isang awit para sa mylab kong natutulog ngayon. ay! nagising na pala at kasalukuyang nagbubukas ng oolong tea sa may kusina. hoy, mylab… this is my heartsong to you! lab-U.
naka leave ako ngayon kasi nag-parenew kami ni jet ng employment pass.
isang awit para sa mylab kong natutulog ngayon. ay! nagising na pala at kasalukuyang nagbubukas ng oolong tea sa may kusina. hoy, mylab… this is my heartsong to you! lab-U.
naka leave ako ngayon kasi nag-parenew kami ni jet ng employment pass.
two years na ako sa singapore ngayong august 6. ambilis ng panahon. parang kahapon lamang eh nasa pilipinas kami ni jet. ako bilang isang engineer sa isang magandang company, habang si jet naman ay isang maligayang housewife. ngayon narito kami sa singapore, ako bilang isang engineer sa isang magandang company, habang si jet naman ay isang maligayang housewife. wala bang nagbago? hehehe… marami, actually.
bakit ba kami napadpad dine? maraming dahilan. pangunahin ay pera. naisip namin ni jet na kapag nagpunta kami rito eh sa isang taon lang eh bayad (as in fully paid) ang bahay namin sa antipolo. ang isa pang dahilan ay kunektado rin sa pera. naisip rin namin (parati kaming nag-iisip) na mga five to ten years dito eh pwede na kaming mabuhay nang semi-retired (hindi semi-retarted, pero pwede na rin) sa pilipinas. matagal ko na kasing gustong maging hardinero eh. lastbatnatdalis na dahilan, kunektado rin sa pera: gusto naming mas makatulong sa mga kamag-anak namin na nagsisikap ding paangatin ang kanilang mga buhay.
nagpagupit ako nung sabado tapos nalasing ako nung linggo. kaya ngayong lunes, pakiramdam ko eh para akong ni-rape ng maskuladong bading. kanina pa ako walang imik dito sa opisina. di rin ako makagalaw. pag bigla akong tumayo, umiikot ang mundo ko. di nga ako nakakain ng lunch. hehehe. mahirap talaga ang tumatanda. hindi na kaya ng katawan ko ang mabilis na konsumo ng alcohol.
nag dinner kami sa magandang bahay nina leah at eder kagabi. masarap ang handa – may karekare, adobo at lumpiang prito. may kantahan din. ang gagaling ngang kumanta ng mga kaibigan nina leah. tapos ng karaoke eh nagtagayan kami ng vodka at tequila. ang bilis mag tagay ni… ni… ni… ano na nga bang pangalan noong mamang iyon. sa sobrang inom eh nakalimutan ko na. tanggap ako ng tanggap ng baso. akala ko siguro teenager ulit ako. eto ako ngayon, maganda nga ang tabas ng buhok, may hangover naman. para akong si maverick sa top gun nung sinabihan siya na…”son, your ego is writing checks your body can’t cash.”
nakakatuwa yung pamangkin nina leah na si aliyah (tama bang spelling). niyakap ako at nagpakarga kagabi, unang kita pa lang namin. malakas talagang appeal ko sa mga baby. hehehe. ayaw ngang bumitaw sa akin at nilalamutak din niya yung nunal ko. nung uuwi na sila ay gusto akong i-takehome ng bata.
the night honasan launched the ’87 coup, nagtatrabaho ako sa rock of manila. graveyard shift ako (10 pm to 2 am) kaya minsan doon ako natutulog. target nila ang rj dahil ito yung radio bandido nung edsa revolution. if you were alive during that time, you probably know na dito nag broadcast sina june keithley.
nasa malacanang kaming magbabarkada nung gabing umalis si marcos. kasama ko si nes, mon, si rey, si kuya bong at si denden. nasa edsa kami nang ibinalita na umalis si makoy at agad kaming pumaroon sa palasyo. dahil maraming tao ay nag park na lang kami sa recto. from there nilakad na lang namin.
mataas ang tensyon nang malapit na sa palasyo ng malacanang. maraming nagtatakbuhan at nagsisigawan. very chaotic talaga. nung malapit na kami sa gate ng malacanang ay may nagpaputok ng M-16… “pak-pa-pa-pak”. dapaan lahat at sabay sabay kaming tumakbong paatras. si mon, na nasa hulihan namin, ay biglang napasigaw nang: “aaahh sheeeeet!”
“bakit pare, tinamaan ka ba?”, ang sabay sabay naming tanong sa kanya.
“hindi, tangina, yung argyle kong medyas, sumabit sa barb wire at napunit. kakabili ko lang nito eh”.
eventually, nakapasok din kami sa palasyo ng malacanang kasama ng libo-libong mga pinoy at (believe it or not) sa harap namin ay isang barangay na ati-atihan, kumpletong costume at instrumento at sumisigaw ng “hala-bira”. di ko alam kung saan sila nanggaling. very surreal but it really did sum up the festivity of that evening.
just found out that my employment pass has been renewed by the singapore government. mayron ulit akong permission to work for 3 more years. siyempre, si jet, may dependent’s pass din na 3 years. mukhang nagustuhan nila ang beauty namin at hinabaan ng husto ang aming stay dito.
medyo good news na rin in a way dahil headline ngayon sa isang dyaryo dito sa singapore: “Foreigners took most of the new jobs in recent years”. in the article, parang sinasabi nila na perhaps its time for the government to rethink its position regarding the hiring of foreigners (i.e. send them home, or mas malupit, don’t hire them anymore)
sa mga usap usapan din, maraming akong naririnig na mga reklamo na kinukuha raw ng mga foreigners ang mga trabaho ng mga locals and this study proves that it is indeed happening. pag kausap ko ang mga intsik na kakilala ko, sinasabi nila “ADB raw dito sa singapore ngayon… Ang Daming Bumbay!”
maghihigpit kaya ang gobyerno sa pagpasok ng mga foreign talent? kung na-approve na nila ang employment pass ko eh siguro ang sagot ay hindi. hindi pa.
nandidito na ulit ako sa singapore. balik daily grind. home to office. ride bus, ride train, walk to office. work, coffee break, work, lunch, work, coffee break, work, uwi. walk to train station, ride train, ride bus. office to home.
the first day at work after a trip is always hard. tinatamad akong magtrabaho at madali akong mapikon. gusto ko nang umuwi at mag shower, manood ng news, watch a movie, have dinner at makipagkulitan kay jet.
naiinip ako at kung ano-anong pumapasok sa isip ko: tick tock tick tock… alas singko na ba? ah matagal pa. tick tock tick tock… ayoko talaga ng office work, a desk job for me is like a death sentence. tick tock tick tock… mag resign na kaya ako? tick tock tick tock… ano kayang ginagawa ni jet ngayon? tick tock tick tock… teka muna, pag nag-resign ka ba, saan ka pupunta? tick tock tick tock… kamusta na kaya ang garden ko? tick tock tick tock… sa CHINA ka na lang magtrabaho, di ba may job offer ka doon? tick tock tick tock… bakit ba kanina pa kinakati ang siko ko? tick tock tick tock… may field work ka rin naman dito hindi ba? tick tock tick tock…putangina, gusto kong magbakasyon. pagod nako.
KRRRRRRRRRRRRING!!!! Coffee Break! Makayosi nga muna.
ngayong dinner ay kumain kami sa “beijing qian men quan ju de roast duck restaurant”. itong restaurant na ito ang isa sa pinakamatandang kainan sa beijing. it was founded in 1864 (during the Qing Dynasty), and is, as of this writing, 139 years old.
malaki at maganda ang restaurant na ito at isa lang ang tinda nila: peking duck. kumuha kami ng table sa 2nd floor. for 200 RMB (approximately 1,300 pesos) per head, ikaw ay makakain ng isang (peking dick? hehehe, sorry) peking duck dinner. eto lang ang ganda ng accidental tourist, libre ka na sa byahe, bongga pang pagkain mo. kung personal ang byahe ko eh malamang sa chow king lang ako kakain. o sige, tama nang pang-iinggit. let me proceed…
well, i can confirm that some blog sites are blocked in china, particularly, blogspot. pero iyong interactive-X naman ay hindi blocked. may topak rin ang gobyerno rito. di ba nila alam, pag pinipigil, lalong nang gigigil. di rin naman effective ang blocking dahil, pwede siguro i-bypass ito by hosting your site outside of blogger.com, or better yet, find another blog provider.
isa pang may topak eh yung mga nag coup sa maynila. ang TATANGA talaga ng mga sundalong ito . gagawa lang ng gulo, walang kaplano plano. dapat sa inyo eh, tanggalan ng baril at hamunin ng suntukan. o ano, laban kayo pag walang baril? ha? ha? mga bobo!
well, i can confirm that some blog sites are blocked in china, particularly, blogspot. pero iyong interactive-X naman ay hindi blocked. may topak rin ang gobyerno rito. di ba nila alam, pag pinipigil, lalong nang gigigil. di rin naman effective ang blocking dahil, pwede siguro i-bypass ito by hosting your site outside of blogger.com, or better yet, find another blog provider.
isa pang may topak eh yung mga nag coup sa maynila. ang TATANGA talaga ng mga sundalong ito . gagawa lang ng gulo, walang kaplano plano. dapat sa inyo eh, tanggalan ng baril at hamunin ng suntukan. o ano, laban kayo pag walang baril? ha? ha? mga bobo!