resolutions 2013

new year’s resolution #001: hindi ko na aalaskahin ang simbahang katolika pero kakain pa rin ako ng karne pag biyernes. hehehe.

new year’s resolution #002: mag-aaral ako ng chinese opera para makanta ang paborito kong karaoke song na “one night in beijing

new year’s resolution #003: hindi ko na reregaluhan ng barbell yung mga matatabang ka-opisina ko na nasa gym lang pag january

new year’s resolution #004: hindi na ako mag duduling-dulingan pag tinitingnan ng optometrist yung mga mata ko during my annual exams.

new year’s resolution #005: pag tumawag ang boss ko, hindi na ako sasagot ng “hello, you’ve reached suicide hotline, this is jay david, how may i help you?”

new year’s resolution #006: to improve my memory, kakabisaduhin ko lahat ng mga kanta ni april boy regino

new year’s resolution #007: tuwing makakakita ako ng pasas, hindi na ako magsasabi na nagpapa-alala ito sa akin ng ebs ng kambing.

Passport Photo

the proper way to take a philippine passport photo

-DO NOT SHOW YOUR TEETH WHEN YOU SMILE
-YOU MUST SHOW YOUR EARS

.flickr-photo { border: solid 2px #000000; }
.flickr-yourcomment { }
.flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; }
.flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }


2013 predictions #001

papayagan na ang gay marriage (yehay!), magiging legal na ang marijuana (woohoo!), may makaka imbento ng pork liempo na nakakapayat (wupi!) at muling sisikat ang tambalang snooky serna at albert martinez.

Morcon con Binagoongan

bilang pagsalubong sa bagong taon, nagluto si mon ng morcon at ako naman eh nagluto ng kick-ass binagoongan habang naka manny pacquiao t-shirt at new year hat.

gusto ko lang ipaalam sa mga mga mahal ko sa buhay sa pilipinas na walang taga mexico na sumapak sa akin habang ako’y nagluluto.