president’s day ngayon dito at wala kaming pasok. ok nga kasi may extra na oras na magpahinga at mag heksersays (ika nga ng mga mekeni). bilang part ng aking regular work out ay lumabas ako kaninang umaga para maglakad. magbibisikleta sana ako pero i chickened out dahil nahihirapan ako sa wind chill. pakiramdam ko kasi eh nagiging soprano ang boses ko pag nahahanginan ako habang nagbibisikleta. medyo malamig kasi ngayong mga nakaraang araw. in fact, umulan kahapon ng yelo at inabutan nga ako sa labas. nagtataka ako nung una kung bakit masakit yung patak ng ulan pag tumatama sa ulo ko, yelo na pala yon. matagal din yung ulan, mahigit 5 minutes. kung may baso nga ako, baka makagawa pa ako ng halo-halo. ngayong tanghali ay malamig din, nasa mga 12 degrees C. parang masarap tuloy matulog. teka nga at maka idlip muna.
Category Archives: CALIFORNIA
Except roll down the window and let the wind blow back your hair
bukod sa pag diyeta sa pagkain, ang isa ko pang inaatupag ngayon ay ang mag exercise araw-araw. kailangan eh – diabetic na at overweight pa, hindi na pwedeng pahiga higa na lang. gumigising na ako ngayon ng 5:30 ng umaga para maglakad o kaya magbisikleta. pag uwi ko naman sa gabi ay maglalakad ako ng isang oras bago kumain ng hapunan. mas mahirap sa umaga dahil malamig. lalo na pag naka bisikleta ka dahil may wind chill. sa simula ay maninigas yung kamay mo sa lamig pero pagtagal naman ay masasanay na rin yung katawan mo pag nagsimula ka nang pawisan. buti nga narito kami sa california: at least kahit winter dito ay nakakalabas pa rin kami para mag exercise. iniisip ko nga kung paanong exercise ang ginagawa ng mga nasa canada, o kaya yung mga nasa north east coast pag ganitong winter. parang ayoko yata tumira doon. una, gusto ko kasi sa outdoors ang pag exercise dahil ayokong naka kulong sa gym. ikalawa, nakakaliit ata ng titi ang sobrang lamig. baka gumising na lang ako isang umaga, pekpek na yung makita ko pag ihi ko.
BABYLON SISTERS SHAKE IT
nawala na yung usok galing sa wildfire na malapit sa amin. pawala na siguro yung sunog. mabuti naman. itong mga nakaraaang 2 days kasi, nakakatakot tingnan yung malaking column ng smoke na tanaw na tanaw sa bintana ng opisina. parang at any time, pwedeng tumawid ang apoy papunta rito. mga 2000 homes ang na evacuate dahil malaki yung sunog – mahigit 6000 acres daw. gaano ba kalaki ang 1 acre? di ko alam kasi sanay ako sa square meters. teka nga at ma research… eto, ang sabi sa google, 1 acre = 4 046.85642 square meters. imagine nyo na lang kung gaano kalaki ang sunog. beri-beri big too big, ano? dry na dry kasi ngayon dahil sa santa ana winds kaya isang spark lang, sunog agad. ang santa ana winds nga pala ay yung malakas na hangin na galing sa desert na umiinit habang tumatawid pababa ng bundok papunta sa pacific ocean. pag ganitong may santa ana, nagiging almost 0 humidity at tumataas ang temperature. in fact, today will be a hot day at ang forecast ay around 90 deg F. that’s a record breaking 32 degrees C. packingsheet, parang summer. kailangan na yatang maglagay ng underarm odor protection.
“I refer to jet lag as ‘jet-psychosis’ – there’s an old saying that the spirit cannot move faster than a camel” – Spalding Gray
napansin ko, mas mahirap mag byahe ng east to west kaysa sa west to east dito sa merika. mahirap kasi yung 3 hour ahead na difference. isipin mo na lang kung galing ka rito sa california at pupunta ka ng florida. pag gising mo ng alas sais ng umaga, alas tres pa rin ng madaling araw ang body clock mo. ang tendency mo ay gusto mo pa ring matulog kahit tirik na ang araw. kung tulad pa ninyo ako na nakaprogram ang morning ritual, tanghali na bago maka ebak.
“Short is the joy that guilty pleasure brings.” – Euripides
ano bang mga twisted guilty pleasures ninyo? marami akong mga kakilala na halos mag orgasm pag nagku-kutkot ng tenga. sinusundot ng walis ting-ting ang loob at pagkatapos ay kinikilig sa sarap. hehe. mayron namang mga iba na mahilig mangulangot habang nagmamaneho – sa singapore, maraming ganito. halos ipasok ang hinlalaki sa butas ng ilong. nung high school naman ako, mayroon kaming teacher na mahilig magkalkal ng betlog. para hindi namin mahalata, ididikit niya ang singit niya sa kanto ng teachers desk ay doon magkakaskas. obvious naman na gusto niya ito dahil minsan nahuhuli namin siyang napapapikit.
“To myself I am only a child playing on the beach, while vast oceans of truth lie undiscovered before me” – Isaac Newton
nakapag ikot din ako sa bisikleta nung sabado bago dumating yung bagyo. nagsimula ako sa newport beach at umakyat north bound sa huntington beach (kung saan ko kinuha ang photo na ito). ang huntington ay isa sa mga unang beach na napuntahan ko rito sa california kaya memorable ito sa akin. historic din ang location na ito dahil dito nagsimula ang surfing culture sa california.
A million ways to spend your time
christmas break namin ngayon. sarap nga eh – nakabakasyon ako from december 24 hanggang january 3. kung di lang mahal ang pamasahe eh di sana nasa pilipinas kami ngayon. pero ok na rin, nakapag pahinga kahit paano. ang isang maganda rito sa california eh ang dami mong magagawa. kaninang umaga nga nag bisikleta ako sa park malapit dito sa bahay. ay oo nga pala, mayroon akong bagong bike. christmas gift ni jet sa akin. mas maganda kaysa doon sa dati kong bike sa singapore. racer ang kinuha ko this time – “Specialized Tricross Sport Double” ang kumpletong pangalan. fancy smanzy ano? ang ibig sabihin ata nito eh bisikletang pwede mong gamitin kahit saang kalye (hekshuli, kahit walang kalye ay pwede rin). gagamitin ko nga ito sa pagpasok sa opisina. mayroon kasing incentive sa amin – if you bike to work, mayroon kang dagdag sa sweldo. parang binibigyan nila ng encouragement yung mga empleyado na magkaroon ng active life style. itatanong ko nga kung mas malaki ang allowance kapag nagbibisikleta na nagjajakol pa.
“Never go to a doctor whose office plants have died.” – Erma Bombeck
ang isang pinagpapasalamat ko sa paglipat namin dito sa amerika ay medyo liberal ang kumpanya ko sa medical benefits. ok rin naman nung nasa singapore kami at covered ang medical expenses ko – kung maalala ninyo, nakalibre ako ng maoperahan ako nung sumabog ang appendix ko nung 2003. medyo malaki rin ang inabot ng bill ko dahil muntik na akong natepok.
ngyeniwey, kaya mas maganda ang benefits ko rito eh dahil bukod sa medical, mayroon pa akong dental at vision plan. tapos ang pinakamaganda sa lahat ay kasama pati pamilya. siyempre may dagdag sa monthly kong kaltas pero sulit naman. nagamit na nga ni jet sa kanyang mga regular check-up. malaki ba ang natipid? oo. ang average payment sa specialist ni jet ay mga $400 per session pero $30 lang ang binabayaran namin.
kaya nga ako eh magpapa tingin na rin. nagpa schedule na nga ako ng appointment sa january. magpapa general check-up ako tapos isasabay ko na rin ang pagpapatuli.
NOTE: pakinggan ang MEDICAL BENEFIT PODCAST na ginawa ko para sa mga taong hindi nakakabasa nitong entry kasi lumabo na ang mga mata dahil sa sobrang pag jajakol.
You know the preacher likes the cold
alas sinko pa lang ng hapon, sobrang dilim na. nakakapanibago nga kasi gusto mo na agad umuwi at magpahinga. samahan pa ng malamig na hangin eh parang gusto mo nang magtalukbong ng kumot. unang winter namin sa california. actually, mild lang ito compared sa nangyayari ngayon sa east coast. sa new york at chicago halimbawa, may snow na. naku, malapit na pala akong umuwi – 5:30 na ng hapon at pitch black na sa labas. pero dadaan muna ako sa tindahan dahil pinapabili ako ng jet ng kamatis. para saan kaya yung kamatis? hindi ko alam. baka ulam namin mamaya. hindi kasi ako nagtatanong eh – siguro yan ang sikreto kung bakit nakatagal kami ng 14 years. oo lang ako ng oo.
When a man opens a car door for his wife, it’s either a new car or a new wife
bukas na ng tanghali ang actual driving test ko. magmamaneho ako ng kotse habang may nakaupo sa passenger seat na magbibigay sa akin ng grade. pag pumasa ako rito ay mabibigyan na ako ng california driving license. pag sumabit ako eh maglalakad na lang siguro ako papunta sa opisina. kinakabahan na nga ako eh – ano kaya ang ipapagawa nila? magpapa parallel park kaya sila sa akin? ang hirap noon. yung “parallel” nga (eg, palaler, pararer, palerel), hindi ko ma pronounce ng maigi, actual na parellel parking pa.