pinigil na bahing

dear mang boy,

kung ako ang tatanungin mo, isa sa pinaka-nakakainis pakinggan ay ang tunog ng pinipigil na bahing. sa tutuo lang, di mo alam kung ito’y utot ng unano o air brake ng sirang truck. kung babahing ka na rin lang eh di putangina, itodo mo na sama ang pamato’t panabla.

#walalang,
unkyel batjay

Dilaw na Magaling Sumisid

dear mang boy,

di ko maalala kung ano ang pinakauna kong kanta ng beatles na narinig kasi walang patid ang pagpapatugtog ng pamilya namin sa musika nila simula nung ako’y musmos pa lamang.

19900570129_03bcb23465_o

ang naalala ko ay ang pinakauna kong paboritong kanta ng beatles at siyempre galing ito kay ringo, opolpeepol

20079315742_3775a51206_o

19466232103_4903b0c739_o

“so we sailed into the sun, till we found the see of green” – the Beatles

20079292342_9dd7c977b1_o

nagmamahal,
unkyel batjay

mahal ng diyos ang lamok at surot

dear mang boy,

aaminin ko na nagpalit na ako ng paniniwala simula nung di masagot ni pastor ben ang tanong ko tungkol sa lumang tipan. tinanong ko kasi kung bakit sa dinami-dami ng mga hayup na pwedeng isakay sa arko ni noah, bakit pinayagan ng diyos na isali ang mga lamok at surot.

nagmamahal,
unkyel batjay

kenny rogerss

dear mang boy,

ewan ko pero bigla kong naalala yung matinding discussion at debate sa amin sa barrio talipapa nung araw: bakit daw kenny rogers ang pangalan ni kenny rogers. dapat daw, kenny roger lang kasi nag-iisa lang naman siya.

tapos biglang may sumigaw: eh paano naman si diana ross?

#walalang mang boy, nasenti lang ako.

nagmamahal,
unkyel batjay