the review of my book that i love the most is the shortest one.
Author Archives: batjay
pitong nilalamig na longganiza
Unidentified Flying Catsup Soysauce
himala, may toyong pinoy na sa grocery dito sa irvine. tanda lang na kahit pakonti-konti eh pumapasok na sa local na kultura ang kapinoyan.
hinihintay ko na lang ang panahon kung saan magbebenta na sila ng balut. mga bwakanginang amerikano kasi eh ito na lang parati ang tinatanong sa akin, i.e., kung kumakain daw ako ng balut.
ang bago kong cart
middle age conundrum 101
sabay sa paglipas ng panahon ang malimit na panonood sa dahan-dahang pagputi ng aking buhok. kung ano-ano nang mga senaryo ang pumapasok sa isip ko. magpapatina ba ako para maitim pa rin siya? pababayaan na lang ba siyang pumuti? o tuluyan na lang kayang magpakalbo? kung magpakalbo ako, aahitin ko rin ba ang kilay ko?
yan ang mga walang kwentang problemang pilit nilulutas ng mga tulad kong malapit nang mag sinkwenta anyos.
mga gusto mong batukan #001
may driver na biglang nagsuklay sa stoplight dito sa irvine, walang pakialam sa mga busina sa likod niya.
Ta-dah! Paksiw na Tiyan ng Bangus
ang isang magandang nangyari sa akin, simula nang ako’y mapadpad dito sa estados unidos eh natuto akong magluto. nung nasa pilipinas pa kasi ako eh, ako yung tipikal na spoiled bunsong anak na lalaki – taga kain na lang parati.
pero iba na ngayon. nagbago ang pagtingin ko sa buhay, simula nang matuto akong magluto ng adobo, sinigang, bistek tagalog, ginisang munggo at binagoongan.
kahapon, sinubukan kong magluto ng paksiw na tiyan ng bangus. panalo.
god moves in mysterious ways
the same thing happened to me this morning. only in my case, the goldfish cracker had an “X”. i interpret it as a holy sign from professor xavier and wolverine.
http://c.brightcove.com/services/viewer/federated_f9?isVid=1&isUI=1
udaman
may nagpadala sa akin ng email na kaopisina kong iranian. tinapos niya ang sulat with “udaman”. tagal kong inisip kung ano ibig sabihin nito. akala ko nung una eh persian greeting. taksyapo.





