Singapore advises citizens against travel to RP…bwakanginangyan, mayayari pa ata ang pag-uwi namin sa june. typical singapore kiasu mentality… dahil gumaganda ng SARS outlook sa singapore, playing safe na husto. pati pilipinas ay dinamay na.
Author Archives: batjay
SPIKY
dito sa building namin, may isang babaing empleyado ang legal department namin na may problemang konti. one time last week, dumaan siya sa kinatatayuan ko. nginitian ko siya na may kasama pang kaway. dinedma ako. tuloy tuloy lakad na habang papalapit sa akin, yung mata niya ay pumipihit na patagilid pa-side glance, as if looking kung ano ang ginagawa ko habang papaabante siya. pahiya ako man… kung pwede lang mamula ang kutis kong kulay betlog eh namula na ako.
KATE AND LEOPOLD NG MADALING ARAW
natulog kami ni jet ng late kagabi… kasi nanood ulit kami ng “kate and leopold” starring meg ryan and wolverine. tapos, nag low batt ang cell phone alarm clock ni jet at huminto naman ang alarm clock ko. kung kaya – 7:30 na kami bumangon.
nag taxi tuloy ako ngayong umaga, #$%@$*@!# yan! let’s do the math… $7 for a 10 minute trip taymis 30 equals 210 pesoses. tangnenek, ang dami nang mabibili ng 210 pesos sa maynila. pwedeng manood ng Xmen2 na may kasamang 2 piece Jollibee Chicken joy with extra rice, extra gravy and one large fries take home… oh and BTW, please give me breast and pak-pak, please. no, not your breast dear jolibee food crew na colegiala.
awa ni bathala, di pa rin nawawala ang pagka-pinoy ko. ngyahaha… kinokompyut ko pa rin ang conversion to peso.
SONG LYRICS I'M GLAD I DIDN'T WRITE
Shooting at the walls of heartache bang, bang
I am the warrior
tagalugin mo nga ito?
SONG LYRICS I’M GLAD I DIDN’T WRITE
Shooting at the walls of heartache bang, bang
I am the warrior
tagalugin mo nga ito?
THE TAXMAN COMETH
today i signed, sealed and deliverd my tax forms. i am paying my taxes in singapore for the first time since i arrived. ok lang – simple lang naman. nilagay ko lang yung kita ko sa isang form, pirma, lagay sa sobre at padala by mail. babayaran ko sana online, kaya lang di ako binigyang ng PIN number ng mga damuho. oo nga pala, ang isang maganda rito sa singapore, pwedeng hulugan ang tax. i opted to pay in 12 monthly interest free installments.
paying your taxes, bwakanginangyan, is one of the sure fire ways to make you feel that you belong to a country.
SUPER SINGAPORE SARS BALITA
…”di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news)…TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Birch Tree Holland Powder Milk, Ang Gatas ng Dalagang Ina!”… ding-dong (sound epeks ng time check)…
Tatlong Good News:
- The US removed Singapore from the Travel Advisory List issued by the US CDC
- The SARS All Clear will be given by the Singapore Government in 10 days time
- I’m still Hungry and Handsome
Total Number of Cases: 204
Discharged: 149
Hospitalised: 28
Intensive Care:13
Deaths26
Suspected: 12
Under home quarantine: 952
Last update: Monday, May 5
Source: Ministry of Health
SAAN NA ANG BARKADA
Ha! nalaman ko na nasa binyagan sa malinta ngayong araw na ito ang mga barkada ko! ano ba yan, birthday nung friday tapos binyagan naman ngayong sunday. sobra na yan ah, naiinggit na naman ako…binyag ngayon ng bunso ni pareng lando, ang aking malapit na kaibigan nung high school. si abby, ang kanyang panganay ay inaanak ko. high school nang bruha at malapit nang may aakyat ng ligaw sa kanila… hehehe. gagantihan na ata ang pare ko. apat na ang anak ni lando. dami no? libog kasi eh… hehe.
si lando ang unang nag-asawa sa amin. siya ang original na chick-boy. lahat ata ng mga teacher namin eh niligawan niya. nung high school kami, maraming gimmick ang pare ko na pwedeng gawing x-rated na pelikula. di ko na ikukwento rito at baka mabasa ng asawa niya. masapak pa ako ng wala sa oras. parati kong kasama si lando nung high school. malapit din ako sa pamilya niya. parati kasi ako sa bahay nila sa malinta at kalookan – nakikikain.
OYA NI KALDERETA
alam mong nakakaiyak na kanta para sa akin… yung CHICHI WO MOTOMETE (Seeking Father), ito yung ending song ng voltes v. tangna, everytime na lang marinig ko ito, nalulungkot ako. ewan ko kung bakit… mourning for a childhood lost, remembrance of a world when it was still school and a small village in novaliches, happy days when the family was still complete.
ewan, perhaps one of those reasons, or maybe all of the above. nevertheless, may maliit na pinong-pinong kurot akong nararamdaman. tulad ngayon, pinapakinggan ko ang kanta… bittersweet, melancholy, infinite sadness. hehehe… i’m 37 years old, and cartoon theme songs make me sad.
oh well… LASER SWORD!!!
JAPANESE INVASION
ang title sa isa sa mga binabasa ko ngayong libro ay “ghost soldiers”. it’s about a little known rescue of a japanese POW camp in nueva ecija during the liberation of the philippines.
nabili namin ito ni jet nung MPH booksale. one week after buying it, nalaman ko na nagkaroon ng dedication ng memorial site doon sina ambeth ocampo at ang NHI. parang Synchronicity many times over – nalaman ko rin na isa na itong malaking hollywood movie na pinamagatang “The Great Raid”. tapos, through reading an interview of Rex Navarrete (alala nyo pa ba si MARITESS vs the SUPERFRIENDS) sa isang diyaryo, nalaman ko rin na kasama si cesar montano dito bilang isang guerilla leader who helped the americans rescue the camp.
Synchronicity? Plaka ni Sting at ng Police – mga kanta rito: Synchronicity; Walking in your footsteps; Oh my God; Mother; Miss Gradenko; Synchronicity II; Every breath you take; King of pain; Wrapped around your finger; Tea in the Sahara