pakikiramay

dear gentle reader,

pag mayroong kang kakilalang namatayan, huwag na huwag mong sasabihin sa kanya na “ganyan talaga ang buhay” dahil una, ito siguro ang pinaka baduy na cliche na pwede mong masabi. pangalawa, malamang sa hindi, pag sinabi mo ito eh hihilingin sa iyo ng nasabihan mo na ikaw na lang sana ang namatay.

ingat,
unkyel batjay

ngayong almusal, mag-aaral ako ulit ng fractions. fract you!

muli kong binalikan ang aking aritmitik roots ngayong umaga. habang nag-aalmusal, nag practice ako ng fractions. kapag binawasan mo pala ng 1/4 ang custard pie, ang matitira ay 3/4 at sobrang daming crumbs sa sahig.

.flickr-photo { border: solid 2px #000000; }
.flickr-yourcomment { }
.flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; }
.flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }