Unknown's avatar

About batjay

I am an overseas filipino worker. Now, I am part of that "babalik ka rin crowd" you see around christmas time, arriving at the NAIA in droves from all over, gold chain around their necks, in jeans and maong jacket, ray-ban shades, goatee, and baseball cap, pababa pa lang ang eroplano kinukuha na ang hand-carry luggage at nagpapalakpakan na't handang halikan ang lupa pagka-landing!

There Are Three Kinds of People – Those Who Can Count and Those Who Can’t

my ito ang hitsura ng opisina ko dito sa california. mayroon akong “room with a view”, bagay na labis kong ikinatutuwa. pag silip ko nga sa labas, bukod sa mga sira ulo at malilibog na kuneho, nakikita ko ang basketball court at ang beach volleyball area. tuwing tanghali, maraming mga taong naglalaro at pinapanood ko sila habang kumakain ng lunch. ang galing nga ng opisina namin (actually “campus” ang tawag namin dito), it has something for everyone. i love my job. bagay kasi ang kumpanya sa personality ko. i love the irreverence and the culture. i also love the free food, but that’s another story. dito lang ako nakakakita ng mga nagtatrabaho ng naka shorts, mahilig sa rock music at kung ano anong mga twisted na personality ng mga empleyado. gusto ko rin yung individual na dekorasyon ang ginagawa sa mga kwarto at cubicle sa opisina. bawat pwesto ay reflection ng personality ng mga taong nagtatrabaho doon. mayroong cublicle na para kang nasa loob ng sports car, mayroon namang para kang nasa space ship, mayroon parang amusemnt park, ang iba naman ay puno ng mga gadgets, maraming mga litrato ng mga anak at kung ano ano pa. yung opisina ko ay medyo ‘ala pang laman dahil kulang sa oras mag ayos. pero at the moment, hindi naman siya exactly totally bare. bukod doon sa “bird poop for sale” sign ko, mayroon akong mga sumusunod:

Continue reading

Where there is a stink of shit there is a smell of being

Glorious, suwerte ka raw pag nataihan ka ng ibon. at least yan ang kasabihan ng mga taga asia. naniniwala ako rito. nung grade five kasi kami, yung isang classmate ko, nabagsakan ng ebs ng tarat habang kumakain kami sa gym. muntik na ngang ma shoot sa lunch niya, pero lumihiis ito at tumama sa balikat niya. naiyak nga siya (siguro dahil napahiya). pero look at him now – isang successful na negosyante. panay na lang ang pasok ang pera sa bulsa niya automatically at kahit di na siya magtrabaho hanggang sa mamatay siya eh hindi na siya magugutom. all that good luck later on his life, dahil lamang sa isang fateful shitty day. sana ako rin swertehin – nung first day of work ko kasi dito sa america, yung bintana ng kuwarto ko ay nataihan ng ibon. hindi ko alam kung anong ibon pero betchabygollywow, ang laking kalat ang ginawa niya (please see picture). sabi nga ng room mate kong si claus eh baka ostrich daw ang tumae sa bintana ko. impossible naman kasi, una, walang ostrich dito sa california. ikalawa, hindi naman lumilipad ang ostrich (oo nga pala, PYI: nasa top floor ang office ko). baka agila o lawin – marami kasing umaaligid dito. siguro hina-hunting nila yung mga sira ulong kuneho na takbo ng takbo sa office grounds namin. heniway, gumawa nga ako ng “FOR SALE” sign para naman malagyan ng kaunting dekorasyon ang opis. lahat nga ng dumadaan ngayon ay humihinto at natatawa – nagiging conversation piece tuloy (“what you got there, jay?”, “can i get one of them bird shit too?”, “what in the hell is that thing on your window?”, “fucking shit!”, “holy shi!t”, “hey jay, you’re full of shit!” and many other words to that effect). sikat na nga ako ngayon – “you know who jay is, right? he’s that new guy from building 1 with the big bird shit on the window”. for all the crap i’ve been getting (pun intended), sana naman mas swertehin kami ni jet dito sa amerika. sabi nga ni brader mike eh – “emen to dat, ale-luya!

A good meal ought to begin with hunger

ang topic ngayon sa “the rebels without because” ay pagkaing pinoy. toka ko kaya gumawa ako ng listahan ng mga pagkain na gusto kong kainin kung bibitayin na ako bukas. minsan pag wala akong magawa, imbis na mangulangot ako eh iniisip ko kung ano ang gagawin ko kung ako si jose rizal nung mag-isa siyang nakakulong sa fort santiago at alam na niya na kinabukasan siya’y babarilin. pagtapos ng matagal na pagmuni-muni, tatlo ang naisip kong pwedeng gawin. UNA, hihiling ako na kung pwede akong mamboso doon sa mga naghahalikan na magsyota sa pader ng fort santiago. IKALAWA, gagawa ako ng tula (hindi mi ultimo adios, gago. kailangan ay original) – gagawa ako ng huling tula tungkol sa palaka. at IKATLO, oorder ako ng paborito kong mga pagkaing pinoy. heto ngayon dear prens, ang menu ng aking last meal…

Continue reading

The scientific name for an animal that doesn't either run from or fight its enemies is lunch

ang distansya from our apartment to my office is around 2 miles. maraming salamat sa inyo my dear prens, at bigla akong nagkaroon ng sipag na alamin kung gaano ito kalayo sa metric system – ang sagot ay 3.218688 km. o sige, para walang kalituhan, sabihin na lang natin na limang minuto lang ako from home to work. sapat na oras ito upang mangulangot habang nagmamaneho. hehe. pero not enough to enjoy my music. ang isa pa naman sa mga paborito kong gawin ay makinig ng musika habang nagmamaneho (clapton, springsteen, binky lampano). since 5 minutes away lang ako eh minsan hindi ako nakakatapos ng isang kanta. bitin na bitin. minsan nga pag maganda ang kanta, sadya kong binabagalan para marinig ko ang mga tugtog ng buo. ang musika ay parang time machine. minsan magugulat ka na lang at biglang may kantang magpapaalala sa iyo, very vividly, ng mga nangyari sa buhay mo. tulad kanina, bigla akong nasenti dahil biglang tumugtog yung ending song ng voltes v habang papauwi ako (ito yung “oyani kaldereta“). pakiramdam ko eh para ulit akong ten years old. naalala ko rin tuloy yung time na pinahinto ni marcos ang voltes v, bwakanginangyan. pero that’s another story.

Continue reading

The scientific name for an animal that doesn’t either run from or fight its enemies is lunch

A summer's sun is worth the having

weird talaga ang mga taga north america. habang ang buong mundo ay nag se-celebrate ng labor day sa may 1, pinili nila ang unang lunes ng september para sa kanilang version ng labor day. pero ok lang. at least mayroon kaming three day weekend. nakapag pahinga ako ng kaunti. siguro, hindi na rin ako dapat magtaka. eh dito na lang yata ginagamit ang miles at gallons. bagay na lubos kong ikinalilito. hanggang ngayon, pag may nagsabing “i live two miles from work”, wala akong idea kung gaano ito kalayo. sanay kasi ako sa kilometer. pag may nagsabing “a gallon of gas here in orange county is about $3 on average”, tumatango na lang ako at nagsasabing “that’s too fucking expensive” even though hindi ko alam kung gaano karami ang isang gallon. isang litro, alam ko agad dahil kabisado ko ang size ng bote ng coke sa pilipinas. sa temperature din mas nakakalito. pag may nagsabing “it’s one hundred and seven degrees outside”, naiisip ko agad eh over na ito sa boiling point ng tubig at malapit nang magunaw ang mundo dahil natutunaw na ang polar ice caps. tapos bigla kong maiisip na degrees farenheit nga pala rito at hindi celcius na nakasananyan ko. nakakalito tagala rito sa amerika. parang paatras nga ang takbo ng mundo minsan. buti na lang nga hindi counter clockwise ang andar ng mga relo rito. that would have been too much to take.

Continue reading

A summer’s sun is worth the having

Twinkle, twinkle little bat How I wonder what you're at! Up above the world you fly, Like a tea-tray in the sky

si BATLANDI, ANG PANIKING MABABA ANG LIPAD

eto nga pala ang typical eksampol ng paniking mababa ang lipad. native ang species na ito sa california. pero akshuli, nag originate sila sa pilipinas. ang pagkakasabi nga ng mga naturalist eh malamang daw na nahipan sila ng malakas na hangin at napadpad dito nung magkakadugtong pa ang asia sa america millions of years ago. rare na raw ang paniking ito at actually nasa endangered list na. ang pinaka dahilan daw ng pagiging rare ng paniki na ito ay mainly because of diet. wala kasing kasoy sa california na siyang pinaka food source ng paniking ito. isa pa raw dahilan ay ang mating rituals nila na kakaiba kasya sa mga regular na paniki. mahilig kasi sa sex ang species na ito pero nagagawa lang nila ito habang nakabitin sa loob ng mga kweba. ang kaso nga eh may kakingkihan sila at hindi pwedeng walang 69 position. pag ginagawa nila ito eh nahuhulog sila sa kanilang kinakapitan at nauumpog sa sahig ng kweba. karamihan sa kanila ay nababagok, nasisiraan ng ulo at di magtatagal ay namamatay. yung mga suswertehin na mabuhay (tulad ng paniki sa picture) ay nagiging sex maniac.

commercial muna bago tayo magpatuloy sa regular programming
: thank you nga pala kina Sassy Lawyer at Yuga sa pag feature ng “The Rebels Without Because” sa “The Philippines According to Blogs”. ang community website ay blog op da weak this week.