Unknown's avatar

About batjay

I am an overseas filipino worker. Now, I am part of that "babalik ka rin crowd" you see around christmas time, arriving at the NAIA in droves from all over, gold chain around their necks, in jeans and maong jacket, ray-ban shades, goatee, and baseball cap, pababa pa lang ang eroplano kinukuha na ang hand-carry luggage at nagpapalakpakan na't handang halikan ang lupa pagka-landing!

Super Duper Fish Head Curry at Kok Sen

lumipat na ako sa amerika pero muli kong binabalik-balikan ang aking pinakamamahal na fish head curry sa kok sen.

dumating kami ngayong gabi at punong-puno ang restaurant pero yung auntie na hindi ako nakita ng tatlong taon ay bukas kamay na sumalubong, nag bigay agad ng lamesa at alam na agad niya kung ano ang gusto kong kainin. hindi nagtagal at naluto na rin ang inorder, kakainin namin ito sa labas ng kalye, pinapawisan dahil sa anghang pero enjoy na enjoy.

powderfinger

una kong narinig ang powderfinger nung lumabas ang rust never sleeps nung 1979. labintatlong taong gulang ako noon – jakolero na pero di pa talagang binata.

pagtapos ng mahigit tatlumpu’t apat na taon, heto na tayo sa 2013 at ‘di pa rin nangungupas ang mga kanta rito. sa katunayan, ang powderfinger ay laman pa rin ng playlist ko hanggang ngayon. electronic na nga lang ang format pero sige pa rin. ‘di ko na siguro ito tatanggalin hanggang sa kunin ako ni baby jesus.

heisenberg rules

mamayang gabi na ang simula ng wakas ng breaking bad. tangina, hahanap-hanapin ko si heisenberg pag natapos na ito. ang hula ko eh mamamatay silang lahat in the end. a hundred years from now, tatanghalin siguro ang panahon na ito na “golden age” ng television with shows like the sopranos, mad men, homeland, boardwalk empire and of course, my beloved breaking bad.

http://cnettv.cnet.com/av/video/cbsnews/atlantis2/cbsnews_player_embed.swf