ISTATISTIKS

temperature. yesterday was supposed to be the hottest day in shanghai in 60 years. sabi sa dyaryo, 39.6 deg C raw kahapon. sabi naman nung kasama kong intsik na medyo jaded eh, di raw umaangat ang temperature sa shanghai ng 40. may law kasi rito sa shanghai na automatic holiday sa buong city when the temperature goes over 40. kaya ang ginagawa raw ng gobyerno ay hanggang 39 point something lang – higher than 39 but never over 40, para di matigil ang trabaho. sa tingin ko eh baka nga mas mataas pa – beterano na ako sa panahon sa singapore, manila at india. i am almost sure that it was over 40 yesterday. kagabi, lumabas ako sa terrace ng bahay ni lau to smoke: parang blast furnace pag bukas ko ng pinto. oh and by the way, this was 10 pm in the evening.

celebrities. maraming celebrities ang nasa china ngayon. si tony blair at si jay david ay nasa shanghai ngayong week. si david beckham, ronaldo, zidane, si raul-0, ang buong real madrid at si jay david ay nasa beijing next week. hehehe. umaangat nang antas ng buhay rito. may mga enrichment programs nang ginagawa ang china para sumaya ang mga citizens niya. NBA star, yao ming, nga pala is from shanghai and the people here are really proud of their native son who is here, by the way, for a series of exhibition games.

accidents. in the first half of this year, there were 27,221 road accidents in shanghai. i guess this is a reflection of the drivers and pedestrians here. may pagka reckless din kasi ang mga drivers dito. di naman ako nagugulat dahil pag nasa sasakyan ako eh pakiramdam ko, parang nasa maynila lang ako. ang kinagugulat ko eh yung lakas ng loob ng mga nagbibisikleta at yung mga pedestrians na tumawid sa mga kalye na walang tingin tingin. parang “bahala nang diyos, tatawid ako and i’m expecting the vehicles to stop so i can cross the street” kind of mentality.

population. 13 million lang pala ang population ng shanghai, hindi 30 as i originally thought i heard. more than 4 times larger than singapore. this balloons to 14 million plus during the day time dahil maraming mga chinese ang pumapasok dito sa city to work. di rin basta basta makakapagtrabaho ang mga outsiders dito, and even more difficult ang lumipat ang mga hindi taga rito. may mga permits na kailangan so the non shanghainese can work or live, or work and live here. i guess, it’s their way to control the population of the big cities like shanghai. sabi nga ni lau, pag may bisita raw na VIP dito sa shanghai or beijing, may mga pulis raw na nakaabang sa mga train station to temporarily send away all the chinese migrant workers.

bagyo. typhoon “eym-bow-dow” (imbudo, GAGO! BOBO talagang white weatherman, sasabihin mo lang ang pangalan na tagalog ng bagyo, di mo pa mapronouce maigi) anyway, typhoon imbudo wrecked more than 1 billion yuan worth of property when it lashed through southwest china this week.

o yan, halata bang nagbasa ako ng dyaryo habang kumakain ng breakfast? hehehe…

HELLO FROM CHINA MYLAB!

hello my lab. nandito ako ngayon sa shanghai office at nakikigamit ng computer. kinakamusta lang kita… sana ay nasa mabuti kang kalagayan at hindi masyadong malungkot. alam ko naman na pinasasaya ka ng mga online friends mo. may email nga pala si alma. nasagot mo na ba siya?

sinilip ko ang blog site natin dito at wala talagang access. sa tingin ko eh blocked ito sa china – siguro maraming mga blog site na against the government kaya hinarang nila lahat ng mga may website extension na “blogspot.com” – sinubukan ko na sa lahat ng mga iba ibang ISP, harang talaga. di ako tuloy makapag padala sa iyo ng message. ang nakakatawa rito ay nakakapag blog ako through blogger.com pero di ko mapuntahan ang site sa blogspot.com – iniisip ko baka somewhere in the blogger world eh may site na…

“mao-tse-tung-is-a-pickled-relic.blogspot.com”

anyway, naglunch kami kanina at umuwi na si steve pabalik sa states. si tom naman ang on the way to beijing at magkikita kami sa weenend. ok naman si steve at masarap ding kasama. di rin siya umuurong sa mga asian food. tingnan natin si tom sa beijing kung makakain ng mga pritong bulate, tipaklong at scorpion.

sige mylab, ingat ka na lang diyan. have a nice weekend at ilang araw na lang uuwi na ako. weekend:ano bang gagawin namin dito? di ko alam kung anong hinanda ni lau para sa amin. siguro pasyal o kaya shopping. tingnan na lang natin. binili nga pala ako ni lau ng golf set. mura lang at maganda ang quality na fake callaway. yung halagang $3000 na original eh $200 lang dito na copy. bayaran ko na lang daw pag may pera ako. sabi ko thank you, sabay kuha sa set. may bag itong kasama at travelling case.

lab-U!
jay

PINAKANTA NA NAMAN AKO NG MGA WALANGHIYA

third day ko sa shanghai, di pa rin ako nakakakain ng lumpia. pero ok lang yon, natapos na rin naman ang trabaho namin. nandito lang ako sa hotel buong araw. buti na rin – tanginang init ngayon dito. kung bakit kasi summer pa ginawa ang conference na ito eh. lumabas kami for drinks kanina at super init. pinagpapawisan pati singit ko. literally, shitdapwetnamalagkit.

Continue reading

NOTHING HAPPENED IN SHANGHAI TODAY

nothing special happened today in shanghai. busy kaming lahat sa preparation ng conference namin at buong araw akong nasa loob ng conference room. medyo pagod at masakit ang paa dahil halos buong araw nakatayo. enjoy lang ako dahil nakasama ko ang mga officemates kong chinese at tuwang tuwa silang nagtuturo sa akin ng mga bastos na salitang intsik. hehehe… kung bakit mga curse words ang parati mung unang natutunan na foreign words. universal ata ito eh – kung may aliens siguro na taga ibang planeta ang mag landing sa ating mundo, mga mura siguro ang una nilang matutunan.

Continue reading

LUMPIANG SHANGHAI, HERE I COME

nandito na ako sa shanghai. nag-aaral gumawa ng lumpia.

ang bantot ng katabi ko kanina sa eroplano. bwisit talaga – minsan pag sinuswerta ka talaga oo. parang may nag gigisa ng sibuyas sa tabi ko. hehehe. kaya mahal na mahal kong mga pinoy eh: kahit below freezing na eh naliligo pa rin araw-araw. o sige tama na – baka mapagbintangan pa akong

mainit ngayon dito. siguro dahil nasa tabi ng dagat eh medyo humid din. ang dating ng panahon ay parang nasa singapore pa rin ako. literally and fuguratively, shanghai is HOT. probably more than beijing, shanghai is the center of business in china. karamihan ng mga headquarters ng mga multinational corporations ay narito. kung kaya’t parang magnet ang siyudad na ito sa mga chinese. ang sabi sa akin eh 30 million ang population ng shanghai. tutuo kaya ito? parang sobrang dami ata. mataas ang standard of living ng shanghai compared to the other chinese cities. talagang cosmopolitan ang dating niya at di mo masasabi na communist country ang china pag narito ka. maraming matataas na building, maraming mga luxury cars, maraming mga kainan at inuman. kahit saan ka tumingin ay may mga ginagawang mga bagong structures – tulay, kalye, building. ang biro nga ng mga taga rito eh – shanghai, daw, changes its look every month. kung mawala ka raw ng isang buwan dito, pag balik mo di mo na makikilala.

ang paborito kong tanawin dito ay iyung mga office buildings. parang may contest dito sa shanghai sa pinaka out of this world shape na design. may patulis, may pahaba, may manipis, may korteng triangle, mayrong may mga bilog sa taas, may mga tagilid pa nga ata eh. yung skyline tuloy ng shanghai ay parang science fiction movie. ang galing.

SHOPPING SA CHINA

kuya bong! si jet ang nag-shopping ng husto… ubos nga yung dala naming pera eh. hehehe… mahirap pala pag maraming mga asawa ng companya ang nagsama-sama, panay shopping ang gusto. hehehe. ako, nakakulong sa conference room habang namimili at namamasyal ang mga misis.

binili ni jet ay puro pang-regalo pag uwi sa pilipinas. masarap mamili sa china. lahat mura! kaya lang karamihan at peke. hehehe… pero magaling ang mga copya nila, di mo malalaman kung ano ang original. kanina nag-punta kami sa tiangge nila, napabili tuloy ako ng bag at jacket. mahirap palang mamili sa china. pag nagtanong ka ng presyo, di ka nila titigilan hanggang bumili ka. sarap ngang tumawad eh – original price na 450, makukuha mo ng 100. hehehe…

Continue reading

CHINA WITH JET

marami rin kaming napuntahan dito sa beijing. we arrived last sunday morning. diretso agad kami sa forbidden city (kahit bawal – hehehe). iniisip ko kung anong pakiramdam ng isang chinese na tumira nung kasikatan ng kanilang kultura. ang china ay isa sa mga sentro ng civilazatioin dito sa asia at makikita mo ito sa architecture ng kanilang mga historical site.

this is my first time in china and it is really an eye opener. so much is happening here so fast and you can feel the energy in the air. iba ang pulso ng china – parang sasabog sa opportunity. malinis sa beijing, malalaki ang mga kalye at maganda.

oo nga pala – nagpunta rin kami sa great wall nung wednesday. talagang maganda ito. mahirap lang ngang lakarin dahil matarik ang mga paakyat-pababa. yung mga kasama kong intsik dina sumama. siguro sa kanila, parang regular lang na bakod ang great wall of china.