AKO’Y UMUWI SA PILIPINAS PARA MAGTRABAHO AT MAG SWIMMING

bumisita kanina sa antipolo ang mga mommy ko. kasama niya ang kapatid kong si gigi, si tj, si az at si glenda. dumating rin sina denden at meng, mga classmates ko at sina kuya bong, darlene at lucas. ah, oo nga pala, humabol din sina ate lannie, dennis at axl.

PI-AUG-03-006

ito ang mommy ko, sister ko si gigi, si tj (ganda ng ngiti), si glenda at ang anak niyang si az. kuha ito sa harap ng bahay namin ni jet sa antipolo. naglambing kasi ang mommy ko na gusto nilang mag swimming sa amin kaya ginawa ko eh ni-rent ko yung clubhouse ng buong araw para naman makapagsaya sila. sinundo ko sila sa novaliches ng umaga at sa amin na sila nag lunch.

PI-AUG-03-038

nag swimming party kami. despedida ko at celebration na rin sa birthday ng pamangkin kong si denden. si denden ay anak ng ate kong si gigi. sabay si gigi at ang mommy ko na nabuntis kaya halos sabay rin kaming lumabas ni denden sa mundo. actually birthday niya ng august 17, kung kaya mas matanda siya sa akin ng apat na buwan. sabay kaming lumaki, magkaklase rin kami at magkabarkada. eto si az at ako, sa gazebo, sa tabi ng pool ng clubhouse ng subdivision namin.

PI-AUG-03-029

solo namin ang pool kanina. sarap nga eh. ngayon lang ulit ako nakapag swimming in a long while. karga ko si tj sa gitna ng pool.

PI-AUG-03-015

eto si tj nangungulit habang nagbababad sa pool. eto ang batang ayaw umahon. kanina, hehehe, para lang umahon siya eh inuto ng lola niya… sinabi eh papalitan na daw ang tubig ng pool at kailangan na ni tj umalis.

PI-AUG-03-058

inimbita ko rin ang mga classmates ko at dumating ang iba. from left to right: kuya bong, jun alferez, rey opena (ate kiwi, binata ito!), ako, si denden (ang pamangkin kong kabarkada), si raymund at si lucas (na extra pa!). masaya na naman ay kwentuhan namin at siyempre, pinagusapan namin ang mga classmate naming di nagpunta. hehehe. lahat ng mga nasa litrato ay mga kaklase ko since kinder and friends for over 33 years.

PI-AUG-03-090

si az. gustong gusto ko ang kuhang ito dahil bukod sa guwapo si az, kitang kita sa background yung storm clouds na parating. actually umulan 30 minutes after kinuha ito kanina. kung gusto ninyong malaman kung anong hitsura ko nung baby ako… tingnan nyo na lang ang mukha ni az.

PI-AUG-03-050

pinalaro namin sa pool sina lucas at tj. enjoy na enjoy nga ang dalawa. lalo na si lucas, nakakapunta na nga sa malalim dala ang kanyang salbabida. kaya eto, tuwang tuwa rin ang tatay niyang si kuya bong. kung si paquito diaz kaya ang gumamit ng salbabida, tatawagin ba itong salbakontrabida? ngye-hehe.

PI-AUG-03-085

mylab, balik na ako sa singapore bukas. miss na miss na nga kita eh. kaya eto ako, umiinom na lang ng san mig light para mapabilis ang oras. sarap talaga ng malamig ng beer pag nasa pilipinas ka!

DOWN UNDER PART II: MASAYA

Hi Ester.

I did get your letter but I was traveling so much this past four weeks that I had barely enough time to do other stuff. I was in Manila 3 weeks ago with Jet and I took some pictures of mom and the rest of the gang in Novaliches. Hope you got my previous email with the pictures. Last week I returned to Manila and went to Davao to close a project. We went back to Singapore this Sunday and I had to fly to Sydney this Tuesday. I am still in Australia as I write this letter. My life has been a blur this past four weeks and I apologize for not being able to answer you sooner than I wished.

I was so happy that you did get me letter, happier when you answered. It was a long shot as I was not sure if you were really in Florida. It turns out you were and para akong nabunutan ng tinik knowing that you are alive and well. Mom did get your letter and card and was very pleased that you wrote to her. She probably is still thinking of how she will answer you… we haven’t heard from you in a while and you can just imagine how it must have been a shock to her when she read your letter. Please give her some time.

I’m glad that Donna was able to send you that postcard. She is probably somewhere between New York and the Caribbean as I write. David is probably somewhere in the Pacific Ocean as well. Like I said, a lot has happened since you lost touch with us.

I have a big presentation tomorrow. I hope to impress these pesky Australians. Wish me luck. I will write often now that I know you email address. O sige. I still have to prepare. Ingat na lang diyan. I miss you so much and we hope to see you when Jet and I go to the states one of these days. Susurpresahin ka na lang namin – just you wait and see.

With much love,

Jay

ILANG ARAW SA PILIPINAS, PART IV

XMAS_02_001

“at the end of the day”

pag naririnig ko itong phrase na ito eh kumukulo ang dugo ko. sobrang overused at tangina talaga, pag naririnig ko ito sa opisina, parang gusto kong mang gulpi. pero pag pinaguusapan ang tahanan eh, eto ang pinaka paborito ko – the end of the day. upo ka lang sa labas ng bahay, samahan mo ng yosi at malamig na iced tea at hintayin ang pagdating ng takipsilim.

ILANG ARAW SA PILIPINAS, PART I

PI-JUNE-03-015

ito na ngayon ang hitsura ng bahay sa antipolo, almost 2 years after lumipat kami sa singapore. malalaki nang mga halaman ko. medyo wild na rin ang ibang mga tanim. ok lang yon siguro. wild rin naman ako. malapit nang mag-sunset nang kinuha itong larawan…my favorite part of the day. sina jet ay nasa loob ng bahay at naghahanda nang hapunan. ako naman ay umiinom ng iced tea at naghahanda nang magdilig.

NAKAHIGA SA ANTIPOLO

nakahiga sa kama sa isang makulimlim at medyo mahangin na umaga dito sa antipolo. ang sarap ng pakiramdam. mamaya, bababa kami para mag tanghalian sa mga mommy ko. tapos balik ulit dito sa taas mamayang late afternoon. itong hapunan naman, magluluto ako ng aking famous inihaw na pork liempo. tapos, bukas ng gabi, babalik na ako sa singapore.

I 2nd THE FUCKING MOTION

natapos ang linggong ito, punong puno ng mga meeting sa cliente at mga presentation. kasama ko si henry, ang aking kaupisinang malaysian-chinese. buti siya ang kasama ko dahil di siya maselan sa pagkain. nung lunes ay pinakain ko siya ng balut. walang ka-kurap-kurap niyang isinubo ang itlog. hehehe… gustong gusto rin niya ang sisig natin. at siyempre, ang tuna belly. sinama ko rin siya rito sa bahay at pinatikim ng bihon guisado. buti yon para malaman niya na walang kalasa-lasa ang pansit sa singapore. bumili rin kami ng marang at kinain namin sa aking hardin.

masarap daw ang buhay ko rito, ang sabi niya… may sariling bahay, may garden, nakatira sa bundok, sariwa ang hangin at maganda ang view. isang malakas na “i second the fucking motion!”, ang sagot ko.

WELCOME HOME BATJAY

gumising ako kanina at ang una kong ginawa ay uminom ng kape, habang pinagmamasdan ang mga halaman at bulaklak ng aking hardin. kung makailang beses ko na itong iniisip gawin habang nagpapakahirap magtrabaho sa singapore. wala, masaya lang ako.

UNANG ARAW SA PILIPINAS SA HULING ARAW NG MAYO

nagpakapagod kang magtrabaho sa ibang bansa. bawat araw na lumilipas ay nagdaraang mabilis, tapos gising ka na lang isang umaga, nasa pilipinas ka na. kahapon ng umaga nasa singapore ako, pagkatapos ng pananghalian, nandito na ako sa bahay sa antipolo. parang milagro. isang iglap lang biglang nagbago ang itsura ng mundo ko.

dito kami natulog sa sala ni jet, kagabi. naglatag lang kami ng kutson at nagbaba ng unan. kinaugalian na namin ito nung dito pa kami sa pilipinas nakatira. sina kuya bong, darlene at lucas ang sumundo sa amin. dito na rin sila natulog at pinagamit namin ni jet ang aming bedroom. katabi namin sa higaan si datu, ang aming alagang mini-pinscher.

dumalaw din nga pala sina jun alferez, si edwin narciso at si mon rivera, ang aking mga classmate since kinder (1971) at long time friends. uminom kami ng isang case at kalahating san mig light, ang aming drink of choice since last year. gumawa rin si anna banana ng “menstruation dish” (dinuguan), pansit at sinigang na baka na siyang dinner/pulutan namin. nagpabili rin ako ng andok’s liempo ng tatlong beses dahil na-miss ko ang lasa ng inihaw na baboy ng anim na buwan. umuulan kagabi at sa garahe kami nag-inuman.

nagpunta rin sina lolet at ang kanyang mister na si sir bong at kanilang mga anak. sila ang aming mga kapitbahay rito at siyang umaalalay sa bahay namin habang wala kami. dito na rin sila naghapunan.

masaya ang unang araw namin sa pilipinas. binisita ng mga kaibigan at kamag-anak, narito sa aming sariling tahanan at natulog ng mahimbing sa isang malamig at maulan na gabi.

BYAHE NA NAMAN, WOOOHOOO!!!

CHINA_071

ang pag-pasok ng linggong ito ay medyo exciting na naman. since medyo tapos na ang SARS dito sa singapore, pwede na ulit mag-travel. medyo matagal na rin kaming na buro sa opisina. ang huli kong byahe ay nung february pa. yung boss ko ay nauna na ngayong gabi papuntang tokyo, we will hook-up on friday in seoul, korea. my flight leaves on wednesday. iwan ko ulit si jet dito sa singapore hanggang sa pagbalik ko sa sabado.

Continue reading