madam auring

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

mahalagang balita: tutulong na rin daw ang pilipinas sa paghanap ng nawawalang malaysian airlines flight MH370. ayon sa isang senior official sa malacanang, ipapadala raw ni presidente noynoy aquino sa kuala lumpur si madam auring ngayong linggo, pagkatapos ng matanglawin.

ang balitang ito ay hatid sa inyo ng birch tree holland powder milk – ang gatas na may gata.

vagabond

vagabond – isa sa mga unang complicated na salitang ingles na natutunan ko. nabasa ko kasi sa bibliya nung 5 years old ako na pagkatapos patayin ni cain ang kanyang kapatid eh sabi sa kanya ng diyos: “a fugitive and a vagabond shalt thou be in the earth”

tinanong ko sa mommy ko kung ano ang ibig sabihin ng “vagabond”. sabi niya, ang vagabond daw ay isang hampaslupang walang permanenteng tahanan.

“NPA?” ang sabi ko. oo raw, ang sagot sa akin ng mommy ko.

mula nuon, naging paborito ko nang ingles na salita ang “vagabond”

 

Noah

marami raw mga eksena sa #Noah ni russel crowe ang wala sa bible dahil ginamitan daw ng direktor na si darren aronofsky ng tinatawag na “artistic license“. halimbawa, doon sa pelikula, yung ark ay huminto raw sa isang bundok sa pampanga nung humupa na ang baha.

rubber soul

tinanong ako ni mang boy kung gusto raw niyang madiskubre ang beatles, ano ang mga LP na pipiliin ko. sabi ko, magandang tanong yan. ang inirekumenda ko sa kanya ay ang mga sumusunod, not necessarily in order of greatness:

  1. rubber soul
  2. revolver
  3. sgt. peppers
  4. white album
  5. abbey road