dear unkyel batjay,
bakit po ba “miss universe” ang tawag doon sa sikat na beauty contest eh puro naman mga taga earth ang mga contestant nito? di po ba false advertising ito.
nagmamahal,
gentle reader
dear unkyel batjay,
bakit po ba “miss universe” ang tawag doon sa sikat na beauty contest eh puro naman mga taga earth ang mga contestant nito? di po ba false advertising ito.
nagmamahal,
gentle reader
dear unkyel batjay,
ako po ay nine years old at nag-aaral dito sa maynila. pinasulat po ako sa inyo ng papa ko kasi sabi niya ay baka masagot ninyo raw po ang katanungan ko. natatakot po kasi ako dahil sa sinabi ng klasmeyt ko sa akin. sabi po kasi niya, pag nilulon ko raw po yung buto ng santol eh tutubo raw po ito sa loob ng tiyan ko at lalabas daw po yung mga sanga at dahon ng santol sa ilong at tenga ko.
tutuo po ba ito? mahilig po kasi akong kumain ng santol at opo, nilululon ko po ang buto. masarap po kasi at hindi ko ito mapigilan. tulungan po naman ninyo ako.
maraming salamat po at lubos na gumagalang,
gentle reader
dear kuya bong,
kamusta na riyan sa pilipinas? tag-ulan na siguro ano. dito sa california eh summer na talaga at malimit akong nakababad sa mainit na sikat ng araw. nag-iba na nga ang kulay ng balat ko – dark brown na makintab na siya ngayon. pag hindi nga ako gumalaw ng matagal, akala mo eh nakita mo yung rebulto ng nazareno sa quiapo. buti nga at walang masyadong humidity lately. at least hindi ako pinagpapawisan ng husto. kung katulad siguro diyan sa maynila ang humidity dito eh baka tubuan na ng lumot ang betlog ko.
Continue reading
dear unkyel batjay,
bago po ang lahat, hayaan ninyo po munang batiin ko kayo ng isang magandang umaga, sampu ng inyong mahal sa buhay. ako po ay isang maybahay at based dito sa pilipinas. tatlo na po ang anak namin ng aking asawa. nung bago po kaming kasal ay napakaganda po ng sex life namin pero napansin ko pa nung magka-anak kami ay bihirang bihira na lang kaming mag talik ng asawa ko. hindi naman po sa nagrereklamo ako pero babae rin naman po ako na mayroong pangangailangan. ano po ba ang pwede kong gawin para maging exciting po ulit ang sex life namin.
yon lang po at lubos na gumagalang.
gentle reader
dear unkyel batjay,
ako po ay proud parent ng isang napaka gwapong batang lalaki. proud na proud nga po ako sa kanya at parati kong sinasabi na manang mana siya sa kanyang butihing ama (dats me). na discover nga siya recently ng isang bading na taleng scout sa maynila at magsisimula na po ang anak ko bilang child star sa isang telenovela. ang problem ko po ay ito – kailangan po sa maraming eksena na umiyak ang anak ko. eh kahit ano pong pakiusap at pang uuto ko ay ayaw niyang umiyak.
narinig ko po ang tungkol sa method acting nina brando at nakita ko rin ang galing sa pag arte nina snooky at maricel soriano nung bata sila. ang gagaling nilang umiyak sa pelikula. ano po ba ang tamang internalization acting technique na pwedeng gawin para matutong maiyak ang anak ko?
nagmamahal,
gentle reader
dear unkyel batjay,
gusto ko lang pong sumulat sa inyo dahil sa problema ko. medyo mahaba po kasi ang baba ko kaya parati na lang akong inaalaska ng mga kaibigan ko – “ali baba, ali baba”. araw-araw na lang ay naririnig ko ito at naiinis na ako. ano po ba pwede kong gawin?
nagmamahal,
gentle reader
dear unkyel batjay,
ano po ba ang masasabi ninyo na darating daw ang demonyo sa june 6, 2006 kasi po raw ay “666” ang date na ito? di ba yung “666” ang marka ng demonyo?
nagmamahal,
gentle reader
dear unkyel batjay,
nakakabuntis po ba ang oral sex? parati ko po itong naririnig sa mga kaibigan ko at natatakot ako. mahilig po kasi ako sa oral sex pero hindi pa po kami handa ng jowa ko na magka baby at this point in time. payuhan naman po ninyo ako.
nagmamahal,
gentle reader
dear unkyel batjay,
sa catholic church po, di po ba kasalanan sa diyos ang pag gamit ng condom bilang contraceptive kasi pinipigil nito ang natural na pagbubunitis. eto po ngayon ang tanong ko: kasalanan pa rin po ba sa diyos kung gumamit ako ng condom na butas?
maraming salamat po,
gentle reader
wala kaming holiday dito sa california pag holy week at kahit biyernes santo ay may pasok kami. sayang nga, gusto ko pa naman sanang magpa-pako sa krus sa gitna ng hollywood boulevard. iniisip ko nga ang dahilan kung bakit hindi holiday dito kahit man lang good friday – siguro dahil puro mga pagans kami rito. oo raw, sabi ng isang kaopisina kong based sa houston. inis na inis dahil nasa california siya during holy week for some meetings. sa texas kasi, holiday ang good friday.
Continue reading