No one saw us this evening hand in hand while the blue night dropped on the world

GENTLE READER: dear unkyel batjay, anong gagawin mo pag may sumingit sa iyo sa pila diyan sa singapore?

BATJAY: titingnan ko ng masama at sisigawan. tulad kanina, may isang may putok na sumingit sa akin sa pila ng bus.

GENTLE READER: anong ginawa mo?

BATJAY: nagtakip ng ilong. di ko ma take kaya pinasingit ko na lang.

GENTLE READER: last question, if you had the choice, ano ang pipiliin mo – mahabang titi or super talinong utak?

BATJAY: pass

Where no one asks any questions, Or looks too long in your face – In the darkness on the edge of town

GENTLE READER: dear unkyel batjay, welcome back! ang gaganda naman ng pictures ninyo doon sa “jay and jet’s bakasyon ispesyal in kiwiland”. at very interesting din ang kwento ni jet doon sa kanyang latest blog about your stay in auckland. buti pa siya, magaling magkwento – di katulad mong puro drawing. pero, ang tagal mo ring nawala ano? ang galing mo talaga, nakakapunta ka sa mga iba’t ibang lugar. masarap ba ang maging isang byahero?

UNKYEL BATJAY: kamusta na, GR? matagal din akong nawala, ano. masarap ba talagang maging isang byahero? kung ok lang sa iyo ang nakaupo ng sampung oras sa eroplanong masikip na may katabing taong mas malakas pa sa kanyon ang putok. kung ok lang sa iyo ang maghintay sa harap ng isang immigration officer dahil iniisa-isa niya ang mga page ng passport mo na halos kabisaduhin niya lahat ng mga tatak rito. kung ok lang sa iyo ang magbuhat ng bag na sa sobrang bigat ay halos halikan na ng iyong luslos na betlog ang lupa. kung ok lang sa iyong sumagot ng mahigit 600 emails pagbalik mo sa opisina. kung ok lang sa iyo ang umurong ng todo ang iyong pototoy dahil sa sobrang lamig ng klima. kung ok lang ang lahat ng ito sa iyo, eh di oo masarap ang maging isang biyahero.

BUTIKA, BITUKA, BUTIKI, BUTIKA, BITUKA, BUTIKI

GENTLE READER: dear unkyel batjay, kung pagdila sa kili-kili ng langaw ang pampagaling sa allergy, ito totoo: sabi ng lola ko, pag hinihika ka dapat kakain o lulunok ka ng butiki.. pag pasmado ka, dapat ihian mo yung pasmado mong kamay or paa.

UNKYEL BATJAY: eh paano kung pasmadong hikain?

GENTLE READER: ewan. sirit.

UNKYEL BATJAY: sabi ng lolo ko, lumunok ka raw ng ihi ng butiki. BWAHAHAHA.

Continue reading

THE MORNING IS FULL OF STORM IN THE HEART OF SUMMER

GENTLE READER: dear unkyel batjay, ang sabi po ng matatanda – ang allergy daw sa shrimp/prawns ay nanggagaling daw dun sa itim na vein that runs through the back of the spine of the shrimp. so pag-inalis daw yun, pwede mo na itong kainin. kaya lang ang hirap namang gawin nun sa alamang o hipong tanga, ano po? hehehe. nagmamahal, gentle reader

UNKYEL BATJAY: dear gentle reader, ang recommended daw na gamot, kung sakaling magka allergy ka dahil hindi mo natanggal yung itim na vein that runs through the back of the spine ng alamang, ay dilaan mo raw ang kili-ikili ng langaw. at least, yan ang sabi ng kaibigan kong doctor na sira ulong katulad ko. hope this medical tip helps.

A BRAVE MAN ONCE REQUESTED ME, TO ANSWER QUESTIONS THAT ARE KEY

gentle reader: dear unkyel batjay, nakita ko po kayo kagabi sa clinic. ano po ang nangyari?

batjay: ako nga yung nasa clinic kagabi. nagpakapon kasi ako.

gentle reader: aybegyorpardon, ano po yon?

batjay: nagpatanggal ng betlog – nagpakapon. gusto ko kasing sumali sa vienna boy’s choir.

gentle reader: seriously…

batjay: sige na nga – nagpa circumcise ako.

gentle reader: parang yung kay magellan?

batjay: haha – corny. circumnavigate yong ginawa niya. tuli yung sinasabi ko. nagpatuli ako.

gentle reader: seriously…

batjay: ALLERGY – sinumpong na naman ako.

gentle reader: eh di supot pa rin kayo hanggang ngayon?

batjay: ganon na nga. supot na, kamot pa ng kamot.

THE WOODS ARE LOVELY, DARK AND DEEP, BUT I HAVE PROMISES TO KEEP, AND MILES TO GO BEFORE I SLEEP

TANONG: dear unkyel batjay, isasangguni ko lang po sa inyo ang kaibigan ko. ang tanga tanga niya kasi at ayaw pang hiwalayan ang kanyang asawa. malimit siyang ginugulpi nito, lalo na pag lasing. walang itong trabaho at umaasa lang sa kanya. kung sino sino pang babae ang nilalandi. naiinis na po ako talaga.

SAGOT: “dear gentle reader, tatlo lang ang dahilan kung bakit ayaw humiwalay ng kaibigan mo sa asawa niya. either talagang mahal na mahal niya ito at hindi niya kayang hiwalayan no matter what. pwede rin na iniisip niya ang kapakanan ng kanilang mga anak. o kaya, talaga lang na malaki ang tarugo ng kanyang mister. mayron akong malaki at mapurol na gunting. kung gusto mo, ipahiram natin ito sa kanya para maging kaboses ng mister ng kaibigan mo si michael jackson.”

BECAUSE THE WORLD IS ROUND IT BLOWS MY MIND

TANONG: dear unkyel batjay, ano po ba ang masasabi ninyo tungkol doon sa paghuli ng MMDA sa mga naka topless na lalaki sa Metro Manila?

SAGOT: dear gentle reader, alam mo naman na contra ako sa kahit na anong form ng kabalastugan galing sa mga matatalinong tao sa gobyerno, kaya bukas na bukas din ay magwewelga kami sa harap ng opisina ni bayani fernando sa MMDA. buwisit na idea na yan. mga kapatid, sumali na kayo sa bago naming itinayong maka kaliwang grupo. ito’y alyansa ng mga because oriented groups na kinabibilangan nga mga kung sino-sino. ang pangalan nga pala ng grupo namin ay “TOPLESS FOR CHRIST“, kaalyado ito ng grupo ng mga kulasisi at mga kabit sa pilippinas na pinamagatang “concubines for christ”.

I’M YOUR ICE CREAM MAN, STOP ME WHEN I’M PASSIN’ BY, SEE NOW ALL MY FLAVORS ARE GUARANTEED TO SATISFY

TANONG: dear unkyel batjay, tanong ko lang po – bakit po ba dirty ice cream ang tawag doon sa sorbetes na nilalako sa pilipinas?

SAGOT: “dear gentle reader, kaya dirty ice cream ang tawag doon ay dahil nilalagyan ng kulangot yung dulo ng cone ng mamang sorbetero. well, at least yan ang paliwanag ng mommy ko sa akin nung araw para huwag akong kumain ng dirty ice cream. wa-epek. kumakain pa rin ako. pero siyempre with extra caution – pag malapit na sa dulo ng ice cream cone ay tinatapon ko na ito para di ko makain yung kulangot.”

I AM HE AS YOU ARE HE AS YOU ARE ME AND WE ARE ALL TOGETHER (YET ANOTHER EGGLESS IN SINGAPORE STORY)

TANONG: dear unkyel batjay, di po ba “KINAKAMOT” ang tamang sagot kung may nag tanong sa iyo kung “ano po gusto nyo sa itlog nyo?” MWAHAHA!

SAGOT: dear gentle reader, medyo mag-ingat ka lang. pag kinamot kasi yung itlog, magiging itlog na maalat yon. bwahaha! pinaalala mo tuloy – wala pa ring regular supply ng itlog dito sa singapore. BWAKANGINANGYAN. pero teka: napaka uncomfortable talaga pag sinumpong ka ng kati sa betlog kaya huwag ninyo itong ismolin. lalo na kung ikaw ay nasa gitna ng maraming tao. talagang pagpapawisan ka ng malamig. you’re at a crossroads and must decide fast. do i scratch my balls or ignore the itch? magpapasimple ba akong magkamot na kunwari ay dumudukot ng barya sa bulsa? ikakaskas ko ba sa lamesa na kunwari ay sumasandal? gagayahin ko ba ang mga bumbay who blatantly scratch their balls in public? yan ang mga day to day issues na kinahaharap naming mga kalalakihan. it’s really tough, but a man’s got to do what a man’s got to do. anyway, in conclusion gentle reader, the next time you see some guy with his hands in his pockets on a hot and humid day – be afraid. be very afraid.