DOWN UNDER PART V: ARAW NG PASYAL

ok ang araw na ito. rest day namin at lumabas kami kanina. maganda ang panahon ngayon, maaraw at di masyadong malamig. pagtapos ng breakfast ay sinundo kami ni norman at pumunta kami sa koala park.

AU-2003-020

parang mini zoo ito at maraming mga australian animals ang makikita rito. may koala ba? hehehe… halatang obvious naman sa title pa lang. ok itong zoo na ito dahil maraming mga free roaming na hayup… maraming mga kangaroo at koala’s na gumagala sa park grounds at pwede mong lapitan at pakainin. may nakita pa nga akong isang lalaking na tumatakbo dahil hinahabol siya ng kanyang asawang sumisigaw nang “hayup ka! hayup ka talaga! taksil! (ang corny ko, ano ba yan). pero enjoy talaga ako rito.

after the park, sinundo namin si le-an at nag lunch kami sa seafood market. Habang hinihintay naming si le-an ay tumambay muna kami sa isang park bench sa labas ng opsina. Mala forest gump nga ang posing ko eh. If life is a bunch of cherries… ano ang cherry sa tagalog?

AU-2003-034

masarap kumain sa seafood market, medyo similar ito sa pike market sa seattle. umoder kami ng seafood platter. kumpleto recado – may octopus, mussles, talaba, hipon, isda at sangkatutak na chips. reasonable naman ang mga presyo at masarap ang pagkain.

AU-2003-063

after lunch, umakyat kami sa sydney harbor bridge. Isa sa mga pylons ng tulay ay pwede mong akyatin. Sa taas nito ay makikita mo yung paligid ng Sydney harbor. Maganda rito at dahil walang masyadong pollution sa Sydney eh malayo ang visibility at kitang kita mo ang buong paligid. After the bridge eh tuloy kami sa opera house.

AU-2003-081

on the way to the opera house from the harbor bridge ay dock at marasap maglakad dito. Malamig ang panahon kaya di masyadong nakakapagod. Maraming tao sa opera house, karamihan ay mga turistang tulad namin na paikot ikot na parang tanga sa labas. Hehehe.

AU-2003-085

etong group picture namin. Apat na sikat na mga organizers ng exhibition at user conference sa Sydney. Si GK ang aking kasama sa Singapore ay umuwi. Magkikita na lang kami sa Perth sa lunes ng hapon.

AU-2003-078

Habang pauwi ay dumaan kami sa isang tiangge. Maraming mga tinda rito. Masarap sanang bumila ng mga abubot kaya lang pagod na ako at malapit nang magdilim.

Kumain kami sa isang South African steak house malapit sa bahay nina Norman. Kami kami pa rin sama ng mga anak nina Norman at Le-an. Dito natapos ang aming araw… isang steak at ribs dinner na sa sobrang laki eh di ko naubos. Bukas ay lipad na kami sa Perth.

Good bye Sydney – you are one hell of a city. I wish one day to show Jet what you have to offer. Sa lahat ng mga travel ko rito sa Asia-Pacific, isa ang Sydney sa paborito ko. Sa architecture, sa pagkain, sa pulso at galaw ng mga tao, bow ako sa iyo.

DOWN UNDER PART IV: THE ORANGE PEOPLE

WWSydney-071

group picture ng staff sa conference namin. siyempre pag ganitong user conference ay kailangan identiafiable agad ang mga bida… kung kaya, orange ang kulay na mga t-shirt namin. actually, maganda siya at bagay na bagay sa kutis betlog ko.

DOWN UNDER PART III: PAGOD!

ano bang impression ko sa sydney? wala pang gaano. hehehe… simula nang dumating ako di pa ako nakakalabas sa siyudad. busy kasi kami rito sa hotel sa pag setup ng user conference namin. nandito kami sa isang hotel sa olympic village. katapat lang namin ang stadium kung saan ginanap yung sydney olympics. problema rito eh in the middle of nowhere at malayo sa civilization (so to speak), at kahit may free time ka eh wala ka ring makikita.

ok lang naman dahil so far, very satisfying ang trabaho namin dito. kanina ay nag bigay ako ng lecture sa mga aussie engineers at maganda naman ang reception nila sa akin. di ko alam what to expect dahil una kong bisita rito. all in all naman eh mukhang naniwala naman sila sa mga bola ko. hehehe… bukas, mababasa ko kung anong tutuong evaluation nila sa akin. sana naman ay favorable. ngayong gabi pagod ako pero maginhawa ang pakiramdam dahil tapos na yung major part ng trabaho ko. next time na haharap ako eh sa perth na next week. kung kaya, i am looking forward to tomorrow, ang last day ng conference, at siyempre sa week-end pasyal. pangako ng host namin na si norman ay ipapasyal niya kami bukas ng gabi at sa sabado. hopefully, to go around sydney and get a feel kung papaano sila mabuhay rito.

ah… may konsuelo na nga pala. kanina ay nag-dinner kami sa isang chinese restaurant malapit dito. liblib pa rin na area pero at least out of the hotel na. lima kami ritong nagtulong tulong – si norman na country manager ng australia/new zealand, si ceci at si tom na stateside, si gk at ako na galing sa asia-pacific regional office. si ceci ay fil-american kaya may kakampi akong pinoy. natulala nga si gk kanina dahil di niya maintindihan yung pag-uusap namin ng tagalog ni ceci (di kasi niya alam na pinoy rin si ceci). eh puyat pa naman si gk dahil sinetup ang demo computers hanggang alas-kwatro ng madaling araw. akala niya eh nahihibang na siya. sabi ko na lang – “it’s ok gk, you’re not hallucinating, were both filipinos and we’re talking in tagalog. si tom naman, ilang araw na naming niloloko. masarap kasing biruin dahil nakikisakay lang. eto namang si norman eh interesting… chinese siya na pinanganak sa south africa pero australian citizen. talk about being global. mabait si norman at kaibigan din ni jet ang asawa niyang si le-an. all in all, maganda ang team work namin at kitang kita ito sa resulta ng aming conference kanina. ok rin naman ang mga kiwi at australians na kasama namin dito. gusto ko ang sense of humor nila – self depreciating at medyo dry. tingin ko eh makakasundo ko sila kung magka sama sama kami ng matagal.

umaraw na rin sa wakas, pagtapos ng malakas na mala bagyong ulan simula nang dumating ako nung martes. good omen, isip-isip ko kanina bago kami magsimula… mukhang di naman ako nagkamali dahil very fulfilling ang araw na ito para sa akin.

DOWN UNDER PART I: ISANG PINOY, NALIGAW SA SYDNEY

first time ko sa australia. alis ako kaninang 9:30 ng umaga. pitong oras ang flight from singapore to sydney at dumating ako rito ng mga past six ng gabi (+2 kasi ang oras dito). puno ang eroplano at siksikan kami sa loob. nagbasa na lang ako ng presentation ko para sa thursday habang bumabyehe.

ok naman ang reception sa akin ng mga immigration officials dito. tinanong lang ako kung saan ako pupunta (sa olympic park) at kung may business card ako (mayron po!) at kung anong trabaho ko (callboy! sabay ilag, hehehe). pakiramdam ko ay parang may flag ang passport ko at medyo pinagsususpetsahan ako dahil pinoy. di naman siguro. may isa pang immigration official ang sumita sa akin – pinoy siya. wala, pinayuhan lang ako na uminom daw ako ng vitamic c dahil malamig ngayon dito sa sydney at ibang iba raw sa panahon sa singapore. sabi ko, oo nga po eh tingnan nyo nga itong jacket kong pagkabigat bigat, di na siguro ako sisispunin nito.

pagkalabas sa airport ay diretso kami sa hotel. sinundo ako ni norman, ang akong partner dito sa australia. nag dinner kaming grupo at kwentuhan sabay punta na rito sa hotel room para matulog. problema ko ngayon eh yung outlet ng australia ay iba sa british standard ng singapore. naubusan din ang hotel ng converter at problema ko ay kapag nawalan ng baterya ang notebook ko mamaya. hehehe… di bale, mangdidilihensya na lang ako bukas. alam mo naman ang pinoy eh… maabilidad.

maganda rito sa sydney, nag tour kami kanina sa sydney harbor habang papunta sa hotel. nakita ko na rin sa wakas yung opera house na parati kong nakikita sa mga postcard. may plano pa nga ang mga kasama ko na akyatin ang sydney harbor bridge sa sabado. tangina, wala pa naman akong excercise. mag dahilan na lang kaya akong may LBM para di makasama. hindi, tiisin ko na lang. minsan lang naman ako mapunta rito. lubusin ko nang lahat ang sydney experience.

kawawa naman ang mylab ko’t naiwan sa singapore. bi bale, sandali lang naman ako. sige mylab tulog na ako. ala una na rito at maaga pa kami bukas. ingat ka na lang diyan. bukas magkokodak ako para may makita ka naman na tanawin dito.

THE FELIX LEGION

australia is prepared to launch a ‘pre-emptive’ strike against its neighbors. sabi ng kaibigang kong egay na australianong kutis bayag na tulad ko, eh di raw uubra dahil 20 million lang ang population ng australia samantalang 380 million naman ang combinend population ng pilipinas, indonesia at malaysia.

sabi ko naman eh baka sakali pwedeng umatake dahil si gladiator at mad max ay australians na pwedeng tumulong.

pag nagkataon bago umatake ang australia, may sisigaw sa kanila ng…”My name is Maximus Decimus Meridius. Commander of the Aussies of the North. General of the Felix Legion. Loyal servant to the true Emperor, Marcus John “Pre Emptive Strike” Howard Aurelius. Father to a murdered son. Husband to a murdered wife. And I will have my vengeance in this life or the next”