sinigawan ko yung dalawang usa na nakatingin sa akin kaninang umaga sa golf course -“ang sama ninyong makatingin ah. para tuloy gusto kong iharap kayo sa headlight ng kotse ko.”
ayun, kumaripas ng takbo.
packingsheet, even i got as excited as letterman. the strypes rock.
“It is far better to grasp the universe as it really is than to persist in delusion, however satisfying and reassuring.”
may katwiran ang mga katwiran nina tyson at sagan.
sabi ni mang boy, ayon daw sa prediction ni madam auring: makikita raw yung eroplano ng flight MH370 sa itaas ng mount arayat sa pampanga, katabi ng noah’s ark.
pinanood ko ang “the returned” sa netflix ngayong weekend. naaliw ako sa kwento ng mga patay na bumabalik sa mundo kahit na French pa siya at subtitled. bibigyan ko ito ng dalawang nakataas na hinlalaking may patay na kuko na nabuhay na mag-uli.
MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)
mahalagang balita: tutulong na rin daw ang pilipinas sa paghanap ng nawawalang malaysian airlines flight MH370. ayon sa isang senior official sa malacanang, ipapadala raw ni presidente noynoy aquino sa kuala lumpur si madam auring ngayong linggo, pagkatapos ng matanglawin.
ang balitang ito ay hatid sa inyo ng birch tree holland powder milk – ang gatas na may gata.