ilang pahina na lang at malapit ko nang matapos ang librong ito. maganda at exciting ang mga kwento ni tony bourdain. kahit na ito ay tungkol sa pagluluto, sa pagkain at sa pagiging isang kusinero. ang estilo ng pagkwento niya ay labas sa conventions ng typical na autobiography. actually, kung tutuusin, para kang bumabasa ng isang blog. siguro, ito na rin ang pinakadahilan kung bakit masarap dalhin itong librong ito sa eroplano, sa bus o sa train. yung idea na nakiki-usyoso ka sa buhay ng ibang tao habang wala kang magawang matino eh talagang masarap.
na-identify ko rin ang style niya sa pagdiskarte sa kangyang propesyon. brusko, nagmumura at naninigaw, while, at the same time, minamahal niya at tinutulungan ang mga cook niyang mangmang. hehehe… parang ako, nung gumagawa pa ako ng mga project.