THERE IS THAT MATTER ABOUT SIZE

GENTLE READER: dear unkyel batjay, ako po ay may suliranin. sana po ay matulungan ninyo ako. huwag na lang po ninyong ipagsabi pero – maliit po ang pototoy ko. hanggang ngayon po eh wala pa rin akong gelpren, kasi baka pag nakita niya ang sandata ko eh baka matawa. hindi ko po kaya ang ganoong klaseng rejection. may alam po ba kayo na pwede kong gawin para po lumaki siya. kahit mga 2 inches lang, maligaya na ako.

BATJAY: dear gentle reader, ito ang payo sa akin ng lolo ko. ganito raw ang gagawin: pag gising mo sa umaga – hinga ka ng malalim at bigla kang mag exhale ng nakatakip ang bibig at ilong… obserbahan mo kung lalaki nga ang pototoy mo. di ko alam kung epektib kasi sinubukan ko kanina eh yung kaliwang kamay ko – biglang umangat.

Popping the Cork for a Twist on a So-Called Life

GENTLE READER: dear unkyel batjay, ano po ba ang magaling na gamot sa pagtatae?

BATJAY: dear gentle reader, marami kasing paraan para mawala ang LBM pero mayron akong sure ball na solution na gagamit ng red wine. napanood mo ba ang pelikulang “sideways“? ang pelikula ay tungkol sa dalawang magkaibigan na nag wine tasting road trip sa california para i-celebrate yung kasal ng isa sa kanila. maganda talaga ang pelikulang ito and, as always, magaling ang acting ni idol paul “pig vomit” giamatti. asan na ba tayo? ah! gamot sa LBM – ok, ganito ang gawin mo:

1. bili kang isang bote ng merlot

2. buksan mo tapos inumin ang kalahating bote ng alak

3. yung kalahati, ilipat mo sa isang pitcher

4. kunin mo ang cork at ipasak sa pwet.

kapag nagtae ka pa niyan eh… ewan ko na lang sa iyo.

But each lover’s steps fall so differently

GENTLE READER: dear unkyel batjay, kamusta ka na po? alam ko po na wala ka namang phobia sa homosexuality kaya hihingi po ako sa iyo ng payo. na ospital po kasi ako dahil nag sex po kami ng boyfriend ko at medyo tinira po niya ako sa… alam niyo na. ano po ba ang mga pwedeng maging complications nito?

BATJAY: nagbago ba ang tunog ng utot mo?

And I see through your brain like I see through the water

GENTLE READER: dear uncle batjay, marunong ka palang mag drawing. ang dami mo talagang mga talents. pareho kayo ng idol mong si Renaissance Girl, ate mona. ano-ano pa ang mga nagagawa mo?

BATJAY: gentle reader, di naman sa pagmamayabang pero marami akong mga special talents. bukod sa pagkain ko ng bubog, butiki at apoy kapag “chine-noo-yir” (ika nga ni ninang ate sienna) – kaya ko ring mangulangot habang nagmamaneho, kumain ng maraming kanin, magkulot ng buhok, pagalawin ang tenga ko, magpalobo ng laway at umutot tuwing alas tres ng hapon, kasabay ng three o’ clock prayer. may isa lang talaga akong hindi kaya eh at ito yung dahilan kung bakit gusto ng kumpare kong maging isang contortionist.

And I carry it with me like my daddy did

GENTLE READER: dear unkyel batjay, ok ka lang diyan? nag-aalala pa rin ako sa iyo eh. may nakakatawa pa rin bang nangyayari sa buhay mo kahit malayo sa iyo ang asawa mo?

BATJAY: nakakatawang nangyayari sa buhay ko? mayron pa naman. katunayan, kanina lang ay napatawa ako ng malakas sa opisina. paano ba naman ay may sumulat sa akin na isang taga indonesia at humihingi ng tulong. ang pangalan niya (and i swear to god this is true) ay OTEN. muntik ko na ngang itanong sa kanya kung tuli na siya o supot, at kung tumitigas din siya sa umaga. natakot lang ako kasi baka bigla niya akong hagisan ng kupal.

99 Luftballons

GENTLE READER: dear unkyel batjay, natawa naman ako doon sa kwento mo na nagtali ng pototoy niya para di maihi. what was he thinking? or maybe he wasn’t really thinking. di kasi ako nakatulog. parang naimagine ko rin kasi na may mahigpit na lubid na nakatali sa aking kaligayahan. muntik na akong naihi sa takot.

BATJAY: dear gentle reader, medyo nagulat din nga ako sa balitang yan. iniisip ko nga, baka sinusubukan lang niya yung cheap alternative sa viagra – eto yung pagtatali sa titi gamit ang lobo para parati itong nakatayo. siguro, nahigpitan lang masyado kaya nagkaganoon – nagmukhang morcon tuloy.

Sailing heart-ships thru broken harbors

GENTLE READER: dear unkyel batjay, kamusta nang sipon at ubo mo? guminhawa na ba simula nang dumating ka ng singapore? nag aalala lang ako dahil wala ang mylab mong si jet diyan at nag-iisa ka. alam mo namang careful ako sa iyo.

BATJAY: maraming salamat sa pag-alala mo gentle reader. all things considered ay OK naman ako. kaya lang for the second straight day, pag gising ko sa umaga ay barado ang kaliwang butas ng ilong ko. can anybody tell me why this is so? wala pa rin akong panlasa kaya lahat ng pagkain ay masarap para sa akin. wala pa rin akong pangamoy kaya kahit itabi mo sa akin ang isang baranggay ng naghahabulan na bumbay sa tanghaling tapat ay ok lang sa akin. pawala na yung ubo ko pero bedroom voice pa rin. nakakalibog ngang pakinggan eh. siguro, lahat ng nakakausap ko ngayon ay naa-arouse. balak ko ngang mag record mamaya ng kanta. baka mayron kayong request, sabihin nyo lang sa akin.

SIAMESE TWINS

BATJAY: “i’m having a really bad day”

PINSAN NI BATJAY: “bakit naman?”

BATJAY: “ang bigat ng sipon ko, inuubo ako at may lagnat pa. nakakainis.”

PINSAN NI BATJAY: “wala yan. ang talagang bad day ay kapag ikaw ay isa sa mga siamese twins, tapos ang kakambal mo ay bakla at iisa lang ang pwet ninyo.

Gone are the dark clouds that had me blind

GENTLE READER: dear unkyel batjay, malamig po ba diyan sa amerika? nag-aalala po kasi ako na baka magkasakit ka diyan.

BATJAY: dear gentle reader, oo malamig rito sa amerika. hindi nga ako sanay dahil bigla akong nagkaroon ng sipon at ubo. pag ihi ko rin sa umaga, di ko makita ang pototoy ko. akala ko nga eh napalitan na ito ng pekpek. pero awa ng diyos tumatayo pa rin siya.

You know how to whistle, don’t you, Steve?

GENTLE READER: dear unkyel batjay, nais ko lang pong isangguni ang problema ko sa inyo. kakapanganak ko lang po last november at pang lima ko na po ito. gusto ko po sanang ipa opera ang aking pagkababae para naman po bumalik sa dati ang hitsura niya. ayaw po ng mister ko. ok lang daw sa kanya ang maluwang dahil sayang ang pera. may naipon naman po ako na pwede kong gamitin sa operation. sa tingin niyo po ba ay ok na ituloy ko ito? maraming salamat po sa inyo at lubos na gumagalang.

BATJAY: sige ituloy mo gentle reader. tama lang na isipin ang sarili mong kapakanan. 21st century na ngayon at empowered na kayong mga kababaihan para gumawa ng sariling desisyon. take charge of your life and be the best that you can be. ituloy mo ang operation. pag natapos na, ikwento mo sa akin ha. balak ko rin kasing ipa opera ang butas ng pwet ko. gusto ko kasi pag umutot ako ay parang may pumipito. hehehe.