dear unkyel batjay,
gusto ko lang po sanang malaman kung bakit po wala kahit na isang babae sa mga 12 apostles?
lubos na gumagalang,
gentle reader
dear unkyel batjay,
gusto ko lang po sanang malaman kung bakit po wala kahit na isang babae sa mga 12 apostles?
lubos na gumagalang,
gentle reader
nung nagbibinita ako, around this time of the year parati kaming sumasali sa pagkanta ng pasyon. kadalasan nagsisimula ito ng holy thursday at pipiliting tapusin ng bago mag easter sunday. pag inaantok nga kami sa madaling araw ay iniiba namin ang tono ng kanta. ang paborito ko ay yung refrain na ginagawa naming medyo upbeat. subukan ninyo itong kantahin to the tune of “electric dreams” and you’ll know what i mean. ang hirap kasi sa style ng pasyon eh kontra ito sa lahat ng mga natutunan mo sa pagkanta ng tamang paraan. yung mga hindi nga sanay na makarinig sa kanta ng pasyon eh akala nila ay nakakarinig sila ng ginagahasang kambing.
Continue reading
dear unkyel batjay,
mayroon po akong napansin doon sa sikat na “roses are red, violets are blue…” na tula. bakit po ba sinasabi nila na “violets are blue”? di po na dapat “violets are violet“? aminado po ako na tama ang “roses are red” pero “voilets are blue”? it just doesn’t make any sense. ano po ba ang masasabi ninyo tungkol dito?
lubos na gumagalang,
gentle reader
dear unkyel batjay,
ako po’y isang pinoy na OFW at based dito sa singapore. 5’1 po ang height ko at mahigit 250 pounds. ang sarap po kasi ng pagkain dito at halos araw-araw ay lamon ang kain ko. hindi ko na po alam ang gagawin kasi ayaw na po akong tabihan ng misis ko. tulungan po ninyo ako.
lubos na gumagalang,
gentle reader
ang mabuting balita ayon sa sulat ni san hudas sa mga taga barmat.
mga kapatid,
bago ang lahat, hayaan nyo munang hilingin ko sa poong maykapal na bigyan ng isang magandang umaga ang lahat ng mga taga barmat (short for Barangay Matae). peace sa inyong lahat, live long and prosper and may the force be with you. pagbati mula sa inyong kapatid na si san hudas.
heto ang maganda kong balita, mga kapatid: nalaman ko nung biyernes na hindi na ako papainumin ng gamot ng aking doctor para sa aking diabetes at high blood. tuwang tuwa siya nang makita ang resulta ng mga laboratory test ko – una, wala raw akong tulo. ikalawa ay bumaba rin daw ang aking blood sugar at hemoglobin levels. nakita rin ng aking doctor na nabawasan ako ng mahigit 20 pounds. dahil dito, binigyan pa niya ako ng tatlong buwan na extension upang magpursige pa sa aking programa na mapabuti ang aking kalusugan. sa june na ulit ako muling babalik sa kanya. sana nga ay tuloy tuloy na ito. simple lang naman ang ginawa ko – huminto ako sa pagkain ng karne, binawasan ang size ng every meal at nag exercise ng umaga, tanghali at gabi. medyo bilad nga lang ako sa araw na naging sanhi ng pagiging kutis betlog kong muli. pero in the overall scheme of things, mas gugustuhin ko nang maging kutis betlog kaysa naman atakihin sa puso.
hanggang dito na lang muna ako sa aking pag kwento, mga kapatid. hanggang sa muli nating pagkikita. nawa’y swertehin din kayong tulad ko.
ang inyong abang lingkod,
san hudas
pakinggan ang EBANGHELYO NI SAN HUDAS PODCAST. you’ll like it now, you’ll learn to love it later.
dear unkyel batjay,
mayroon lang po akong gustong isangguni sa inyo at sana po ay matulungan ninyo ako. kakatapos ko lang po sa college last school year at engineer din po ako tulad ninyo. dean’s lister pa nga ako at hindi naman po sa pagyayabang, natapos ko ang course ko ng 4 and a half years. nakapasok naman po ako sa isang magandang engineering firm dito sa maynila at marami kaming mga project sa iba’t ibang parte ng pilipinas. ok naman po ang suweldo ko pero may problema po ako sa boss ko. araw-araw po na ginawa ng diyos ay inuutusan niya akong magtimpla ng kape niya. naiinis po ako. hindi naman po nagsakripisyo ang mga magulang ko na patapusin ako sa pag-aaral para lang magtimpla ng kape. ano po ba ang maganda kong gawin? ayoko naman pong umalis dahil maliban sa pagtimpla ng kape ay gusto ko po yung ginagawa ko doon. tulungan po ninyo ako unkyel batjay.
lubos na gumagalang,
gentle reader
ang topic namin ngayon sa “The Rebels Without Because” ay tungkol sa poverty at ito ang contribution ko. this isn’t really a poverty post but it’s very close. this is about our struggling years as husband and wife. i’m sure you know the story by now, but i’ll tell it again because it’s a great story. i met jet when i was just out of college, oh maybe 18 years or so ago. i didn’t have any job at that time but i was confident (or maybe even stupid or naive to believe) that i’d immediately get work. our family also didn’t have much and was struggling. i didn’t have any money myself – all i had was my education and a lot of bullshit. well, i did get a job a month after graduating and it paid big: 2,000 pesos. just enough to give my mom some money and expenses to get to and from work.
dear unkyel batjay,
ano po ba ang magandang gawin para po hindi malamigan pag malamig ang panahon?
nagmamahal,
gentle reader
dear lord jesus,
sana po ay bagsakan mo ng delubyo ang mga bwakanginang demonyo sa aking bayan. yan po siguro ang pinakamagandang gawin ninyo ngayon kasi po ay medyo magulo na naman.
maliit lang naman na scale ng delubyo ang hinihiling ko sa inyo, lord. hindi naman yung katulad ng ginawa mo sa mga taga egypt nung time ni moses. ayoko naman na magpaulan ka ng palaka, gawing ahas yung tungkod ni aaron o kaya ay patayin mo yung mga panganay na anak ng mga hinayupak.
dear unkyel batjay,
kamusta na po kayo. bago po ang lahat ay hayaan nyo munang batiin ko kayo ng isang magandang araw, sampu ng inyong mahal sa buhay. unkyel, alam ko po kasi na matagal ka nang buma byahe at sanay ka na sa mga kung ano ang dapat gawin pag may trip, kaya nga po kayo ang unang naisip ko para hingan ng advice. dahil po kasi sa kakulangan ng trabaho dito sa pilipinas ay nag decide na po akong mag abroad. nag-apply po ako para magtrabaho bilang isang veterinarian sa middle east. maganda naman po ang sweldong ibinigay sa akin at ok naman ang mga benefits. ako po yata ang mag-aalaga ng private zoo ng isang arabian sheik doon. kamakailan po ay pumirma na ako ng dalawang taong kotrata at makakaalis raw po ako ng either may or june. unkyel narito po ang aking tanong, kung inyo pong mamarapatin: ano po ba ang maipapayo ninyo para sa isang tulad ko na isang pinoy na ngayon pa lang makaka-alis ng pilipinas para makipagsapalaran sa abroad?
yun lang po at lubos na gumagalang,
gentle reader