if a restiveness, like light and cloud shadow passes over your hands

isa sa mga paborito kong pinoy na salita ang…

bukang liwayway – sunrise. ano ba ang literal meaning ng salitang ito? “break of dawn”, siguro. bukang liwayway, bukang liwayway, bukang liwayway. banggitin mo ng banggitin at matutuwa ka dahil punong puno ito ng pangako at kahulugan. pero pag naririnig ko ang salitang ito, naalala ko si elias na namatay na di man lang nasinagan ang bukang liwayway. medyo corny nga for a dying man to say, but what the heck. here are his last words…
Continue reading

FOUR THOUSAND HOLES IN BLACKBURN, LANCASHIRE

Ang Mabuting Balita ayon kay San Hudas

Mabuting Balita #1

itong martes ng gabi, sept 26, babasahin daw sa conspiracy garden cafe ang exerpts ng kwentong tambay book sa isang event for global pinoys sponsored ng Cultural Center of the Philippines at U.P. Institute of Creative Writing. kung mayroon kayong oras, imbis na mangulangot eh baka gusto ninyong dumalaw doon para makinig at manood. kakanta raw si gary granada at noel cabangon para may pampagana. nakaka antok kasi pag puro salita lang. mas masakit pag talsik laway yung nagbabasa. si tina nga pala ang magbabasa ng passages sa libro. malamang naman eh hindi siya talsik laway.


Continue reading

ONE HUNDRED DEMONS

ONE HUNDRED DEMONS ang tawag ni lynda barry sa libro niyang “one hundred demons” ay “autobifictionalography“. a book that is part autobiography and part fiction. ito’y isang graphic novel na ginawa through simple and achingly lovely cartoons. the type of artistic work that is so simple and elegant, you think it’s so easy to do. but if you look at the details, you’ll find out that hundreds of hours must have been spent doing each page. marami kasing mga detalye kaya masarap basahin ang gawa niya ng paulit-ulit dahil may nakikita kang bago parati. si lynda ang aking bagong idol na author. kung gagawa man ako ng libro tungkol sa buhay ko, gagayahin ko siya at ganitong style din ang gagamitin ko – part fiction, part autobiography at hindi mo alam sa storya kung ano ang tutuo at kung ano ang imbento lang.

Continue reading

TEACHER MAN

kakatapos ko lang basahin ang “teacher man” ni Frank McCourt. siya yung kilalang author na gumawa ng “angelas ashes“, isa sa mga paborito ni jet na libro. dito siya nanalo ng pulitzer prize at ginawa rin ata itong pelikula. marami ang hindi nakaka alam na bago naging isang sikat na author si mccourt eh naging guro muna siya. in fact, “teacher man” is a memoir about the 30 years he spent as a new york city public school english teacher. kung mayroon kayong mga aspirations na tulad kong maging isang guro one day, magandang inspiration ang librong ito. ang balak ko kasi ay uwuwi sa pilipinas one day at magturo na lang. wala, gusto ko lang ibalik lahat ng mga natutunan kong katarantaduhan sa buhay. baka nga pwedeng pagsamahin ang mga gusto kong gawin pag retire ko. iniisip ko nga during the day time ay teacher. pag gabi naman ay karaoke singer.

THE MELANCHOLY DEATH OF OYSTER BOY

ano bang mga bago mong binabasang mga libro?time’s eye” ni arthur clarke, “bamboo in the wind” by nina azucena grajo uranza, “sideways” ni rex pickett, “out” ni natsuo kirino, “The Melancholy Death of Oyster Boy” ni tim burton at “twisted flicks” ni jessica zafra.

Have you ever had a crush on a fictional character? you bet – snow white, lady chatterly, si galema na anak ni zuma, death.

what are the books you would bring if you were stuck in a desert island?the world according to garp” ni john irving, “Songs of Distant Earth” ni Arthur Clarke, “COSMOS” ni Carl Sagan, “Twenty Love Poems and a Song of Despair” ni pablo neruda (sorry follks, hindi kasali ang “THE HOLY BIBLE”)

nagbabasa ka ba ng porn? nung nagbibinata ako, bumibili ako ng bed time at burikak sa recto.
Continue reading

MGA KASALUKUYAN

KASALUKUYANG NILALARO: ang pototoy ko. kaya puro kalyo nang kaliwang kamay ko eh. “Oddworld Stranger’s Wrath” for the XBOX. walastic, nabighani ako rito. ang galing at bagay na bagay sa aking sick personality. sa larong ito, ikaw ay si “stranger”, isang bounty hunter sa oddworld (na kung saan, ang mga inhabitants ay mga taong manok). kailangan mong hanapin ang mga wanted na mga characters all over oddworld to get enough bounty money for stranger’s operation. ano ang parte ng katawan niya na ooperahan? di ko pa alam. wala pa ako sa kalagitanaan ng kwento sa game eh.

KASALAKUYANG BINABASANG COMICS: “Alias” 1, 2, 3 and 4 ni Brian Michael Bendis at Michael Gaydos. kwento ni jessica jones, isang superhero na nagsawa from being a superhero kaya nag decide na lang siyang maging isang detective. marami siyang hang ups sa buhay. her life is shitty, she sleeps with the wrong people, she drinks and smokes a lot at malutong pa siya kaysa sa akin kung magmura. my kind of hero.

Continue reading

THE MOTORCYCLE DIARIES

tuwing aalis ako, parati akong may bitbit na mga libro at musika. para silang mga kaibigang travel companions. sa trip ko bukas, covered ko na ang music kasi dadalhin ko ang aking iPod. dito nakaload ang mahigit limanglibong kanta na galing sa music library namin ni jet. sinimulan namin itong kolektahin more than 14-15 years ago. sa sobrang tagal, di pa yata ako tuli noon. hehehe. ito ang musika na naging kaparte na ng aming pagsasama at di ko ipagpapalit kahit kay rio locsin ibebenta kung may mag offer man na bilhin ito. masarap na may dalang music player while you’re on the road. imagine mo na lang, nakasakay ka ng bus somewhere tapos kumakanta si springsteen ng “thunder road” sa background. or imagine you’re in an airport bar, tapos bigla mong maririnig si bruce hornsby na kumakanta ng “mandolin rain“. tatayo ang balahibo mo baby.

Continue reading