naalimpungatan ako nang magising ngayong umaga dahil sa lakas ng ulan. nung una, akala ko eh nasa bayang magiliw ako kaya muntik na akong napasigaw ng “anna, magluto ka nga ng longganiza at itlog”
hindi nagtagal ng ako’y balikan ng malay. nasa southern california lang pala ako at kailangan nang bumangon dahil mayroon akong katipang mga bumbay na naghihintay sa conference call.
