Unknown's avatar

About batjay

I am an overseas filipino worker. Now, I am part of that "babalik ka rin crowd" you see around christmas time, arriving at the NAIA in droves from all over, gold chain around their necks, in jeans and maong jacket, ray-ban shades, goatee, and baseball cap, pababa pa lang ang eroplano kinukuha na ang hand-carry luggage at nagpapalakpakan na't handang halikan ang lupa pagka-landing!

FADED PHOTOGRAPHS, MEMORIES IN BITS AND PIECES

nasubukan na ba ninyong magpakuha ng litrato sa mga lumang instant ID picture shops sa pilipinas? i have. one day, many years ago, kinailangan ko ng picture para sa company ID. nagpunta ako as isang cheap studio para magpakuha. eto ang nangyari. putol ang katawan ko dahil naka puti akong t-shirt during the time the photo was taken, tapos white pa ang background. dahil kutis betlog ako, ang ulo ko lang ang nakuha at litaw na litaw ang aking kayumangging balat.

CLICK TO ENLARGE. nasubukan na ba ninyong magpakuha ng litrato sa mga lumang instant ID picture shops sa pilipinas? i have. once kailangan ko ng ID picture, nagpunta ako as isang cheap studio. eto ang nangyari. putol ang katawan ko dahil puti ang t-shirt ko over a white background.

eh wala akong magawa nung time na iyon. kaya imbis na mangulangot eh nag drawing na lang ako ng kenkoy na katawan na karugtong ng aking ulo para naman hindi masayang ang tatlong litrato. ayan ang kinalabasan.

kung kilalala ninyo ako simula pa nung early 1990’s, you’ve probably seen this funny picture somewhere – either posted in a bulletin board in my cubicle or in a frame on my office desk, etc. i love this photo. it reminds me not to take myself too seriously. so go ahead, laugh at my expense. click on the picture and make fun of me.

WISH I DIDN'T KNOW NOW WHAT I DIDN'T KNOW THEN

CLICK TO ENLARGE. old pictures... punong puno ng ala-ala of days gone by. i remember when this photo was taken. kagagaling lang namin sa simbahan at sinusubukan ko ang bagong bili na SLR camera. that was many moons ago. no, to be quite frank, that was many pounds ago. old pictures… punong puno ng ala-ala. i remember when this photo was taken. sa bahay ito ng mommy ko sa novaliches. dito pa kami nakatira nung araw. siguro mga 1994 ito, kagagaling lang namin sa simbahan ni jet at sinusubukan ko ang bagong bili na camera. that was a long time ago. correction, that was many pounds ago. much younger, bolder, reckless at wala pang masyadong pakialam kung anong mangyayari sa hinaharap. parang kanta ni springsteen: “at night we ride through mansions of glory in suicide machines… ’cause tramps like us, baby we were born to run.”

nakita ko ang litratong ito na nakaipit sa isang lumang librong binabasa ko nung nasa hospital ako. di ko sigurado kung ano – either yung “american gods” ni neil gaiman or yung “a soldier’s story” na world war II memoirs ni omar bradley. typical sa akin kasi na gawing bookmark ang mga paboritong larawan. mas typical din ang iwanan ang larawan sa loob ng libro pagtapos basahin. ulyanin kasi ako.

WISH I DIDN’T KNOW NOW WHAT I DIDN’T KNOW THEN

CLICK TO ENLARGE. old pictures... punong puno ng ala-ala of days gone by. i remember when this photo was taken. kagagaling lang namin sa simbahan at sinusubukan ko ang bagong bili na SLR camera. that was many moons ago. no, to be quite frank, that was many pounds ago. old pictures… punong puno ng ala-ala. i remember when this photo was taken. sa bahay ito ng mommy ko sa novaliches. dito pa kami nakatira nung araw. siguro mga 1994 ito, kagagaling lang namin sa simbahan ni jet at sinusubukan ko ang bagong bili na camera. that was a long time ago. correction, that was many pounds ago. much younger, bolder, reckless at wala pang masyadong pakialam kung anong mangyayari sa hinaharap. parang kanta ni springsteen: “at night we ride through mansions of glory in suicide machines… ’cause tramps like us, baby we were born to run.”

nakita ko ang litratong ito na nakaipit sa isang lumang librong binabasa ko nung nasa hospital ako. di ko sigurado kung ano – either yung “american gods” ni neil gaiman or yung “a soldier’s story” na world war II memoirs ni omar bradley. typical sa akin kasi na gawing bookmark ang mga paboritong larawan. mas typical din ang iwanan ang larawan sa loob ng libro pagtapos basahin. ulyanin kasi ako.

ANG MGA BINABASA KONG PINOY BLOGS, ET AL

pagtapos ng isang buwang di pagsusulat dahil sa pag-alaga sa akin, nagbalik na ulit ang asawa kong si jet na mag blog. sabihin na natin na “love your own” pero talagang masarap basahin ang mga entry ni jet. narito na kami sa singapore pero naka housewife and nurse mode pa rin siya hanggang ngayon. kailangan ko pa rin kasi ng pag-alaga dahil di pa healed ang sugat ko. yung mga pictures naman ng aming vacation, including both pre and post appendix rupture ay makikita ninyo sa “jay and jet’s summer vacation”.

bukas na ang “Manileña.Com” site ni ate sienna. dito, pwede kayong mag download ng mga ginawa niyang mga templates ng libre. magaling na artist ang ninang ko. in fact, siya ang nag design ng site ko. kung gusto ninyong gumanda ang mga websites ninyo ng walang bayad, punta kayo rito.

Continue reading

ESSENCE OF FISH

last entry ko na ito tungkol sa aking ruptured appendix. nagsasawa na ako sa kakakwento eh. pakiramdam ko para akong si eric quizon doon sa “crying ladies” nung paulit ulit niyang kinukwento kung paano namatay ang tatay niya. hehe… oo na. bakya ako, tulad ni AnP. idol ko kasi si hilda koronel simula nang mapanood ko siya sa “kung magarap ka’t magising“, ang aking all time peborit pinoy film. nakakatawa nga si hilda sa crying ladies bilang isang ex-actress whose claim to fame eh isa siya sa mga inapakan ng mga higante sa pelikulang “darna and the giants“. teka muna, asan na ba ako? nawala na… ah. last entry tungkol sa ruptured appendix. ok, tuloy ang kwento.

Continue reading

THE WALKING WOUNDED

dito nag dinner sina leah at eder ngayong gabi. nag luto si jet ng sinigang na baboy. walastik sa sarap… maasim na sabaw na pinalapot ng nadurog na gabi. may okra at kangkong, pinaghalong laman at taba ng baboy. at siyempre, pamatay ang sawsawang patis na may dinurog na sili. pero packingsheet na malagkit, di ako makakain ng marami. actually di na ako dapat kumain ng marami. may restrictions na ako sa diet dahil may chance daw akong magkaroon ng full blown diabetes. dang. nabanggit ko na rin ba na two weeks na akong hindi naninigarillo? wala na talaga akong bisyo. di na nga ako nambababae, nagsusugal at umiinom, my one and only poison is taken away from me pa. parang naawa tuloy ako sa sarili ko. twisted & destructive self pity logic, i know.

katulad ko, bagong opera rin si leah. habang ako ay nag rupture ang appendix, siya naman ay nag rupture ang achilles tendon. aray. medyo mas matagal ang recovery niya. ngayon nga ay may cast ang kanyang kanang paa and she’s on crutches. nagkakatawanan nga kami kanina dahil dalawa kaming walking wounded.

pero kahit tagilid pa ang lakad, susubukan ko nang pumasok bukas. sana maawa sa akin ang boss ko at maaga akong pauwiin. makanood man lang ng NBA finals. go pistons!

BORN TO BE WILD!

kung nasa NAIA kayo kanina at may nakita kayong malaking damuhong naka wheel chair… ako yon.

pagtapos ng isang linggo sa ospital at isang linggong exile sa antipolo, pinayagan na rin ako ng doctor ko na lumipad. bago yon, tinanggal muna niya yung drain ko nung monday. tapos ang tahi ko naman nung wednesday, kasama na rito ang final check-up para siguraduhin na kaya ko nang sumakay ng eroplano. nung thursday, yung doctor naman ng singapore airlines ang tumingin sa akin. daming hassle ano?

sa arrival din ng changi airport ay naka wheel chair ako. nakakahiya nga ang special treatment, at saka, parang di ko rin ma take na medyo invalid ako. pero malaking relief talaga ito. hanggang ngayon kasi, di pa rin ako makalakad ng mabilis. at siyempre, mayron pa ring sugat na kumikirot kirot. bikini cut nga pala ang tahi ko. ok na ok nga. pag malakas nang loob ko pag magaling na ako, pwede pa rin akong mag bikining itim.

HEALTHCARE FOR ALL?

dahil naroon ang mga kaibigan kong doctor, sa st. lukes ako nag pa admit. maganda ang hospital na ito. maasikaso ang staff, bago ang equipment, mabilis ang serbisyo at magaling halos lahat ng mga doctor.

siyempre, may katumbas na presyo ang magandang serbisyong ito. ang standard appendectomy sa st. lukes ay nasa 70,000 pesos (10,000 pesos lower kung semi-private room). hiwalay pa rito ang professional fee ng mga doctor ko. total na binayad ko sa kanila? 30,000 pesos sa surgeon at 12,000 pesos sa anesthesiologist. may tawad na yon. ang galing ano po?

total hospitalization cost ko? over 100,000 pesos. that’s the best money can buy para sa isang appendectomy sa pilipinas. sobrang mahal ano? kung sa pilipinas ako nagtatrabaho, di ko ito kayang i-afford. buti na lang at mayron kaming health insurance sa pinagtatrabahuhan ko. kung hindi, talagang mauubos ang pinagputahan ko.

WHILE UNDER OBSERVATION SA "ER" NG ST. LUKE'S

doctor: sir, kailan ho kayo huling nag pa surgery?
batjay: nung tinuli po ako.

doctor: nautot na po ba kayo ngayon?
batjay: hindi pa po.
doctor: nautot na po ba kayo kahapon?
batjay: hindi rin po.
doctor: e nung isang araw?
batjay: di ko na po maalala. bakit po ba importante sa inyo ang pag utot ko?

doctor: kailan ho kayo huling nadumi?
batjay: kahapon po ng umaga.
doctor: ano po ang hitsura ng dumi ninyo?
batjay: tulad po ng karaniwan. mahaba, makulay.
doctor: masasabi nyo bang normal ito?
batjay: doc, ano po bang depenisyon ng normal na dumi?

WHILE UNDER OBSERVATION SA “ER” NG ST. LUKE’S

doctor: sir, kailan ho kayo huling nag pa surgery?
batjay: nung tinuli po ako.

doctor: nautot na po ba kayo ngayon?
batjay: hindi pa po.
doctor: nautot na po ba kayo kahapon?
batjay: hindi rin po.
doctor: e nung isang araw?
batjay: di ko na po maalala. bakit po ba importante sa inyo ang pag utot ko?

doctor: kailan ho kayo huling nadumi?
batjay: kahapon po ng umaga.
doctor: ano po ang hitsura ng dumi ninyo?
batjay: tulad po ng karaniwan. mahaba, makulay.
doctor: masasabi nyo bang normal ito?
batjay: doc, ano po bang depenisyon ng normal na dumi?