middle age conundrum 101

sabay sa paglipas ng panahon ang malimit na panonood sa dahan-dahang pagputi ng aking buhok. kung ano-ano nang mga senaryo ang pumapasok sa isip ko. magpapatina ba ako para maitim pa rin siya? pababayaan na lang ba siyang pumuti? o tuluyan na lang kayang magpakalbo? kung magpakalbo ako, aahitin ko rin ba ang kilay ko?

yan ang mga walang kwentang problemang pilit nilulutas ng mga tulad kong malapit nang mag sinkwenta anyos.

Ta-dah! Paksiw na Tiyan ng Bangus

ang isang magandang nangyari sa akin, simula nang ako’y mapadpad dito sa estados unidos eh natuto akong magluto. nung nasa pilipinas pa kasi ako eh, ako yung tipikal na spoiled bunsong anak na lalaki – taga kain na lang parati.

pero iba na ngayon. nagbago ang pagtingin ko sa buhay, simula nang matuto akong magluto ng adobo, sinigang, bistek tagalog, ginisang munggo at binagoongan.

kahapon, sinubukan kong magluto ng paksiw na tiyan ng bangus. panalo.

pasensya na

ang sermon ni pastor mang boy ngayong miyerkoles santo ay tungkol sa pasensya. hindi yung tinapay na parang mamon kundi yung pagtitiis sa ilalim ng mahirap na mga pangyayari. kaya ngayong araw na ito, ako ay nagpasyang magluto ng munggo at pagtapos eh iulam ito sa kanin. pero bago ko siya isubo, bibilangin ko muna yung mga butil ng kanin at munggo. praise god.

the spaghetti incident

parati na lang lumalabas ang kapinoyan ng isang pinoy na nakatira sa ibang bansa pag siya’y kumakain. parang ko, pag kumakain ako ng spaghetti, tulad ng mga bikolanong uragon eh gusto ko may maanghang kaya naglalagay ako ng sriracha hot chili sauce. oo mang boy, eto yung hot sauce na may manok na logo.

pero minsan naiisip ko rin sa sarili ko: ako lang ba ang bwakanginang sira ulo na naglalagay ng hot sauce sa spaghetti niya?