GENTLE READER: dear unkyel batjay, bilib naman ako sa yo’t ang lupit mong mamisikleta. grabe, baka ma-dethrone mo si lance armstrong niyan.
UNKYEL BATJAY: dear gentle reader, si lance ba yung kapatid ni steve na leader ng voltes V? MWA-HAW-HAW (TV corny joke canned laughter). di naman siguro lance armstrong. ikaw naman gentle reader. muntik na nga akong mahimatay doon sa taas ng flyover dahil sa sobrang tarik ng pagakyat, puro ka pa diyan lance armstrong. pero sa tutuo lang, ngayon ko lang na appreciate ang mga nagawa ni lance armstrong sa tour de france. kaya pala nabighani si sheryl crow sa kanya kahit isa na lang ang betlog niya. ang galing ni lance to get over cancer like he did. meyknomisteyk, idol ko siya.
