Darating ang Araw

Babangon ako sa kama tuwing umaga at bubuntong hininga.

Pagtagal, mawawala na rin ang kirot at pagsikip ng hininga.

Darating kasi ang araw na hindi ko na kailangang isipin kung paano ako nagkaroon ng isang mahusay at perpektong buhay kasama ka.