Unknown's avatar

About batjay

I am an overseas filipino worker. Now, I am part of that "babalik ka rin crowd" you see around christmas time, arriving at the NAIA in droves from all over, gold chain around their necks, in jeans and maong jacket, ray-ban shades, goatee, and baseball cap, pababa pa lang ang eroplano kinukuha na ang hand-carry luggage at nagpapalakpakan na't handang halikan ang lupa pagka-landing!

DOWN UNDER PART I: ISANG PINOY, NALIGAW SA SYDNEY

first time ko sa australia. alis ako kaninang 9:30 ng umaga. pitong oras ang flight from singapore to sydney at dumating ako rito ng mga past six ng gabi (+2 kasi ang oras dito). puno ang eroplano at siksikan kami sa loob. nagbasa na lang ako ng presentation ko para sa thursday habang bumabyehe.

ok naman ang reception sa akin ng mga immigration officials dito. tinanong lang ako kung saan ako pupunta (sa olympic park) at kung may business card ako (mayron po!) at kung anong trabaho ko (callboy! sabay ilag, hehehe). pakiramdam ko ay parang may flag ang passport ko at medyo pinagsususpetsahan ako dahil pinoy. di naman siguro. may isa pang immigration official ang sumita sa akin – pinoy siya. wala, pinayuhan lang ako na uminom daw ako ng vitamic c dahil malamig ngayon dito sa sydney at ibang iba raw sa panahon sa singapore. sabi ko, oo nga po eh tingnan nyo nga itong jacket kong pagkabigat bigat, di na siguro ako sisispunin nito.

pagkalabas sa airport ay diretso kami sa hotel. sinundo ako ni norman, ang akong partner dito sa australia. nag dinner kaming grupo at kwentuhan sabay punta na rito sa hotel room para matulog. problema ko ngayon eh yung outlet ng australia ay iba sa british standard ng singapore. naubusan din ang hotel ng converter at problema ko ay kapag nawalan ng baterya ang notebook ko mamaya. hehehe… di bale, mangdidilihensya na lang ako bukas. alam mo naman ang pinoy eh… maabilidad.

maganda rito sa sydney, nag tour kami kanina sa sydney harbor habang papunta sa hotel. nakita ko na rin sa wakas yung opera house na parati kong nakikita sa mga postcard. may plano pa nga ang mga kasama ko na akyatin ang sydney harbor bridge sa sabado. tangina, wala pa naman akong excercise. mag dahilan na lang kaya akong may LBM para di makasama. hindi, tiisin ko na lang. minsan lang naman ako mapunta rito. lubusin ko nang lahat ang sydney experience.

kawawa naman ang mylab ko’t naiwan sa singapore. bi bale, sandali lang naman ako. sige mylab tulog na ako. ala una na rito at maaga pa kami bukas. ingat ka na lang diyan. bukas magkokodak ako para may makita ka naman na tanawin dito.

ILANG ARAW SA PILIPINAS, PART IV

XMAS_02_001

“at the end of the day”

pag naririnig ko itong phrase na ito eh kumukulo ang dugo ko. sobrang overused at tangina talaga, pag naririnig ko ito sa opisina, parang gusto kong mang gulpi. pero pag pinaguusapan ang tahanan eh, eto ang pinaka paborito ko – the end of the day. upo ka lang sa labas ng bahay, samahan mo ng yosi at malamig na iced tea at hintayin ang pagdating ng takipsilim.

ILANG ARAW SA PILIPINAS, PART III

PI-JUNE-03-037

in between davao and cotabato ang mt apo, ang pinakamataas na bundok sa pilipinas. gumawa kami rito ng power plant sa gitna ng gubat. ang emphasis ng plantang ito ay sa environmental compliance at malaki ang ginastos upang ma-minimize ang impact ng planta sa kalikasan. i’m proud to be part of the team that made this possible. mahigit pitong taon na itong tumatakbo na walang problema at patuloy na nagbibigay ng kuryente sa buong isla ng mindanao. ito ang project na ginawa ko na pinaka satisfying.

umuwi ako ngayong linggo upang gawan ng project study ang augmentation ng automation system ng planta. sana matuloy ito para muling makabalik sa langit.

ILANG ARAW SA PILIPINAS, PART I

PI-JUNE-03-015

ito na ngayon ang hitsura ng bahay sa antipolo, almost 2 years after lumipat kami sa singapore. malalaki nang mga halaman ko. medyo wild na rin ang ibang mga tanim. ok lang yon siguro. wild rin naman ako. malapit nang mag-sunset nang kinuha itong larawan…my favorite part of the day. sina jet ay nasa loob ng bahay at naghahanda nang hapunan. ako naman ay umiinom ng iced tea at naghahanda nang magdilig.

GINULAT MO AKO

kikita ulit kami ng mylab ko bukas. susunduin nya ako sa naia at diretso kaming POEA para ayusin yung papeles ko. putonginamoy, kagagaling ko lang doon 2 weeks ago, balik na naman para pumila. sana may online na lang na processing ng OEC para di na kailangang magpakita pa doon. disadvantage para sa mga OFW ang magtrabaho sa sariling bayan. magtatrabaho ka na nga, sasadya ka pa doon. malaking abala. kunswelo ko lang eh pagtapos ng POEA eh may date kami. hehehe. sarap sarap.

Continue reading →

ON THE ROAD AGAIN AND AGAIN

bukas, balik ulit akong manila. pahinga isang araw tapos biyaheng davao. from davao, long drive paakyat ng mt. apo. baba sa davao ng sabado, uwi ng maynila. balik ng singapore ng linggo. pahinga ng isang araw. martes, byaheng sydney. trabaho hanggang sabado, lipad ng perth ng linggo. trabaho sa perth hanggang martes, pahinga ng miyerkoles. conference sa singapore ng huwebes. pahinga isang linggo. lipad ng shanghai ng 24. trabaho hanggang sabado. lipad ng beijing ng linggo. trabaho hanggang martes. uwi ng miyerkoles. by the time na matapos ang trabaho ko, august na.

wala nang sars, welcome back the accidental tourist.