dear unkyel batjay,
pag nangungulangot po kayo habang nagmamaneho, saan po ninyo ito ipinapahid?
respectfully yours,
gentle reader
dear unkyel batjay,
pag nangungulangot po kayo habang nagmamaneho, saan po ninyo ito ipinapahid?
respectfully yours,
gentle reader
dear unkyel batjay,
alam ko po na matagal kayong tumira sa singapore at marami kayong alam sa history at culture nito. interested po kasi ako doon sa “merlion“, na pinaka symbol ng singapore – ito po yung half lion at half fish na mythological creature na parating nasa mga travel brochure at postcards na galing sa singapore. mayroon po ba kayong background kwento tungkol sa creature na ito? kakaintriga po kasi ako eh. saan po ba ito nanggaling? bakit po ganoon ang hitsura niya? yon lang po unkyel at kamusta na lang sa inyo.
nagmamahal,
gentle reader
dear gentle reader,
yung leon kasi at yung galunggong ay nag sex. nabuntis ang galunggong at ang lumabas ay merlion. actually, parang ganito rin nagsimula ang siokoy. doon sa siokoy naman, may nag sex na babaing bangus at bading na mangkukulot.
ingat,
unkyel batjay
dear unkyel batjay,
mayroon po akong tru-to-layf story. nakakahiya mang aminin e nangyari din po sa akin na umalis ako sa bahay na bukas ang zipper. horror story talaga ito na halos kaparehas ng open zipper story na nangyari sa iyo. ano pa magagawa ng byuti ko e huli na nang malaman kong kita nila ang bikini kong itim?
maraming salamat at gumagalang,
gentle reader
dear unkyel batjay,
kamusta na po kayo diyan sa amerika? nag-iba na ba ang accent mo? eh yung ugali mo, nag-iba na rin ba? sabi kasi sa akin ng tito ko eh, nagbabago raw ang mga pinoy pag napunta sa amerika. nagiging mga kupal. napasulat po ako sa inyo para tanungin kung mayroon kayong mga bagong recipe. nag-aaral po akong magluto ngayon. sabi kasi ng misis ko, pag hindi ko siya pinagluto eh hindi raw po ako makaka kain ng luto ng diyos. agad-agad po akong nag-isip isip na kailangan ko na po talagang matuto. yun lang po at kamusta na lang kay ninang jet.
nagmamahal,
gentle reader
dear unkyel batjay,
aalis na pala kayo sa pilipinas ni ate jet bukas. nakakalungkot naman. mami miss ka siguro ng mga kaibigan mo at mga kamag anak ano? sana naman ay hindi kayo masyadong mahirapan. siyanga pala, napasulat ako sa iyo dahil gusto ko pong humingi sa inyo ng payo. ano po ba ang gamot sa premature ejaculation? yon lang po. good luck na lang sa bago ninyong buhay.
nagmamahal,
gentle reader
dear gentle reader,
oo sa katunayan, bukas ay aalis na kami ng pilipinas. punta muna ng singapore tapos diretso na sa paboritong city ng mga batangueno sa america, ang Ala-Eh (Los Angeles). from there baba na kami sa aming magiging bagong tahanan sa orins kawnti. ngayon pa lang nga nalulungkot na ako. minimemorya ko na nga ang ngiti ng nanay ko, ang tabas ng damo sa aking hardin, ang bawat poste ng bahay namin. baka matagalan kasi bago kami makauwi. gusto ko, naka record lahat ng masasayang alaala sa utak ko para pag na homesick ako, ipe-play ko na lang ito na parang pelikula. mami miss din siguro ako ng mga inutangan ko, sama mo na rin diyan ang mga matrona at bading na matagal nang gustong masalat ang aking ginintuang pototoy. ano ba ang gamot sa premature ejaculation? ang pagkakarinig ko eh kadalasan ang sanhi nito ay psychological in nature, dala siguro ng over excitement. ang aking personal theory ay dahil ito sa sobrang pagjajakol nung kabataan (you can trace every adult screw up to some trauma during childhood). anyway, ang pinaka effective na treatment para hindi agad mag come ay ganito: during the actual sex, isipin mo na lang na katabi mo ang lolo mo sa kama. yon lang muna at hanggang sa muli.
adios gumbay,
unkyel batjay
question and answer portion tayo ngayon, dear brader en sister. magtanong kayo kay unkyel batjay at pipilitin niyang sagutin ang inyong mga katanungan.
TANONG: dear unkyel batjay, why does superman always come to the rescue?
SAGOT: tinanong ko na yan dati kay superman kung bakit siya parating to the rescue. sabi niya eh ano raw ba ang suggestion ko na pwede niyang gawing alternative.
TANONG: anong alternative ang binigay mo kay superman?
SAGOT: sabi ko mag “BUY and SELL” na lang siya kasi malaki kita roon.
TANONG: napanood mo na ang war of the worlds? ano opinion mo rito?
SAGOT: oo napanood ko na. ano opinion ko? masarap panoorin si tom criuse pag tumatakbo siya ng mabilis.
TANONG: any other opinion?
SAGOT: oo mayroon pa – ang tatanga ng mga aliens doon sa movie. para tuloy nainsulto rin ang intelligence ko as a movie viewer. biro mo nga naman, the aliens had the advanced technology to build all those machines of destruction pero… bagsak sila sa biology dahil hindi nila alam ang tungkol sa germs? ngyehehe. sumasablay na ata si spielberg. sana ET part 2 na lang ang ginawa niya!
TANONG: should gloria resign?
SAGOT: oo
TANONG: sino ipapalit?
SAGOT: si mareng winnie
TANONG: bakit si mareng winnie?
SAGOT: mas maputi yung kanyang sabong panlaba.
TANONG: ayaw mo ba kay susan roces?
SAGOT: yung last press con niya kasi parang over acting siya dahil pasigaw sigaw pa. mas gusto ko si ate guy kasi mas magaling talagang siyang umarte kaysa kay susan. lalo na doon sa pelikulang “sidhi”. napanood nyo na ba yon? gandang pelikula noon. nakaka sikip ng pantalon ang mga sex scenes ni glydel at ni albert martinez.
GENTLE READER: dear unkyel batjay, ano po ba ang kinakatakutan ninyo? gumagawa po kasi ako ng study tungkol sa mga fears at phobias, gusto ko lang pong malaman kong ano ang mga bagay bagay na nagpapa takot sa iyo.
BATJAY: dear gentle reader, wala naman akong kinakatakutan except yung sapatos ng misis ko. masakit sa ulo eh. bwehehe. pero seriously – last week, sabi sa akin ng barbero habang ginugupitan ako: “you have very soft hair”. sabay ngiti na parang gusto akong halikan. ayon, natakot ako roon.
GENTLE READER: dear unkyel batjay, may seryosong tanong po ako at sana makatulong kayo. may proffesor po ko sa isang major subject, soooobrang lakas ng anghit talaga, as in pamatay! di naman ako pwdeng umupo ng malayo sa kanya kasi ang boses nya ay parang bulong lang, tuhod lang nya ang nakakarinig. huwat should my poor soul do?
BATJAY: dear gentle reader, mahirap talaga ang magkaroon ng teacher na may putok. mas masahol pa kasi iyan kaysa doon sa teacher na talsik laway. lalo na in your case kasi may anghit na, boses kiki pa. ispiking of putok, mayroon kaming dating tauhan sa pilipinas, ang pangalan niya ay tata. sa sobrang lakas nga ng anghit eh nagtutubig ang mata ko pag lumalapit siya. ang tawag nga namin sa kanya ay tata 45, kasi malakas pa sa kwarenta’y singko ang putok niya. nung nag-aaral pa ako sa malayan colleges, mayron din kaming instructor na may putok. tiniis namin siya ng isang sem, pero nung second sem napuno na ang salop nang nagsisimulang magka nosebleed ang mga classmates ko sa front row. una, sinulatan namin siya anonymously. pangalawa, sinumbong namin siya sa dean. the next day, nagreklamo sa class – bakit daw kailangan pang umabot sa dean ang body odor niya. tapos nagkaroon kami ng mahabang open forum kung saan tinanong niya sa class kung talagang may putok siya. siyempre, walang nakasagot. pero pagtagal nawala rin ang anghit niya. hindi dahil nasermonan siya ng dean o dahil sa sulat namin. nawala ang putok niya dahil nagkaroon siya ng girl friend. dito ko napatunayan na mas mabagsik ang pag-ibig kaysa sa tawas. pag inspired ka talaga, mapipilitan kang maligo araw araw.
GENTLE READER: dear unkyel batjay, di po ba sa pilipinas pag pinapakain ang mga baby, gumagamit tayo ng maliliit na kutsara at tinidor. ano po ba ang ginagamit ng mga intsik diyan sa singapore pag pinapakain nila ang kanilang mga baby? toothpick? biro lang po. itatanong ko lang hekshuli kung ano ang paborito mong singaporean dessert.
BATJAY: dear gentle reader, nagpakalbo ka na naman siguro ano? nagpapatawa ka kasi eh. hindi toothpick ang ginagamit ng mga intsik na baby – chopsticks din na normal size. doon naman sa ikalawa mong tanong, ang paborito ko ay “CHNG TNG”, ang dessert na walang vowel. ewan ko nga ba kung bakit yan ang pangalan pero masarap. dati ang paborito ko ay “BOBO CHACHA with durian” pero nagsawa na ako rito. may gusto sana akong tikman na dessert kanina during lunch kasi naintriga ako sa pangalan – “white fungus with jelly“. parang alipunga ano? hehehe.
dear unkyel batjay,
parati ko po itong naririnig sa inyo kaya gusto ko pong malaman: bakit po ba “boses kiki” ang tawag sa taong may maliit na boses?
nagmamahal,
gentle reader
dear gentle reader,
hindi ko alam. ang hula ko eh dahil ito sa tunog ng ihi ng babae na parang pumipito.
yours truly,
unkyel batjay