Teach not thy lip such scorn

GENTLE READER: dear unkyel batjay, ano po ba ang medical benefits ng kissing? nabasa ko kasi na ang halik daw ay isang magandang form of excercise.

BATJAY: dear gentle reader, medical benefits ba kamo? siguro si doc emer lang ang makapagbibigay linaw riyan. di ko alam kung magaling siyang humalik (ay ayoko rin namang malaman. yuck! hehe) pero doctor siya at makapagbibigay ng sceintific explanation. pero baka nga masama sa katawan ang paghalik. sabi kasi sa isang report: more than 40,000 parasites and 250 types of bacteria are exchanged during a typical French kiss. bwakanginngyan. siguro, times two ang germs kung bad breath ang partner mo. gaano kaya karaming parasites at bacteria when you “kiss ass”? hehe. at eto pa, the same study also says that couples exchange 0.7 grams of protein, 0.45 grams of fat and 0.19 grams of other organic substances. packingsheet, nakakataba pa yata.

DELIKADO ANG TOROTOT SA BAGONG TAON, PART 2

GENTLE READER: ano nga ba ang ibig sabihin ng natorotot? plz help me dr. batjay .. di ko lam ang gagawin ko.

BATJAY: una sa lahat, maraming salamat naman at maraming dumalo sa unang pinoyblog christmas party kagabi. ayan, tingnan ninyo ang litrato namin. pinaliit ko lang para di ninyo mapansin na nagtatabaan lahat kami. BWAHAHAHA. how baboy naman the pig! ok, back to the topic… dear gentle reader, ikaw ay masasabing natorotot kapag ang iyong asawa ay may kabit na ibang tao na hindi mo alam. halimbawa, yung kapitbahay namin dito sa antipolo, kakahiwalay lang nila… nagalit kasi si lalaki dahil yung bunso niyang anak ay kamukhang kamukha ng driver niya. muntik na nga silang magbarilan sa loob ng bahay. ngayon alam mo na siguro kung bakit delikado ang manorotot sa bagong taon.

THE 1ST PINOY BLOG CHRISTMAS PARTY

TOROTOT EPEKS

GENTLE READER: dear unkyel batjay, hindi mo po nabanggit ang torotot doon sa “top 10 list ng mga pwedeng palit sa paputok itong bagong taon“. bakit po ba, ayos naman ito bilang alternative sa paputok, di ba?

BATJAY: dear gentle reader, medyo hindi kasi ako komportable sa torotot. nakikinig ako sa AM radio kahapon ng umaga habang papunta sa hospital para dalawin ang ate ko. ang sabi ng announcer ay delikado raw ang torotot sa bagong taon. nakakamatay raw ito, lalo na raw pag tinotorotot mo ang kapit bahay mo.

BORN FREE, TAXED TO DEATH

GENTLE READER: dear unkyel batjay, nasaan ka ba at ano ang ginagawa mo nung mabalitaan mong namatay na si FPJ?

BATJAY: dear gentle reader. siguro may gustong iparating sa akin ang tadhana. nasa singapore ako’t nakasakay sa taxi nang marinig sa radyo na namatay na si da king. papunta ako sa internal revenue authority dahil gusto nila akong idemanda – sa tutuo lang, nakatanggap ako ng court summons kaya medyo kinabahan ako. di raw kasi ako nagbayad ng taxes during my first year in singapore (which isn’t true). eventually, i was able to clear my name. pero ang experience na yan, kasama ng pagkamatay ni FPJ ay nagpatunay sa akin ng mga sumusunod: UNA, magaling maningil ang singapore sa mga may utang sa kanya na buwis. PANGALAWA, “Nothing is certain but death and taxes“.

THE BEST BLOGGER FOR 2004? AYOS!

GENTLE READER: dear unkyel batjay, balita ko nataihan ka ng ibon during lunch yesterday. napanood mo ba yung ibong adarna? pasalamat ka at hindi ka naging bato.

UNCLE BATJAY: gagi ka talaga gentle reader. wala namang ibong adarna rito sa singapore. kung mayron man, kailangan ay makatulog ka muna bago ka maging bato. pero alam mo, tama yata ang kasabihan: pag may tumae sa iyo na ibon ay may darating sa iyo na swerte. nalaman ko ngayon na nanalo pala ako ng “THE BEST BLOGGER FOR 2004” sa philippineblogawards. muntik na akong maihi sa harap ng computer nang mabasa ko ito. buti na lang at napigilan… baka masapak kasi ako ni jet. ayaw niyang nagkakalat ako sa bahay eh. doon po sa organizers ng award na ito, maraming salamat po sa inyong lahat.

THE BEST  BLOGGER  FOR 2004

Continue reading

You never turned around to see the frowns on the jugglers and the clowns

GENTLE READER: dear unkyel batjay. ang tanong ko lang e.. bakit walang reverse gear yung mga bike??? thanks sa reply ha.. if ever na masagot mo.

BATJAY: very interesting gentle reader. bakit walang reverse gear ang bike? ano ito trick question. ngyahaha. ang dahilan kung bakit walang reverse gear ang bisikleta ay dahil ang kadena ng typical na bisikleta ay nakakabit galing ng pedal papunta sa likod na gulong, thus producing forward motion. imposibleng magkaroon ng reverse ang biskleta dahil dito. pero kung may matalinong scientist ang mag imbento ng bisikleta na sa harap na gulong ang connection ng kadena ay siguradong magkakaroon na tayo ng reverse gear. naisip ko rin, kung gusto mo talaga ng reverse gear, bakit hindi mo na lang baliktarin ang iyong bike seat para doon ka nakaharap sa likod pag nagbibisikleta ka.

Wonderful baby, nothin’ to fear. Love whom you will, but doubt what you hear

BATJAY: ano ang sinabi ng doctor nang pinanganak ako?
GENTLE READER: tangina, ang pangit namang bata nito!
BATJAY: GAGO!
GENTLE READER: sirit
BATJAY: it’s a bouncing baby boy with super big balls of steel!
GENTLE READER: tagalugin mo nga…
BATJAY: naku, isang tumatalbog na lalaking sanggol na may malaking betlog na bakal!

super batjay, ang lalaking gagamba na may malaking betlog na sintigas ng bakal.

There’s nothing better than a good friend, except a good friend with CHOCOLATE

GENTLE READER: dear unkyel batjay, nabasa ko ito sa balita kanina: “women who eat chocolate regularly had the highest levels of desire, arousal and satisfaction from sex”. ang gusto ko lang malaman eh: paano naman yung mga pilipino na mahilig sa “chocnut“?

BATJAY: dear gentle reader, ano ba ang ingredient ng chocnut? di ba chocolate din? kaya the next time na magpabili ang partner mo ng chocnut, huwag ka ng ilokanong bato at manghinayang sa $3 price per box. itodo mo na pati pamato at panabla. ano ba naman ang sampung kahon na chocnut (a $30 price tag) kung ang katumbas naman nito ay mind-numbing, halos magka sore throat ka sa kakasigaw na sex.

YOU TELL ME THAT ITS EVOLUTION, WELL YOU KNOW..

DOCTOR KAIBIGAN: homologue yung nipples natin, batJay. it roughly means, “counterpart.” in our case, it becomes a vestigial structure because of loss of function over years and years of evolution. di naman tayo nagpapasuso. parang appendix din yan: vestigial structure. puede mong ipaalis dahil wala namang silbi. of course, walang gumagawa kasi unusual yun. pero, logically speaking, posible.

MAY UTONG SA NOO BATJAY: maraming salamat sa napaka informative na comment mo doc. pag ikaw talaga ang nag explain ay naiintindihan ko agad. at saka maraming salamat for treating my silly questions with the same thouroughness as you answer the people who ask you serious questions. dahil sa iyo, na immerse na ako sa vestigial structures at lalo tuloy akong nagbasa tunkol sa idol kong si charles darwin. most especially the past few days when news erupted about the silly evolution bruhaha in the US state of georgia. perhaps doctor, it would please you to know na pinag isipan kong mabuti ang sinabi mo na pwedeng ipaalis ang mga nipple ko dahil evolutionary dead ends naman sila. as of today, wala na akong utong sa dibdib. yung isa, pina transplant ko sa kaliwang pisngi ng pwet ko. yung isa naman (please see picture) ay pinalipat ko sa aking noo. wala lang. fashion statement, i guess.

SUICIDE IS PAINLESS

GENTLE READER: dear unkyel batjay, parati akong depressed lately. minsan pa nga ay semi-suicidal. malapit na po akong makalbo tapos iniwan po ako ng girlfriend ko at sumama sa ibang babae. gusto ko lang pong malaman kung ano ang pinakamandang gawin ko para bumalik ang saya sa buhay ko at magkaroon ng “feel good” disposition.

BATJAY: wear comfortable shoes.