umuulan ngayon
nasa bahay ako
di ako pumasok
kasi ako’y nangangati
kumain kasi ako ng isda
at seafood ng weekend
ngayon puro pantal
ang katawan ko
allergy to seafood.
umuulan ngayon
nasa bahay ako
di ako pumasok
kasi ako’y nangangati
kumain kasi ako ng isda
at seafood ng weekend
ngayon puro pantal
ang katawan ko
allergy to seafood.
nakakatawa ang umaga ko. hahahahaha. nadapa ako sa pag-akyat sa escalator dahil sa pagmamadali kong habulin ang train papunta sa office. pahiya ako. naka porma pa naman ako (bago ang long sleeved shirt ko!). hahahahahaha…. yan ang napala mong gago ka!oo na… “oo ate”, “oo ate”, puro na lang ako “oo ate”.
napahiya ako sa harap ng maraming tao. ako yun! ako nga yung tumambling sa escalator kanina sa may tanah merah station ng singapore MRT. mabungi sana kayong mga nangiti sa akin! makalbo sana kayong mga humalakhak (kahit babae pa kayo!) hehehehe… di na ako tumingin sa likod ko, baka mapa-away pa ako pag napikon ako sa mga tumatawa. hehehe. deadma na lang. di lang naman ito ang first time kong malaglag. maraming beses na akong nadadapa, natatapilok, nahuhulog, natutumba, etc. etc. etc.
oh yeah. nagkakahulihan ngayon dito sa opisina ng mga gumagamit ng long distance para sa mga personal calls. nung nag-audit ang corporate namin eh nakita nila na ang taas ng charges ng phone bill. sinilip nilang lahat at ginawan ng spreadsheet ang lahat ng mga calls. nakita nila na ang pinakamaraming overseas calls ay yung bansang pinakamaliit ang sales – India. hehehe… anong ibig sabihin nito? maraming bumbay ang nanggugulang sa personal overseas calls. na-track na rin nila kung sino-sino ang mga taong tumatawag ng overseas at lahat ng mga pangalan eh siyempre bumbay. hehehe.
di ko alam kung mahihiya na sila – kasi, ginawan ng presentation ang information at pinamigay sa lahat ng mga empleyado ang powerpoint.
umuulan ngayong umaga dito sa singapore. naalala ko tuloy ang pilipinas (hehehe…lahat na lang ng bagay nagpapa-alala sa akin ng mother country). kung nasa antipolo lang ako ngayong oras na ito at umuulan, malamang ay nasa garden ako at pinagmamasdan ang aking mga halaman. may hawak na kape at nagyoyosi, hinahangaan ang ganda ng mga kulay ng dahon at bulaklak na basa.
oo nga pala, i got a great iraq joke today:
The UN asks the American representative to the UN, “What proof do you have that Iraq has weapons of mass destruction?”
… the American representative replies “We kept the receipts.”
sabi ng economic risk consultancy ltd, ang indonesia raw ang pinaka corrupt na bansa sa asia. sunod dito ang india, vietnam, thailand, china and the philippines. based ito sa survey ng 1,072 expatriates na nagtatrabaho dito sa asia.
ang ulam ko ngayong gabi ay… beef steak tagalog na left over kagabi, kanin, pakwan, celery soup en my current peborit drink – oolong tea. sarap nga eh. kumain kami ni jet habang nanoonod ng “the fugitive” sa HBO.
kaninang lunch naman ay pumunta kami sa bedok ng office mate ko na si henry at kumain kami ng “nasi bryani chicken”. sikat na restaurant ito sa singapore at dinadayo ng marami. ang may-ari ay bumbay at specialty nila ay chicken curry with bryani rice. tuwing lunch time ay siguradong puno ito ng tao at nakapila sa harapan ng restaurant. ang pwesto ni bumbay ay simple lang. para nga lang itong carinderiang bulok sa pilipinas. iyon ang isang maganda rito sa singapore, makakapunta ka sa mga maliliit ng turo-turo na murang mura ang pagkain pero super naman sa sarap.
sige na nga, pag usapan na natin ang kabahuan. racist ba ako pag parati kong pinupuna ang mga nakakatabi kong mabahu? ewan ko lang, sa tingin ko naman ay hindi dahil pinupuna ko rin ang mga pinoy na mabahu. hirap naman kasing di punahin dahil parang ginugupit ang ilong mo pag may katabi ka sa bus or train or (god help us) sa eroplano na mabahu. minsan di ko alam kung anong dapat kong isipin, lalo na dito sa singapore.
march 1 na. sa pilipinas, umpisa na ng kalbaryo. malapit na namang uminit ng husto. malapit na rin ang summer vacation. alala ko tuloy ang kanta ni k.d. lang na “summer fling”. if you plan to go on a trip during the philippine summer vacation, make sure to play this song while you’re driving to your bakasyon place.
“the river”… kanta ng isang nangangarap na ofw. actually, ito’y isang christmas song na medyo folksy ang dating, tungkol sa broken na relationship. nilikha ni joni mitchell ito nung 1971 at galing sa walang kamatayang plakang “BLUE”. i kid you not, this is a great CD.
kung gusto nyo naman, buy her greatest hits CD called… what else “HITS”. well, she also has another CD called “MISSES” . “hits” for her greatest songs, and “misses” for the songs she thinks are great. it’s a compromise i think because the record label wanted to release a box set but she disagreed. so, to keep everyone happy, they released two cd’s – one called “HITS” and the other called “MISSES”.
1971, ang tagal na no? kinder pa lang ako nung time na yon. eto pa nga pala: “big yellow taxi” ang pangalan ng theme song ng bagong pelikula ni hugh grant at sandra bullock na “two weeks notice” . ito ay kanta ni joni mitchelle at ibinalik lang ulit.