Unknown's avatar

About batjay

I am an overseas filipino worker. Now, I am part of that "babalik ka rin crowd" you see around christmas time, arriving at the NAIA in droves from all over, gold chain around their necks, in jeans and maong jacket, ray-ban shades, goatee, and baseball cap, pababa pa lang ang eroplano kinukuha na ang hand-carry luggage at nagpapalakpakan na't handang halikan ang lupa pagka-landing!

Four Score and Seven

nag research si pepito sandolong, ang kabarkada kong linguistic scholar at nakakita rin siya ng plagiarism ng isang politiko sa amin sa barrio talipapa.

.flickr-photo { border: solid 2px #000000; }
.flickr-yourcomment { }
.flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; }
.flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }


sopas the voice of an angel

wala pa siyang kalahating oras natutulog nang gisingin siya ng asawang si wally at tinanong kung mas mainam bang maghintay ng umaga bago kumain ng nilagang baka.

oo, ang sabi niya. sabay dagdag ng “kapag ginising mo pa ako ulit, putangina ka, gagawin kong soup #5 ang betlog mo”.

Vampire Killing 101

kapag inatake ka ng bampirang vegetarian, patayin mo siya ng krus na gawa sa gulay.

kapag hindi gumana, ipasok mo yung bwakanginang apalaya sa pwet niya nang makatikim siya ng mapait na karanasan.

.flickr-photo { border: solid 2px #000000; }
.flickr-yourcomment { }
.flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; }
.flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }


langaw at lamok

hindi talaga pwedeng ipaliwanag sa mga kabataan ang idea ng creationism dahil tatanda ang mga ito ng paurong. isa pa, mahirap ipaliwanag sa mga bata kung sino ang napangasawa ni cain, pagkatapos siyang pinalayas ng diyos.

at saka isang-isa pa, mahirap ding ipaliwanag sa mga bata kung bakit pa isinama ni noah ang mga lamok at langaw doon sa ark. sana nilunod na lang niya para wala tayong malaria ngayon at saka insektong mahilig mag swimming sa sabaw.

Lakatan Tutan

ang gusto ko ngayong gawin ay kumain ng saging na lakatan. imposible dahil walang lakatang nabibili dito sa kinaroroonan ko sa timog kaliporn-yah. oh yah?

yung mga saging na nakikita ko rito ay malalaki nga, wala namang lasa. iba talaga ang saging ng pinoy. maliit lang pero ubod ng tamis at masarap isubo.

oya!

napansin ko lang, yung mga pinoy dito sa amerika mahilig sumagot ng “oh yah” pag may sinabi ka sa kanila.

oy, dumating nga pala si tino kagabi galing ng maynila

oh yah?

oo, may dala ngang pasalubong para sa yo.

oh yah?

tinapa, nakabalot sa dyaryo.

oh yah?

yah!