Unknown's avatar

About batjay

I am an overseas filipino worker. Now, I am part of that "babalik ka rin crowd" you see around christmas time, arriving at the NAIA in droves from all over, gold chain around their necks, in jeans and maong jacket, ray-ban shades, goatee, and baseball cap, pababa pa lang ang eroplano kinukuha na ang hand-carry luggage at nagpapalakpakan na't handang halikan ang lupa pagka-landing!

THEY WEAR BIG SOCKS!

5 THINGS ABOUT ME (yung iba ay secret kaya hindi alam ng marami):

01. nung araw, mahilig akong mangulangot pag nagmamaneho tapos pinapahid ko ang kulangot sa mga kasama kong tulog sa kotse

02. nung 1970’s ang paborito kong damit ay double knit na bell bottom pantalon

03. i am partially color blind (at tulad ni dwayne sa “little miss sunshine“, mayroong mga shades of red and green na hindi ko ma distinguish)

04. i am left handed (pero right handed pag nagsasaltik)

05. kahit anong gawin ko, i cannot touch my left elbow with my left hand

Continue reading

Life springs eternal on a gaudy neon street

VIVA LAS VEGAS! nagpunta kami sa las vegas nung weekend. mini vacation at regalo sa isa’t isa after a very tough holiday season. may pasok kasi si jet sa hospital ng pasko at bagong taon kaya hindi kami nakpapag celebrate. iba talaga ang dating ng las vegas. para sa akin kasi, ito ang lugar na puno ng vulgarity at excess (it’s screaming in your face, asamateropak, pero in a nice way). you have to go to las vegas and experience the place to know how it really feels like – kailangang malakad mo ang strip kahit na sobrang lamig at hindi mo na maramdaman kung nasaan ang ilong mo. kailangang matikman mo ang walang katapusang eat all you can buffet, makita mo yung ilaw, yung mga tasteless reproductions ng mga famous na landmarks, marinig ang mga elvis impersonators sa bawat kanto, makapasok sa mga wedding chapel, makapanood ng mga nude girls para sa mga boys at nude boys para sa mga girls (pwede ring nude boys para sa mga boys, charing!), maka attend ng mga concerts and of course, kailangang makapagsugal ka sa mga casinos.

Continue reading

Be an opener of doors for such as come after thee

MR. AND MRS. CHAVES, MY TEACHERS nung umuwi kami ni jet sa pilipinas last december, nagkaroon ako ng opportunity para makita ulit ang dalawang tao na malaki ang influence sa buhay ko. mahigit 20 years ko na silang hindi nakikita. meet the husband and wife team of mr. and mrs. chaves, my high school principal/assistant director and kindergarten teacher, respectively. nagtataka nga ako kung bakit parang hindi sila tumanda. una ko silang nakilala, 5 years old ako at uhugin pa. 35 years later, kami ang tumanda samantalang hindi sila nag bago. in fact, nagmukha pa silang mas bata sa amin. may magic yata talaga ang pagtuturo. si mr. chaves nga, nung high school kami, wala nang buhok – aba ngayon, mas mahaba pa ang buhok sa akin. hehehe. joke lang sir. baka ibilad mo na naman ako sa araw.

Continue reading

There's a ruckus in the alley and the sun will be here soon

ganitong time last year, nasa 216 lbs ako. sabi ng pamangkin ni jennypeng, “libs” daw ang pag pronounce dito. BWEHEHE. pounds sweatheart, pounds. medyo kinabahan nga ako dahil last january ko ring nalaman na diabetic din ako. 40 year old na overweight diabetic? prime candidate ito para sa atake sa puso at stroke. naisip ko nga: kung wala akong gagawin, baka gumising na lang ako isang umaga, wala nang pakiramdam ang kalahati ng betlog ko.

Continue reading

There’s a ruckus in the alley and the sun will be here soon

ganitong time last year, nasa 216 lbs ako. sabi ng pamangkin ni jennypeng, “libs” daw ang pag pronounce dito. BWEHEHE. pounds sweatheart, pounds. medyo kinabahan nga ako dahil last january ko ring nalaman na diabetic din ako. 40 year old na overweight diabetic? prime candidate ito para sa atake sa puso at stroke. naisip ko nga: kung wala akong gagawin, baka gumising na lang ako isang umaga, wala nang pakiramdam ang kalahati ng betlog ko.

Continue reading

Garbo Stamp, Si Ganesh, Isang Piling ng Saging, Ginisang Mushrooms, Hot Sauce, Wooden Shoe sa Ref, Legs ni Spiderman, Itlog na may Longganisa, Tokwa’t Suka, Unggoy na nagbabasa, Unggoy na tumatawa

Image

BAGONG TAON NA NAMAN

Beyond the horizon it is easy to love

dear mommy,

kamusta ang pasko ninyo sa pilipinas? sayang, hindi kami nakatagal diyan. kung di lang dahil sa duty si jet nung pasko at sa bagong taon, sana nariyan pa kami. kung diyan kami nagpasko, mag re-request sana ako sa iyo na magluto ng paborito kong morcon. naalala ko nung araw, parating mayroong morcon kahit panay ang reklamo mo na napakabusisi nitong gawin. naiisip ko nga na kasama sa sarap ng pagkain ang reklamo sa hirap nitong gawin. bakit mo ba ito ginagawa taon-taon na lang kung mahirap itong gawin? ang naiisip ko lang na sagot ay dahil mahal mo kami.

Continue reading

A soul in tension thats learning to fly

isang araw, sa pila ng customs and immigration sa los angeles international airport…

CUSTOMS OFFICER: “did you bring in any food from the philippines?”

BATJAY: “yes sir, canned goods.”

CUSTOMS OFFICER: “what kind of canned goods?”

BATJAY: “ah, baby crabs. sir”

CUSTOMS OFFICER: “what?”

BATJAY: “20 cans of fermented baby crabs, sir”

CUSTOMS OFFICER: “is that a science experiment?”

BATJAY: “no sir. in da philippines, we call it burong talangka”

ang true story na ito ay inihatid sa inyo ng “Birch Tree Holland Powder Milk, Ang gatas na may gata”