Unknown's avatar

About batjay

I am an overseas filipino worker. Now, I am part of that "babalik ka rin crowd" you see around christmas time, arriving at the NAIA in droves from all over, gold chain around their necks, in jeans and maong jacket, ray-ban shades, goatee, and baseball cap, pababa pa lang ang eroplano kinukuha na ang hand-carry luggage at nagpapalakpakan na't handang halikan ang lupa pagka-landing!

I had the blues because I had no shoes

bumili ako ng sapatos nung linggo. mabuti nga’t narito kami sa amerika. dito lang kasi ako nakakakita ng disenteng sapatos para sa paa ko (oo virginia, dalep-endarayt). size 12 kasi ang paa ko. you know what they say about people with big feet, don’t you? they have big cocks shoes. nagsimula ang problema ko sa shoe size nung pagtapak ko (pun intended) ng 1st year high school. around this time, bigla na lang humaba ang paa ko (oo virginia, parang jinakol dahil biglang laki) at nahirapan na akong bumili ng sapatos sa pilipinas. karamihan kasi ng mga stock sa mga tindahan ay hanggang size 9 lang. swerte na kapag nakakita ka ng size 10. ang ginagawa ko nga bago pumasok sa mga shoe store ay magtanong muna kung ano ang pinakamalaking size na available. nakaka disappoint kasi kapag may kursunada kang sapatos tapos biglang sasabihin sa iyo ng tindera na hanggang size 9 lang sila. ang ginagawa ko nga during those days ay bumisita sa marikina shoe expo sa cubao before the start of classes. nung araw kasi, dito ka makakakita ng mga murang sapatos na may malaking mga size. malapit lang ang shoe expo sa COD. naalala nyo pa ba yung COD? ito yung department store sa cubao na nagpapalabas ng malaking puppet at animatronic show sa balcony nila pag pasko. dinadayo ito ng mga taga maynila during the 1970’s and i remember watching it as a child with my dad. buhay pa kaya ang COD at ang marikina shoe expo? i hope it’s still there.

TO BE CONTINUED TOMORROW

He who shits on the road will meet flies on his return

dear unkyel batjay,

mayroon po akong importanteng tanong sa inyo – gusto ko lang pong malaman kung ano po ba ang dapat gawin sa ganitong situation: malimit pong mangyari ito sa akin na abutan ako ng LBM habang nasa labas ng bahay. pag nangyari po ito, pupunta po ako sa public toilet. kadalasan po ay punong puno ito ng mga tao at medyo nahihiya po ako pag nakaupo ako sa toilet seat. kaya ako nahihiya eh kasi alam ko pong magiging maingay ang aking pagdumi at siguradong pagtatawanan po ako ng mga taong nasa loob ng banyo. ano po ba ang dapat kong gawin?

ang shy guy na humihingi ng payo,
gentle reader

Continue reading

Lover, there will be another one who'll hover over you beneath the sun

nung sabado, nag hatid-sundo ako kay jet sa kanyang driving school sa san juan capistrano. memorable ang lugar na ito sa akin kasi nung araw, napapanood ko ito parati sa TV. sikat kasi ang capistrano dahil sa mga ibon na bumabalik balik dito during spring time. nung bata ako, akala ko eh manok yung mga ibon na iyon – oo virginia, akala ko nung una eh “the chickens of capistrano”. na imagine ko nga ang libo libong mga manok na lumilipad taon taon galing sa kanilang winter home sa south america. nawala lang ang image na ito nang tumada ako kasi malaman ko na: una, hindi lumilipad ang mga manok, at ikalawa – mga swallows pala ang tawag sa mga ibon na nagpasikat sa san juan capistrano. bakit ba swallows ang tawag sa mga ibon na ito? mahilig ba silang lumulon? hindi ko alam. wala akong kakilala na nakaka alam. ayon sa aking pagbabasa, ang mga swallows pala ng capistrano ay galing pa ng argentina! siguro mahilig sila sa carne norte (ngyahaha, ang corny ko). ang total distance from argentina to san juan capistrano ay 7,500 miles one way (samakatwid – 15,000 miles ang travel nila back and forth kasi 7,500 taymis 2 equals 15,000). ang galing ko sa math ano? hehe. engineer kasi ako eh. pero bwakanginangyan, ang haba ng byahe nila at bilib ako sa lakas ng resistensya nila – para silang mga lance armstrong ng mga ibon.

Continue reading

Lover, there will be another one

Yea, though I walk through the valley of death I will fear no evil, for I am the meanest son of a bitch in the valley

T: anong katangian ng mga amerikano ang gusto mo?

S: that they love to bitch about things. gusto ko yung fact na mahilig silang magsalita at mag voice out ng mga opinions. that in a meeting, you can shout at each other about work related matters pero pagtapos ay back to normal. walang personalan, ika nga. gusto ko yung exchange ng mga opinion – nagiging mas creative ako sa mga ginagawa ko dahil nakikita ko ang lahat ng mga angulo. gusto ko yung fact na pag may sumingit sa pila, may sisigaw sa likod na puno ng mga salita tungkol sa mga part ng lower anatomy. it’s a refreshing change from the way asians do it (ie, tahimik, timid, keeping things to themselves).

T: anong katangian ng mga amerikano ang ayaw mo?

S: that they love to bitch about things. too much sometimes. bitch, bitch, bitch, bitch, bitch. the weather’s too hot – bitch. the weather’s too cold – bitch. the gas prices are over $3 – bitch. walang kape sa coffee pot – bitch. mas maliit yung actual order na pagkain sa fastfood kaysa doon sa nakalagay sa picture – bitch. ultimo kaliit liitang bagay – bitch, bitch, bitch, bitch, bitch. minsan nami miss ko tuloy how asians do it (ie, tahimik, timid, keeping things to themselves).

Yea, though I walk through the valley of death

If toast always lands butter-side down, and cats always land on their feet, what happens if you strap toast on the back of a cat and drop it?

dear unkyel batjay,

nagising na lang ako kaninang umaga na may malaking sugat sa paa. hindi ko alam kung paano ko ito nakuha. palagay ko ay nakamot ko ito habang ako ay natutulog. hindi ko nga ito namalayan – sobrang lakas siguro ng pagkamot ko. mahapdi nga ngayon at nahihirapan akong maglakad. ano ba sa tingin mo ang dapat kong gawin?

nagmamahal,
gentle reader

Continue reading

If toast always lands butter-side down

dear unkyel batjay,

nagising na lang ako kaninang umaga na may malaking sugat sa paa. hindi ko alam kung paano ko ito nakuha. palagay ko ay nakamot ko ito habang ako ay natutulog. hindi ko nga ito namalayan – sobrang lakas siguro ng pagkamot ko. mahapdi nga ngayon at nahihirapan akong maglakad. ano ba sa tingin mo ang dapat kong gawin?

nagmamahal,
gentle reader

Continue reading

There Are Three Kinds of People – Those Who Can Count and Those Who Can't

my ito ang hitsura ng opisina ko dito sa california. mayroon akong “room with a view”, bagay na labis kong ikinatutuwa. pag silip ko nga sa labas, bukod sa mga sira ulo at malilibog na kuneho, nakikita ko ang basketball court at ang beach volleyball area. tuwing tanghali, maraming mga taong naglalaro at pinapanood ko sila habang kumakain ng lunch. ang galing nga ng opisina namin (actually “campus” ang tawag namin dito), it has something for everyone. i love my job. bagay kasi ang kumpanya sa personality ko. i love the irreverence and the culture. i also love the free food, but that’s another story. dito lang ako nakakakita ng mga nagtatrabaho ng naka shorts, mahilig sa rock music at kung ano anong mga twisted na personality ng mga empleyado. gusto ko rin yung individual na dekorasyon ang ginagawa sa mga kwarto at cubicle sa opisina. bawat pwesto ay reflection ng personality ng mga taong nagtatrabaho doon. mayroong cublicle na para kang nasa loob ng sports car, mayroon namang para kang nasa space ship, mayroon parang amusemnt park, ang iba naman ay puno ng mga gadgets, maraming mga litrato ng mga anak at kung ano ano pa. yung opisina ko ay medyo ‘ala pang laman dahil kulang sa oras mag ayos. pero at the moment, hindi naman siya exactly totally bare. bukod doon sa “bird poop for sale” sign ko, mayroon akong mga sumusunod:

Continue reading