nagising ako kanina medyo masakit ang ulo ko. siguro dahil sa puyat. marami kasi akong pinagkakaabalahan ngayon pag gabi – wala pa rin si jet dito sa singapore kaya nga panay ang mariang palad ko nalilibang ako sa computer. ayan tuloy, minsan napapatagal at di agad nakakatulog. ok, tuloy ang kwento… nagising nga ako ng medyo masakit ang ulo. dumiretso agad ako sa banyo at nagsalamin – baka kasi may palakol na nakasaksak sa ulo ko. kakabasa ko lang kasi the previous night tungkol sa isang russian na nagising isang umaga na masakit ang ulo – nakita na lang niya na may kutsilyong nakasaksak sa kanyang mukha. CLICK HERE para sa full story.
Author Archives: batjay
Lovers celebrate Valentine’s Day, Masturbators celebrate Palm Sunday
nagising ako kanina medyo masakit ang ulo ko. siguro dahil sa puyat. marami kasi akong pinagkakaabalahan ngayon pag gabi – wala pa rin si jet dito sa singapore kaya nga panay ang mariang palad ko nalilibang ako sa computer. ayan tuloy, minsan napapatagal at di agad nakakatulog. ok, tuloy ang kwento… nagising nga ako ng medyo masakit ang ulo. dumiretso agad ako sa banyo at nagsalamin – baka kasi may palakol na nakasaksak sa ulo ko. kakabasa ko lang kasi the previous night tungkol sa isang russian na nagising isang umaga na masakit ang ulo – nakita na lang niya na may kutsilyong nakasaksak sa kanyang mukha. CLICK HERE para sa full story.
Nothin' but blues and elvis, and somebody else's favorite song
ngayon araw na ‘to, gusto kong bigyan ng parangal ang aking kaibigan na si tito rolly. mahigit isang taon ko nang kilala si tito rolly. alam ko, isa siyang guro (magaling according to some of his students) at isang mahusay na artist (mayron akong mga paintings na ginawa niya sa bahay namin na hindi ko ibibenta kahit sa anong halaga). magaling din siyang mag gitara at may ilang beses na kaming nag jamming sa ilalim ng mga puno ng talampunay sa aming house on a hill. alam ko rin na uliran siyang ama at magaling na asawa (lahat ng sinasabi ng asawa niya ay may sagot siyang AMEN). napatunayan ko rin na isa siyang tunay na kaibigan. last year kasi, nung na hospital ako (nagpatuli kasi ako – CLICK HERE FOR MORE INFO), sa lahat ng mga kaibigan ko sa online world, siya lang kasama ng kanyang misis ang dumalaw sa akin. and for that i am eternally grateful. sige na nga, sasabihin ko na ang tutuo: hindi po ako nagpatuli, naoperahan ako dahil pumutok ang appendix ko. kaya yan, supot pa rin ako hanggang ngayon.
back to the topic: na feature si tito rolly ngayon sa Blog-O-Rama ni Annalyn Jusay (ang tunay na mahusay) sa Manila Bulletin. manghalungkat na kayo ng mga kopya ninyo nung lunes, kung di pa ninyo ito nababasa. kung wala kayong makitang dyaryo dahil ginawa na itong pambalot ng tinapa eh available naman ito online – CLICK HERE.
Nothin’ but blues and elvis

Oleanders growing outside her door
balik bisikleta ako this week after being away for over 3 weeks. kanina lang ulit ako nag bike to work. hirap pala ng nahinto ng matagal, nag cramps ako at medyo nahirapan sa mga paakyat. tapos muntik pa akong na-late papasok kasi hanap ako ng hanap sa helmet ko sa bahay kaninang umaga. ang tagal ko – silip dito, silip doon, silip kung saan saan. kaya pala hindi ko mahanap eh suot ko na pala. sobra ata ang pagka light weight at di ko naramdaman (puro na lang dahilan ano? ayaw pa kasing aminin na ulyanin na). doon nga pala sa mga nahihiyang magtanong, sasagutin ko na po kayo: opo, mayron na rin pong helmet ang asawa ko. matagal na. kaya ngayon, kahit mauntog siya ng paulit ulit eh di magbabago pagtingin niya sa akin.
BREAK A HEART OF STONE
i recorded a new song. it’s a cover of alice cooper’s classic “i never cry” which came out in 1976 (from the “alice goes to hell” album). memorable ang kantang ito sa akin dahil ito ang isa mga unang natutunan kong tipahin sa gitara. we used to sing this song a lot sa tambayan namin sa novaliches when i was growing up. ito rin ang kinanta ko nung nag audition ako sa parish choir ng aming simbahan nung 1981. awa naman ng diyos eh nakuha ako – sa “bass” ako napunta pero “soprano” ang inaplayan ko. hehehe.
iniba ko nga pala ang ending. HERE IT IS – sana magustuhan ninyo.
You'll be a dentist. You have a talent for causing things pain! Son, be a dentist. People will pay you to be inhumane!
last saturday, nagpunta ako sa dentista before the blogkadahan party. sa pilipinas na lang ako nagpapadentista ngayon kasi the last time akong nagpapasta sa singapore eh ginawang sabitan ng drill nung dentista ang bibig ko. asar na asar ako at muntik ko nang sapakin. takot lang ako at baka ilipat niya lahat ng bagang na ngipin ko sa harap at magmukha akong kalabaw. hehehe. simula non, sa pilipinas na lang kung saan magaan ang mga kamay ng mga dentista – pwede mo pang tawaran. kaya lang tatawad ka sa huli na at baka magtipid ang lekat at hindi ka lagyan ng anesthesia. mahirap yon, lalo na pag gagawan ka ng root canal.
You have a talent for causing things pain!

THE AMBIVALENT CROWD
am-biv-a-lence, noun 1. having two opposing feelings at the same time, or being uncertain about how you feel. 2. simultaneous and contradictory attitudes or feelings toward an object, person, or action.
GAMITIN SA SENTENCE:
naging AMBIVALENT ako kanina dahil bigla akong tinawag ng kalikasan habang may kausap na customer sa exhibition. conflicted ako kasi hindi ko alam kung mananatili akong nakikipag usap o tatakbo papunta sa banyo. in the end, tiniis ko na huwag matae kaya lang, halos nagkanda sakang ako sa pagkakatayo ko. natapilok pa ako sa pagmamadali. buti na lang hindi tumulo.
ang word power na ito ay ay hatid sa inyo ng “RUBY BLADE POMADE – ang pomada ng mga nag-aahit”.
POPE BATJAY DA PERS
gusto ko lang pong i-announce na may bago nang pope ang mga demonyito sa mundo – si pope batjay da pers. BWAHAHA. yan ang magiging pope kung nagkatutuo yung “super suspension of disbelief” angels and demons story ni dan brown. kanina nga pala, nagpunta ako sa suntec city for a trade exhibit. may nakasabay na naman ako sa train na may bitbit na “da vinci code”. lalapitan ko sana at ibubulong ko ang ending ng libro. hehehe. kaya lang, baka sapakin ako. nginitian ko na lang at ibinulong na kanya na – “hoy pssst, repeat after me: mary magdalene is the holy grail, mary magdalene is the holy grail“. na bad trip kaya yon? mukhang kakasimula pa lang niya ng pagbabasa eh. ‘nga pala, yung exhibit na pinuntahan ko ay tungkol sa mga drug lords pharmaceutical industry. may dumating nga na customer kanina. eh di kinamayan ko. firm handshake raw, sabi ng daddy ko para sign daw ng confidence. ok na sana eh, kaya lang pagkatapos kong makipag handshake sa kanya, bigla ba namang tumalikod at nangulangot. bwakanginangyan. di ko alam kung matutuwa o maiinis. matutuwa dahil nangulangot siya pagkatapos kong kinamayan. or, maiinis dahil baka kanina pa yon nangungulangot at ginawa lang niyang interlude ang aming handshake. ah, better not dwell on that thought.
KARAGDAGANG BALITA: punta nga pala kayo sa blogkadahan.com site dahil toka ko po ngayon. basahin ninyo ang blog kong pinamagatang “GUSTO KONG MAGING ASTRONAUT NA MARUNONG MAGKULOT NG BUHOK“. sana po ay magustuhan ninyo. mag iwan din kayo ng comment doon para masaya.