LBM at ubo

dear mang boy,

naisip ko lang kanina habang kumakain ng maanghang na tanghalian: ang isa sa pinakamasaklap na pwedeng mangyari sa iyo ngayong bagong taon ay magkaroon ng matinding diarrhea kasabay ng malupit na ubo.

happy new year!
unkyel batjay

#walalang

World War Two Memories

dear mang boy,
 
nakakita ako ng maraming mga bandila sa harap ng mga opisina at kabahayan ngayong umaga. di ko alam nung una kung bakit nang maalala kong bigla ang petsa – ika pito ng disyembre. pearl harbor commemoration.
 
bilang pag-gunita sa araw na ito, lumabas ako kanina sa bahay at sumigaw ng pagkalakas-lakas: “mga kababayan, magsilikas kayo – nariyan na ang mga hapon!”
 
nagmamahal,
unkyel batjay
 

Tinga Ling

dear mang boy,

gutom na gutom na ako pero ayaw ko pa ring kumain. galing kasi ako sa dentista at nilinis nila ng husto ang ipin ko. pakiramdam ko tuloy ngayon eh huwag nang ngumuya dahil ayaw ko nang magkaroon ng tinga.

nagmamahal,
unkyel batjay