Author Archives: batjay
how to avoid spicy dick
pag kumain ka sa szechuan restaurant at biglang naihi, tiyakin na maghugas ng kamay bago at pagtapos jumingle #MangBoysWellnessTipOfTheDay
Daraan lamang nina Agat Morallos at Tina Balajadia
Di ko inakalang
Aabot sa dulo
Na magwawakas yaring pag-ibig mo
Parang isang awit
Minsa’y parang langit
Minsan mayron ding ligaya at pait
May lambing man ang himig
May tamis man ang titik
Balewala pa rin ang tinig
Mayro’ng hangganan
Mayro’ng katapusan
Akala’ y aabot kailanman
Pag-ibig mo pala ay daraan lamang
Dati’y laging nariyan
At inaawitan
Ang pusong akalang di ka bibitaw
Aking natutuhan
Ang ika’y hayaan
At tatanggaping di tayo kailanman
Star Wars 8
plot twist: in StarWars Episode 8, Princess Leah will step on a banana peel while practicing her light saber skills and…
what i do
LBM at ubo
dear mang boy,
naisip ko lang kanina habang kumakain ng maanghang na tanghalian: ang isa sa pinakamasaklap na pwedeng mangyari sa iyo ngayong bagong taon ay magkaroon ng matinding diarrhea kasabay ng malupit na ubo.
happy new year!
unkyel batjay
My mom’s morcon
I made morcon for the first time this Christmas. I wanted to learn how to make this since I started cooking and this time, it’s personal.
I grew up eating morcon every Christmas and I associate its smell and taste with happy family memories. The round shape, by the highway, is supposed to bring good luck to the new year so I madapaking expect next year will be kick-ass (at this point, I look up to the heavens and give the gods of fate, the evil eye).
This version of morcon is my mom’s recipe. Her dad, who is a cook, taught it to her. I also got a few tips from my sister Emmy, who learned how to prepare morcon from her husband’s mom. Between my mom and grandfather, my sister and her mother-in-law is over a hundred years of cooking. This dish has been served in my family for many generations and people whom I love dearly sat down in tables through the years and ate this food.
I learned the very meticulous steps of making morcon via Facebook. I gave my 92 year old mom an iPad this year and she and my two sisters, Emmy and Ester, have been chatting via messenger for the past couple of weeks. In between family gossip, talking about the weather and asking about how we’re doing, they gave me the steps and technique of how to make morcon.
Thank you mom. Thank you Emmy. This Christmas is special because this is when I learned how to cook your food.
World War Two Memories
sino ako? ako ay sino?
hi mom – this song is for you. love you 🙂
David Domagas, Notre Dame of Manila Batch 83
kaklase ko si david domagas simula pa nung kindergarten. sabay kaming lumaki at nagkaisip – marami kaming mga masasayang ala-ala dahil tunay siyang masayahin na tao.
di kami nagkita ng matagal pagtapos ng high school. sa katunayan, dito na kami ulit nagkita sa amerika at nung nagkita kami, mayroon na kaming mga kanya-kanyang hanapbuhay. isa siya sa mga sumalubong sa amin nung kami’y bagong dating. inasikaso niya kami ng husto, tinulungan na makapagsimula sa california. pero pagtapos ng mga unang pagkikita nung 2005, bigla na lang siyang nawala. na miss ko nga siya at parating tinatanong sa mga iba naming kamag-aral.
nung isang linggo, bigla na lang siyang nagparamdam. kinamusta niya ako at nag-ayang makipagkita ulit. natuwa nga ako dahil matagal ko nga siyang gustong makausap.
nabalitaan ko kaninang umaga na pumanaw na ang aking kamag-aral na si david domagas. nalungkot ako ng husto. nanghihinayang na hindi ko pinursige na makita siya man lang. sayang. sayang. tangina, sayang talaga.



