Unknown's avatar

About batjay

I am an overseas filipino worker. Now, I am part of that "babalik ka rin crowd" you see around christmas time, arriving at the NAIA in droves from all over, gold chain around their necks, in jeans and maong jacket, ray-ban shades, goatee, and baseball cap, pababa pa lang ang eroplano kinukuha na ang hand-carry luggage at nagpapalakpakan na't handang halikan ang lupa pagka-landing!

Full of piss and vinegar

nagpunta na naman ako sa laboratory kanina dahil kailangan daw ng additional test kasi nakita ng doctor na mataas daw ang potassium level ko. ewan ko nga kung bakit – siguro dahil mahilig akong kumain ng saging. bukod sa blood test ay pinakuha rin niya ako ng urine examination. yan nga ang ginawa ko kanina. naka tatlong vial nga ng dugo yung bampira doon sa testing center. kaya raw sobrang dami ng kinuha niyang dugo kasi valentines day daw bukas. comedian din yung matandang umasikaso sa akin. gusto ko ngang sapakin pero tinawanan ko na lang ng malakas. natawa rin ako sa directions ng pagkuha sa urine dahil (i shit you not this is true) naka post doon sa banyo:

“if you are male and taking a urine sample, please pull your foreskin and use the alcohol swab to wipe the head of your penis before urinating into the container”.

ang galing talaga rito sa america, ano? it is truly a vibrant democracy – pantay pantay lahat ng mga kalalakihan sa mata ng diyos, tuli man o supot.

Ah brown sugar how come you taste so good

sabi ng doctor ko, bibigyan daw niya ako ng tatlong buwan para mapababa ang blood sugar ko. baka raw kasi makuha sa dasal? hindi naman. baka raw kasi makuha sa exercise at diet ang diabetes ko. doon sa diet part, ang sabi ng doctor ko ay huwag na raw akong kumain ng titi? hindi naman. bawasan ko lang raw ang portions ng pagkain ko at huwag nang masyadong kumain ng salty food. siyempre, wala na ring asukal. ang key word ay moderation. pwede pa rin naman akong kumain ng mga paborito kong pagkain pero hindi kasing dami ng dati. nag dinner nga kami ni jet kagabi. nagluto siya ng afritadang manok. siyempre, measured na yung portion ko – 4 na pirasong small bite size chicken pieces, 2 maliit na hiwa ng patatas at tatlong kutsarang kanin. ang galing ano? ninanamnam ko nga ang bawat butil ng kanin. mainam na rin, at least ngayon hindi na ako lumalamon pag kumakain. hopefully in 3 months, i will loose 20 to 30 pounds, decrease my blood pressure and lower my blood sugar. napaka ambitious pero i hope i can do it – otherwise, sisimulan na ng doctor kong magbigay ng medication.

IN THE SUN

ang ganda ng umaga ko ngayon. pag labas ko sa bahay, mataas na ang araw pero malamig. my kind of day – crisp and clear. naglalakad nga ako sa campus grounds around our office and immediately felt a high. tumigas din yung utong ko sa lamig. sarap nga eh. appropriate talaga ang a-la pearl jam na “i feel alive” morning na ito. it puts things into its proper perspective. hindi kasi maganda ang araw ko kahapon. in fact, double whammy. una, nagpunta ako sa dentista – pinalipat ko kasi lahat ng bagang na ngipin ko sa harap. mukha nga akong kabayo ngayon eh. ang tutuo niyan eh kaya ako nagpunta ay dahil tinanggal ang wisdom tooth ko. namamaga nga ang gilagid ko ngayon at buong araw kahapon ay masakit ang ulo ko. i also found out that i have diabetes. kaya ayan, mas interesting na ang buhay ko ngayon. excited na nga ako kung ano ang susunod na mangyayari.

but that can wait. for now, hayaan nyo munang ma enjoy ko ang magandang umagang ito.

BABYLON SISTERS SHAKE IT

nawala na yung usok galing sa wildfire na malapit sa amin. pawala na siguro yung sunog. mabuti naman. itong mga nakaraaang 2 days kasi, nakakatakot tingnan yung malaking column ng smoke na tanaw na tanaw sa bintana ng opisina. parang at any time, pwedeng tumawid ang apoy papunta rito. mga 2000 homes ang na evacuate dahil malaki yung sunog – mahigit 6000 acres daw. gaano ba kalaki ang 1 acre? di ko alam kasi sanay ako sa square meters. teka nga at ma research… eto, ang sabi sa google, 1 acre = 4 046.85642 square meters. imagine nyo na lang kung gaano kalaki ang sunog. beri-beri big too big, ano? dry na dry kasi ngayon dahil sa santa ana winds kaya isang spark lang, sunog agad. ang santa ana winds nga pala ay yung malakas na hangin na galing sa desert na umiinit habang tumatawid pababa ng bundok papunta sa pacific ocean. pag ganitong may santa ana, nagiging almost 0 humidity at tumataas ang temperature. in fact, today will be a hot day at ang forecast ay around 90 deg F. that’s a record breaking 32 degrees C. packingsheet, parang summer. kailangan na yatang maglagay ng underarm odor protection.

The only think I like better than talking about Food is eating

kagabi, for the first time since moving to california ay nag-ulam kami ng hipon. part pa rin ito ng on-going healthy living diet namin ni jet. napansin ko kasi na simula nang umalis kami ng singapore eh wala na akong allergy attacks dala ng pagkain ng mga shell fish. buti nga kasi i love to eat shrimps. ang sarap nga ng ginawang halabos ni jet, lalo na dahil may sawsawang suka na may toyo. ang napansin ko lang na medyo nakakainis dito sa california, at least yung nabibili namin sa mga grocery dito, eh wala nang ulo ang mga hipon. na miss ko tuloy sipsipin yung katas ng utak. nung araw nga, gagawin ko eh ibubuhos ko sa loob ng ulo ng hipon ang suka na may dinikdik na sili at ikakain ko sa steaming white rice. packingsheet, ang sarap. those were really the days of glorious food and great eating. miss ko na yung panahon na yon na kahit gaano karami ang nakain eh isang utot lang at kaunting lakad ay tanggal na agad yung kinain mo. ngayon kasi, pag kumain ako ng isang steak, mga dalawang buwan ata bago ko ito ma digest. tapos sa sobrang taba eh ang sagwa kong tingnan sa salamin pag naka side view. yung profile kasi ng katawan ko ay parang yung drawing ni exupery ng ahas na kumain ng elepante doon sa chapter 1 ng little prince.

I refuse to answer that question on the grounds that I forgot the answer

milestone talaga ang pagdating ko ng 40 years old. pakiramdam ko, parang may bago na naman akong bundok na aakyatin. mas mahirap kaya ito kaysa doon sa mga inakyat ko na? natatakot ako dahil hindi na ako kasing kisig at kasing tigas titi nung binata pa ako. baka kasi hingalin ako at mahirapang umakyat. 20 years ago, ang pakiramdam ko sa sarili ko ay indestructible – kahit ano kaya kong gawin basta marating lang yung mga pinapangarap ko sa buhay. ngayon kaya? pero, enough of this “climb every mountain” figures of speech and let’s move on.

Continue reading

THUNDER ONLY HAPPENS WHEN IT'S RAINING

dear unkyel batjay,

heto na naman po ako at may dala-dalang problema: ako po ay isang 24 year old na lalaki at bagong kasal. hindi pa po ako sanay sa buhay may asawa at hanggang ngayon ay nag a-adjust pa. don’t get me wrong unkyel, gustong gusto ko po ang bago kong estado sa buhay and in fact, ngayon lang po ako nakaramdan ng ganitong klaseng ligaya. ang sarap po pala ng may nag aalaga sa inyo. heto po ang aking dillema unkyel batjay – nagkaroon po ako ng LBM kanina at hindi ko pa mapigilan na may tumulo sa aking underwear. hindi ko na po ngayon alam ang aking gagawin. natatakot po ako sa sasabihin ng asawa ko pag nakilta niya yung brief ko. tulungan po ninyo ako.

nagmamahal,
gentle reader

Continue reading

THUNDER ONLY HAPPENS WHEN IT’S RAINING

dear unkyel batjay,

heto na naman po ako at may dala-dalang problema: ako po ay isang 24 year old na lalaki at bagong kasal. hindi pa po ako sanay sa buhay may asawa at hanggang ngayon ay nag a-adjust pa. don’t get me wrong unkyel, gustong gusto ko po ang bago kong estado sa buhay and in fact, ngayon lang po ako nakaramdan ng ganitong klaseng ligaya. ang sarap po pala ng may nag aalaga sa inyo. heto po ang aking dillema unkyel batjay – nagkaroon po ako ng LBM kanina at hindi ko pa mapigilan na may tumulo sa aking underwear. hindi ko na po ngayon alam ang aking gagawin. natatakot po ako sa sasabihin ng asawa ko pag nakilta niya yung brief ko. tulungan po ninyo ako.

nagmamahal,
gentle reader

Continue reading

RAGE AGAINST THE DYING OF THE LIGHT

naalala ninyo pa ba yung feeling ng being in your late teens to early 20’s? yung wild, reckless and free feeling na akala mo indestructible ka. yung kahit ano pwede mong gawin, tikman, hititin at subukan dahil alam mo walang masamang mangyayari sa iyo. invincibility – ha! hindi naman ako sumagad nung bagets ako although marami rin akong napag daanan. i did smoke a lot and i started early. for the longest time, gusto ko itong tanggalin but i didn’t have the will to stop it. when i was in my 20’s ang sabi ko ay i’ll quit by age 30. it came and went pero hindi ko nahinto. i finally did at age 38 and it’s one of the things i’ve done that i’m really proud of. heto ako ngayon at age 40, progressing into the “boring life”. no more smoking, less drinking, no more late nights. impak, my idea of a good time now is sleeping on the couch (probably snoring loudly) habang naka unan kay jet who is laughing heartily at enjoy na enjoy sa panonood ng mga sintunado sa american idol.

He took a face from the ancient gallery and he walked on down the hall

mahigit 3 weeks na akong di kumakain ng red meat. big deal ito para sa akin na kilalang meat lover. puro manok at sea food na nga lang. part ito ng life style change namin. galing kasi ako sa check up at mataas daw ang blood pressure ko. yan pa nga palang isang bago sa akin – kailangan nang regular ang bisita sa doctor. tinitingnan ko nga ang schedule ko lately eh one doctor appointment after another. wala naman akong sakit – kailangan lang talagang magpunta as part of our being here at siyempre gusto ko ring humaba ang buhay ko.

Continue reading