Unknown's avatar

About batjay

I am an overseas filipino worker. Now, I am part of that "babalik ka rin crowd" you see around christmas time, arriving at the NAIA in droves from all over, gold chain around their necks, in jeans and maong jacket, ray-ban shades, goatee, and baseball cap, pababa pa lang ang eroplano kinukuha na ang hand-carry luggage at nagpapalakpakan na't handang halikan ang lupa pagka-landing!

I was their American Dream ni Malaka Gharib

Katatapos ko lang basahin ang kwento ng buhay ni Malaka Gharib, pinamagatang “I was their American Dream” – isa sa mga pinakamagandang libro na nabasa ko lately, Mang Boy.

Lumaki si Malaka sa Cerritos, pugad ng mga Kapinoyan sa SoCal – siudad na malapit sa aming puso dahil parati namin itong pinupuntahan upang kumain sa Salo-Salo Grill. Natutuwa ako na isinulat niya ang kwento ng buhay niya bilang anak ng mga imigranteng Pinoy at Egyptian ng may lambing, pag-ibig at buong katapatan.

Napasaya rin ako na may kahalong pagmamalaki – ang kanyang kwento at ang mga kwento ng kanyang imigranteng pamilya ay kwento ko rin. Sa wakas nakabasa rin ako ng libro tungkol sa buhay ng isang tao kung saan naintindihan, hindi lamang ng utak ko, ngunit ng kailaliman din ng aking puso.

Maraing salamat, Malaka.

Gupit ng Buhok in the Time of Corona

dear mang boy,

mahaba na ang buhok ko at kailangan ko nang magpagupit, pero nakasara naman ang mga barberya. pinayuhan ako ng mga kaibigan ko na bumili na lang ng razor at ako na lang ang gumupit ng sarili kong buhok. mukhang ito rin ang napagpasiyahan na gawin ng lahat ng mga kalalakihan sa amerika dahil tangina, wala akong mabiling clipper, kahit saan.

ano po ba pwede kong gawin dito? mas masahol pa ata ito sa kawalan ng toilet paper.

nagmamahal,
unkyel batjay

Quarantune: My Poor Jerusalem

If you knew all that I knew, my poor Jerusalem
You’d see the truth, but you close your eyes
But you close your eyes
While you live, your troubles are many,
My poor Jerusalem
To conquer death, you only had to die
You only had to die

Okra in the Time of Corona

dear unkyel batjay,

paano po ba patatagalin ang toilet paper pag may LBM ngayong panahon ng corona? asking for a friend.

nagmamahal,
gentle reader

dear gentle reader,

mahirap ang problema ng kaibigan mo, lalong lalo na ngayong mahirap bumili ng toilet paper dahil sa mga bwakanginang suwapang na hoarders. amerikano ba ang kaibigan mo? sabihin mo sa kanya: buy a pound of okra and shove a piece up your ass, every time you feel like taking a shit.

ingat,
unkyel batjay

Love in the Time of Corona

nakatira kami sa isang bahagi ng hilagang texas na nasa gitna ng dalawang county – dallas at collin. sa dallas county, mayroon shelter-in-place order, sa collin eh bahala ka sa buhay mo.

nakakalito para sa mga residente, mang boy. mapanganib din, siyempre, lalong-lalo na doon sa mga hindi nakaka-alam kung uurong o susulong. ngunit ito ang aming katotohanan – na ang pagtugon ng mga lungsod sa mga problema ay idinidikta ng partidong pampulitika at hindi ng agham.

tantiya ko, mga isa o dalawang buwan mula ngayon, malalaman natin ang mga resulta ng eksperimentong panlipunan na ito. sana, ang texas ay nasa sapat na kalooban ng amerika na pakikinggan ni baby jesus ang mga panalangin ng mga naniniwala sa himala na hindi malaki ng epekto ng corona virus, at kaunti lang ang mamamatay.