Bionic Woman

dear mang boy,

tapos na ang operasyon ni mommy at nasa daan na patungo sa paggaling. para sa mga hindi sumusubaybay sa kanyang mga karanasan: nilagyan ng bakal ang naputol niyang buto sa kaliwang hita, kaya’t bionic woman na ang tawag namin sa kanya. nawala na rin ang epekto ng anesthesia kaya hindi na niya inaakalang nagluluto pa rin siya ng tortang patatas sa ospital.

sa ngalan ng aking dalawang magagandang kapatid, Emmy San Jose at Ester Brown, nagpapasalamat kami sa mga doctor niya, lalong lalo na kay Doktor Enriquez na nag-opera sa kanya, at sa kumpare kong Ags GameFarm Doktor Boyet Silverio na nag-askikaso sa kanya. Salamat din sa mga nurse at lahat ng mga miron sa Marikina Valley Hospital – papainumin ko kayong lahat pag uwi ko sa May.

nasa ospital pa si mommy Angela David kaya pwede pa kayong dumalaw. pasayahin naman ninyo siya, para sa akin.

kampai!
unkyel batjay

6197929570_550e9814a5_o

the river walk

38560775402_34ff882287_o

isa sa mga paborito kong siyudad ang san antonio, texas. isa ito sa mga una kong napuntahan nung una akong napadpad sa estados unidos. malinis, malawak at maganda. lalo na sa river walk area – hiling ko nga, sana ginawa ito sa pasig river.

ang buhay ng biyahero

37955229224_f69590424a_b

labing-anim na oras galing dallas papuntang hong-kong, limang oras na stop-over, tapos walong oras mula hong kong papuntang perth, australia. dalawamput-siyam na oras na biyahe sa buong kabuuan. sa dulo nito eh amoy kambing ka na’t ang gusto mo na lang gawin ay maligo dahil kating kati na ang betlog mo. gusto mo itong kamutin pero di mo magawa kasi nasa labas ka’t maraming tao ang makakakita kaya’t ang gagawin mo lang ay mag-isip ng ibang paksa at huwag pansinin ang kati.