dear unkyel batjay,
nabalitaan ko po na nagpunta kayo sa dentista kailan lang at tinanggal pala ang wisdom tooth ninyo. ibig sabihin po ba nito ay bobo na kayo ngayon?
nagmamahal,
gentle reader
dear unkyel batjay,
nabalitaan ko po na nagpunta kayo sa dentista kailan lang at tinanggal pala ang wisdom tooth ninyo. ibig sabihin po ba nito ay bobo na kayo ngayon?
nagmamahal,
gentle reader
dear unkyel batjay,
heto na naman po ako at may dala-dalang problema: ako po ay isang 24 year old na lalaki at bagong kasal. hindi pa po ako sanay sa buhay may asawa at hanggang ngayon ay nag a-adjust pa. don’t get me wrong unkyel, gustong gusto ko po ang bago kong estado sa buhay and in fact, ngayon lang po ako nakaramdan ng ganitong klaseng ligaya. ang sarap po pala ng may nag aalaga sa inyo. heto po ang aking dillema unkyel batjay – nagkaroon po ako ng LBM kanina at hindi ko pa mapigilan na may tumulo sa aking underwear. hindi ko na po ngayon alam ang aking gagawin. natatakot po ako sa sasabihin ng asawa ko pag nakilta niya yung brief ko. tulungan po ninyo ako.
nagmamahal,
gentle reader
dear unkyel batjay,
kamusta na po kayo? sana naman ay nasa mabuti kayong kalagayan, sampu ng inyong mahal sa buhay. may itatanong lang po ako unkyel tungkol sa isang nakakahiyang sitwasyon na nangyari sa akin. mabigat po kasi ang sipon ko at halos maubos na nga ang tissue sa bahay dahil walang hinto ang tulo ng aking uhog. kanina pong umaga ay na hatsing po ako habang naglalakad sa corridor ng opisina at hindi ko po alam na may paparating na tao – natamaan po siya ng brunt ng aking hatsing, unkyel. hindi ko nga po alam ang gagawin. napayuko na lang ako at lumakad ng mabilis. ano po ba ang tamang etiquette sa pagharap sa ganitong sitwasyon.
nagmamahal,
gentle reader
dear unkyel batjay,
kamusta na po kayo diyan sa america? sana naman ay nasa mabuti kayong kalagayan. mayroon po akong gustong isangguni sa inyo. twenty one years old na po ako, binata at kakatapos ko lang po sa college. napansin ko po pag na malapit na akong makalbo. mayroon po kaming lahing kalbuhin at nag-aalala na po ako sa kalagayan ko. baka po kasi iwanan ako ng gelpren ko. sabi po ng kaibigan ko ay maganda raw magdikdik ng langaw sa noo para raw po gamot sa pagkalagas ng buhok. tutuo po ba ito? tulungan naman ninyo ako.
nagmamahal,
gentle reader
dear unkyel batjay,
ano po ba ang dapat kong gawin – naiinis po ako kasi parati na lang akong balagong. pag po mayroong kaming mga long drive sa mga out of town trips, ako po parati ang designated driver. ok lang po ito sa akin. ang ayaw ko lang ay tinutulugan po ako parati ng mga kasama ko sa kotse. pakiramdam ko po ay napaka unfair talaga.
lubos na gumagalang,
gentle reader
dear unkyel batjay,
first of all happy new year sa inyo, sampu ng inyong mahal sa buhay. yaman din lamang at bagong taon ngayon, gusto ko lang malaman sa inyo: kung mayroon po kayong pagkakataon na bumalik back in time, ano po ang iibahin ninyo sa buhay?
yun lang po. ingat at best regards,
gentle reader
dear mommy,
merry christmas po sa inyo. by this time siguro papunta ka kayong lahat sa tagaytay para sa annual christmas party ng pamilya. first time namin na mami miss ito ni jet in 5 years. medyo nakakalungkot nga pero ano bang magagawa natin – kailangan kumayod para may pambili ng hopia.
sana next christmas ay magkakasama ulit tayong lahat.
kagabi, nanaginip ako na kumukuha raw ako ng dalawang hershey bar sa vending machine sa opisina namin. weird nga eh – hindi ko po alam kung mayroon itong connection sa pasko pero gusto ko lang ikuwento. actually, ok naman po ang christmas weekend namin. parang nasa pilipinas rin kami kasi mga kabayan din ang kasama namin. ang sarap panoorin kung paano mag celebrate ang mga pinoy ng holidays sa ibang bansa. pakiramdam ko, we miss home so much na pilit naming mga overseas pinoy na ipagdiwang ang pasko na parang nasa pilipinas din kami. it’s heroic in a way and i love it.
tuloy po muna kami mommy. punta kami ng san diego ni jet at doon makikipag pasko sa iba nating mga kamag-anak. ingat po kayo diyan at kamusta na lang sa lahat.
nagmamahal,
jay
pakinggan ang PODCAST ng Dear Mommy Letter
dear unkyel batjay,
ngayong magiging 40 years old ka na, malapit ka na sigurong gumamit ng kung ano anong mga lotion sa balat ano? kailagan daw pag ingatan ang skin para graceful ang pagtanda mo. mayroon ka bang ginagamit na special cream?
lubos na gumagalang,
gentle reader
dalawang Podcast ko nga pala ang naka register sa iTunes ngayon – “Dear Unkyel Batjay” at “Mahalagang Balita“. kung gumagamit kayo ng iTunes, punta lang kayo sa music store, click sa “podcasts” then do a search – ipasok niyo lang “batjay” or “philippines” or “pinoy” as your search words at makikita na ninyo yung mga podcast ko. marami na kami ritong mga pinoy podcasters at matutuwa kayo sa variety na available dito. ang maganda sa iTunes based podcast ay pwede kang mag subscribe dito ng libre at kung mayroon kang iPod, automatically mo itong mai-do-download at pwede mong marinig kahit saan.