gamot sa babaeng may bigote

dear gentle reader,

mahirap talaga pag may anak na nagdadalaga na dahil eto yung panahon na marami na siyang nakikita at gustong gawin sa katawan niya. napag-isip mo tuloy ako doon sa sinulat mo – sabi mo sobrang balbon niya at gusto niyang tanggalin yung “bigote” niya dahil tinutukso siya sa school? nag research ako on-line at maraming nakitang mga procedure na pwedeng gawin, depende sa budget mo – pwedeng laser, wax o kaya ay razor. kinausap ko rin yung pastor kong si mang boy, ang sabi niya ba’t di mo na lang daw patubuan yung anak mo ng balbas. that way daw, hindi mapapansin yung kanyang bigote.

good luck na lang sa iyo,
unkyel batjay

pakikiramay

dear gentle reader,

pag mayroong kang kakilalang namatayan, huwag na huwag mong sasabihin sa kanya na “ganyan talaga ang buhay” dahil una, ito siguro ang pinaka baduy na cliche na pwede mong masabi. pangalawa, malamang sa hindi, pag sinabi mo ito eh hihilingin sa iyo ng nasabihan mo na ikaw na lang sana ang namatay.

ingat,
unkyel batjay

ang prinsipe ng nigeria

dear unkyel batjay,

tulungan naman po ninyo ako. sa tingin ko ay naabot ko na ang kaibuturan ng depression. kahapon po eh sa sobrang kalungkutan ay sinagot ko po yung spam na natanggap ko tungkol sa penis enlargement at yung email ng prinsipe ng nigeria na nanghihingi ng pera.

nagmamahal,
gentle reader

Wifi Connection

dear unkyel batjay,

paano ko po ba pwedeng ma improve ang wi-fi signal sa bahay? parati na lang pong nawawalan ng connection ang internet ko.

nagmamahal,
gentle reader.


dear gentle reader,

punta ka sa 2nd floor, tapos itaas mo yung isa mong daliri sa langit, habang nakahawak yung isang kamay sa computer. ayon sa study na ginawa ng harvard university, makakadagdag yan ng mga between 1 to 2 bars.

nagmamahal,
unkyel batjay

The Omega Man

dear unkyel batjay,

ano po ang gagawin ninyo kung nagising ka na lang isang umaga at nalaman mo na ikaw na lang ang nag-iisang lalaki sa buong mundo?

nagmamahal,
gentle reader

—————–
Continue reading

Let’s get it on

dear unkyel batjay,

ako po ay isang 25 year old na lalaki na malapit nang ikasal. gusto ko lang malaman kung paano po ba pwedeng ipahiwatig sa magiging asawa ko na gusto ko pong makipag sex?

nagmamahal,
gentle reader

—————–
Continue reading