila eh sa pasko na raw ng pagkabuhay nila tatanggalin. ok lang, at least inabot pa namin ang christmas cheer. natulog kami sa kanilang modesto home ng isang gabi. next day, nagluto si prada mama ng pot roast at may extra dessert pa na flan. ang sarap.

ninong daw ako sa upcoming baby girl nila sa darating na june. ayos. kumpare ko na, pinsan ko pa sina don lorenzo at prada mama.

SULAT SA PERSKASIN

si sel, si jet at si ate baby, nagpapakyut sa godlen gate bridge
hi sel!!!!

ok naman kami, kaya lang si jet ay mainit ang ulo ngayon kasi naroon pa rin sa flat namin ang mga may-ari ng bahay na opismeyt ko. dapat ngayon sila aalis pabalik ng china kaya lang nilagnat ang kumag. na extend tuloy ang bakasyon nila rito sa singapore.

hirap kasi ng mga ito eh medyo burara, di naglilinis, di nagaayos ng bahay at binabasag pa ang mga baso namin. si jet tuloy, kakagising pa lang ay mainit nang ulo. sabi ko nga sa kanya, huwag na lang pansinin at di worth getting a heartattack ang mga basag na kasangkapan at maduming bahay. pag pasensyahan na lang niya at ngitian ang mga kasama namin sa bahay ng ngiting aso! hehe.

kaya yan, di pa rin nakapag unpack gaano. nakakalat pa rin ang mga maleta sa spare room namin. tambak pa rin ang labada. but life is good, we are in good health at ninanamnam pa rin namin ang inyong generosity and love.

ingat, mga minamahal.
jay

NAHIYA ANG BATA SA KALATERANG NANAY AT TITA

tonie, leslie and jet
nung isang gabi, nagpunta kami sa bahay ni mickey mouse at tuwang tuwa nga si jet sa mga nakita niya. kasama namin ang pamilya ng pinsan ni jet na si leslie. nung all star parade, lumabas si tarzan na mukhang hunky sexy macho dancer. sabay sabay sumigaw sina jet at leslie ng “TARZAN I LOVE YOU!”… biglang sumabad si tonie, ang nine year old daugther ni leslie: “mom, stop it. you embarrass me“. hehe. cute.

mamaya, ipapasyal daw ni ate sienna si jet sa iba’t ibang tambayan ng mga artista sa hollywood. excited na nga ang dalawang loka. hehe. ako, dakilang driver. hehe. ok lang yon, masarap naman ang sushi dinner na ginawa ng ninang ko kagabi. dami ko ngang nakain kaya medyo masakit ang tiyan ko ngayon. hirap talaga ng matakaw. teka nga, makaligo na’t nang matapos na ang aking mga morning ritual. kumukulo nang tiyan ko.

HE’S BACK…

my brother dante, aka Howlin' Dave
my brother dante, aka Howlin’ Dave. legendary pinoy rock and rhythm rockjock. the nu107 lifetime achievement awardee in 2001. nagpasimuno ng punkrock at nu wave sa pilipinas. MC ng maraming mga pinoy rock concerts sa kung saan-saan. in my book, probably the best disk jocky who ever lived. he’s right there at the top of my list with my dad Uncle Nick.

kung nalalakihan kayo sa boses ko, bubwit lang ako compared sa daddy ko at dalawa kong kuya. sabi nga ng mommy ko pag may pumupuri sa boses ko: “naku, yang si jay-jay, boses kiki nga yan eh. pag narinig nyong boses ng daddy at 2 kaparid niya: pag nagsalita sila, parang galing sa ilalim ng lupa“. hehe.

well, HE’S BAAAAAACK! hear him again sunday mornings at RJ 100.3 FM (and probably see him too at RJTV29). tune in…

HAPPY BIRTHDAY MYLAB

bilang parangal sa iyo, muli kong ilalathala ang ating lab istori. i hope ya don’t mind.
ANG LAB ISTORI NI JAY EN JET
mahigit 12 years na kaming mag-asawa ni jet. siya ang kasama ko through thick and thin, from relative obscurity to obscurity. hehe. from hand to mouth to a bit of prosperity, from struggling engineer earning 2000 pesos a month to struggling engineer earning more than 2000 pesos a month. nakilala ko si jet pagkatapos kong magtapos ng college, wala pa akong trabaho nung time na yon pero alam ko may mararating ako.

niligawan niya ako at sinagot ko naman siya. hehehe. kinasal kami sa munisipyo ng kalookan dahil wala kaming pera. ni wala ngang pambili ng sing-sing. ni wala ngang pang handa. sa jolibee sangandaan lang kami kumain, di na namin inimbita ang mga ninong. gastos lang sila. from humble beginnings, we’ve managed to create a small place of refuge we call home.

bakit ko ba sinasabi lahat ito? wala lang. i just want to honor her on her 40th birthday. wala lang, kasi, naniwala siya sa akin. siya ang nasa tabi ko nung naghihirap pa ako. siya ang kasama ko hababng unti unti naming napa-angat ang aming buhay. ngayon, nakabili na kami ng sariling bahay. marami na kaming mga natutulungan na tao. we’re doing ok. we have each other. we’ve always had each other through all the struggling years. we’ll always have each other till we grow old, start to smell amoy lupa, become kulubot, lose our hair, turn into dust (in the wind), rage against the dying of the light, “forever alter our aspect to the sun”.

bilang regalo sa kanyang kaarawan, bibigyan ko siya ng engrandeng bakasyon. happy birthday mylab – lab U!

TOKWA’T BABOY ONE LAST TIME…

narito ako ngayon sa bahay, nagesesnti. medyo malungkot dahil bilang nang araw namin dito sa pilipinas. sa lunes, lipad na kami pabalik ng singapore. para bigyang dahilan ang pananatili namin doon, iniisip ko na lang na “weathering the storm” lang ito. balang araw dito na talaga kami sa pilipinas for good. sayang, kung patas lang sana ang labanan, di ako aalis. kagabi, kasama ko ang mga barkada ko. pinag-usapan namin ang aming mga collective futures. marami sa kanila ang nag-iisip na ring umalis. the best and the brightest people i know are seriously thinking of moving out. pakingsheet. i’ve moved out earlier than them. a fact that fills me with guilt sometimes. di ko alam. minsan iniisip ko kasi, swerte ako dahil kumikita ako ng maganda samantalang…. fill in the blanks: a. marami akong kaibigang naghihirap dahil walang opportunities, b. di pa rin nawawala ang poverty sa bayan ko, c. di ko maasikaso ang mga kamag-anak kong maiiwan.

Continue reading