dear unkyel batjay,
ano po ba ang magandang sabihin sa isang tao na ayaw mo nang makita? mayroon po kasing nanliligaw sa akin na sobrang kulit. ok naman po siya pero hindi ko talaga type. kasi de numero po ang kilos niya at napaka pormal. para nga siyang di maka basag pinggan. ayoko po ng ganoong klaseng tao – natatakot po ako na kapag nagkatuluyan kami eh maging dominante siya at gawing de numero din ang kilos ko. galing po siya sa isang sikat na pamilya kaya ayoko naman siyang saktan. ano po ba ang pwede kong gawin.
humihingi ng tulong,
gentle reader